Pagbalik ni Haruko sa bench ay nakita niyang nanginginig sa gigil si Sakuragi, kaya hinawakan niya ito sa braso, tinignan niyang mabuti kung anong nangyayari sa loob at nakita niyang paika ika ng maglakad ang kuya niya.
Balik lang tayo ng ilang minuto sa laro kung bakit nagkaganun si Akagi.
"62-53 ang score kung saan lamang pa ang Shohoku. Dito nga ay nakuha ni Akagi ang Rebound laban kay Sugedaira, ngunit sa pagbagsak niya ay naapakan niya ang paa ni Sugedaira at nakaramdam siya ng pananakit. Pero sinubukan naman niyang ipagsawalang bahala ito, naipasa niya ang bola kay Miyagi na agad namang itinawid sa half court.
Pumusisyon si Akagi sa poste kung saan ay kumportable siyang makakagalaw. At ibinigay sakanya ang bola ni Mitsui.
Mabilis na pagikot ang ginawa niya para makatakas kay Sugidaira at dito nga'y nakagawa siya ng puntos. Pero kitang kita na iniumang ni Sugedaira ang kanyang mga paa sa pagbabagsakan ni Akagi.
Pagbagsak niya ay agad niyang ininda ang kanyang mga paa.
Sakuragi: Gorii!!!
Akagi: Diyan ka lang!! Magpahinga ka pa!! Ang kuya niyo muna ang bahala dito!! Manood ka lang diyan ng tahimik!!
Dahil mataas talaga ang respeto ni Sakuragi kay Akagi ay nakinig siya dito at nanigas sa kanyang kinauupuan. Wala siyang magawa kundi ang mapaluha.
Ref: Captain. Emergency time out? O tuloy? Kaya mo pa ba?
Riyota: Eme-
Akagi: Tuloy ang laro. Kaya ko pa.
Nagulat si Mitsui kay Akagi kaya agad siya nitong nilapitan at aalalayan sana sa pagtayo ng tinignan siya nito at siya ang magisang tumayo.
Ref: basket count. 1 throw. Record an intentional foul to white number 11.
Sugedaira: Hn.
Patuloy na nagpipigil ng galit si Sakuragi sa #11 ng Ryonan dahil halatadong sinasadya niya ang pasimpleng pananakit kay Akagi. Napatingin sakanya si Akagi.
Akagi: Sakuragi. Maupo ka jan. Sinasakripisyo ko ang sarili ko para sayo. Panoorin mo kong maglaro. Panoorin mo ang una mong teacher kung papaano maglaro. Sana kahit magaling ka na sakin ay may matutunan ka padin. Eyes on me! Maliwanag??
Sakuragi: S-sige. Kuya.
Nang tawagin siyang kuya ni Sakuragi ay parang nagkaroon siya ng panibagong lakas.
Naipasok niya ang free throw at paika ika naman siyang nagjojogging pabalik.
Ang score ay 65-53. Ang oras ay 11:13.
Dito ay nalibre nanaman si Ikagami sa tres kaya itinira niya, ngunit sumablay ito. Pagtalon ni Akagi ay bahagya siyang itinulak ni Sugedaira sa bandang pwetan kaya mejo naout of balance siya. Nagkamali nanaman siya ng bagsak pero hindi niya pinahalata na nasaktan siya. Hindi ito nakita ng referee. Pero kitang kita ito ni Sakuragi, dahil si Akagi ang pinanonood niya. Dito na nagsimula ang panginginig niya dahil sa gigil.
Nang maitawid nila ang bola sa half court ay nagmadali nga ulit pumwesto si Akagi sa poste.
Akagi: AKO ANG HARI SA ILALIM PAGWALA SI SAKURAGI!! AKO LANG ANG MAGDODOMINA!!
Kaya nagspin move si Akagi at biglang humingi ng bola. Dito nga ay ihinagis ni Rukawa ang bola sa taas para sa Alley Oop play. Dito nga ay pasimple nanamang tinulak ni Sugedaira si Akagi bago pa ito makababa. Dahilan upang mawala nanaman ang kanyang balanse.
End of flashback.
67-53 ang score. 10:43 remaining.
Haruko: K-kuya.
Sakuragi: Huwag mong takpan ang mga mata mo, Haruko! Dapat proud kang pinapanood ang kuya mo kahit gaano kasakit na siya ang panoorin! CAPTAAAAIN!! GALINGAN MOOO!!
Dahil dito ay hindi na muna itinuloy ni coach Anzai ang paghingi ng time out.
Napatingin naman si Haruko kay Sakuragi at napansin niyang may luha sa mga mata niya. Kahit na hirap na hirap siyang panoorin si Akagi sa pakikipagpatigasan sa ilalim ay ginagawa niya ito dahil ito ang hiniling sakanya ni Akagi. Hindi niya inaalis ang mata niya sa panonood kay Akagi, halos hindi kumukurap. Kaya napaluha si Haruko at napatakip ng Mukha.
Sakuragi: Panoorin mo siya, Haruko, wag mong aalisin ang mga mata mo sakanya. Dahil siya ang gagawin kong ehemplo pag ako naman ang magiging leader.
Nagpatuloy ang ganung paglalaro ni Sugedaira hanggang sa hindi na nakapagpigil si Mitsui at pinagtangkaan niyang suntukin ito. Pero napigil lang siya ni Akagi at binitbit ito palayo.
Mitsui: Sumusobra ka na! Kanina ka pa! Sinisira mo ang pangalan ng Team mo! Tignan mo kung anong mukha ang meron si Coach Taoka! Kahihiyan dahil sa karumihan mong maglaro! Akagi! Bitawan mo ko at bibigyan ko lang ng isa! Hindi na to tama!
At dito nga ay nginisian lang siya ni Sugedaira at itsurang naghahamon pa siya ng away. Dito nga ay nabigyan ng warning for disqualification si Mitsui at nagawaran nga ng isang free throw ang Ryonan, pero sinadyang isablay ni Uekusa ang bola, dahil maging siya ay hindi nagugustuhan ang ginagawa ni Sugedaira sa laro. Sinadya niyang iair ball ang bola. At sinamaan niya ng tingin ang sentro nila.
Riyota: salamat, Uekusa-san.
Uekusa: Ayoko lang talaga ng ganyang kasama.
Riyota: Ref. Emergency timeout po.
Ref: Emergency Time out! Charge to Shohoku! Ryonan ball mamaya!
Pagupong pagupo nga ni Akagi ay inalis na kagad ni Sakuragi ang sapatos niya para sakanya.
Sakuragi: Haruko! Ate! Dali! Yung Ice Bucket! Isshi! Sumama ka na para ikaw na ang magbuhat!
Isshi: Oo!
At nagmadali naman silang tatlo na pumunta sa locker para kumuha ng ice bucket.
Akagi: Sakuragi, may natutunan ka ba sa panonood mo sakin?
Sakuragi: Oo! Madami! Magiging ganyan din ako katapang sayo kapag ako na ang mamumuno sa team na to!
Riyota: Ako din! Gagawin ko ang lahat para saluhin lahat ng banat ng kalaban!
Sakuragi: Ako na ang bahala sa babalu na yun! Tuturuan ko yun ng leksyon! Gulangan pala ang gusto niyan ah! Papakita ko sakanya kung papano ang malinis na gulang! Coach! Ako ang magsesentro. Wag na kayong tumanggi. May kinabukasan lang akong sisirain.
Pagdating nila Isshi ay agad naman tumato si Captain Akagi at inilublob ang kanyang namamagang paa sa ice bucket.
Akagi: Magrelax ka lang Sakuragi! Wag kang magpapadala sa galit na nararamdaman mo.
Sakuragi: AKO ANG MAGHAHARI SA ILALIM PAG WALA SI AKAGI SA LOOB!! SUMUGOD ANG GUSTONG SUMUGOD! PATAY KUNG PATAY! NAKAHANDA AKO!! NAKAHANDA KAMI!!
Buong team: HANDA KAMI!!
Sa bench ng Ryonan.
Paglapit palang nila ay nakatikim na agad ng sampal si Sugedaira kay Fukuda at malulutong na mura kay Coach Taoka.
Coach Taoka: Nagiisip ka ba?? Hindi gulang ang tawag dun!! Kundi kadumihan ng paglalaro!! Punyeta!! Ganyan ko ba kayo tinuruan?? Ganyan ko ba kayo ginabayan?! Ulitin mo pa to at hindi ka na makakapaglaro sa Ryonan. Naiintindihan mo??
At nakayuko nga lang si Sugedaira dahil sa pagkakapahiya sakanya. At dito nga ay narinig nila ang Padagundong na sigaw ni Sakuragi kaya nakaramdam ng labis na kaba si Fukuda at Coach Taoka.
Coach Taoka: Maghanda kayo. May gumising na natutulog na dragon sa Shohoku.
At sinamaan naman niya ng tingin si Sugedaira.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
FanficSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.