Masaya Ka na Pala eh.

327 9 1
                                        

Sakuragi's POV

Hindi ko na din naman kasi talaga maramdaman na mayroon pa eh, so ano namang magagawa ko diba? Oo, kinausap niya ko about my feelings, yup I've seen how she's so upset about it. Ang mga tingin niyang yun na parang nanghihinayang? Tsk, ano magagawa ko kung wala nang talab sakin? Naiinis ako sa totoo lang.

Bakit ngayon niya pa yun pinapakita diba? It's been 5 months, ang gusto niya nandito padin ako after kong tuparin ang pangako ko sakanya? No! I got my own dreams! My OWN fucking dreams!

Kaya ngayon? Hindi ko maiwasang hindi magsalita sa practice. Kaede Rukawa? Riyota Miyagi? Gori? Kain kayong lahat saakin! Hindi kayo poporma sa bagong ako!

Tama, galit na galit ako ngayon practice, wala akong kinakausap. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi o ipinapagawa sakin ni coach Anzai.

Ngayong araw na to, pinayagan ako ni Coach Anzai na maging point forward. Tunay kong laro. May green lights akong gumawa ng sarili kong puntos at gumawa ng sarili kong play sa loob. Pati pag tira sa labas.

Rukawa: Pakita mo sakin kung hanggang saan ka.

Mahigpit ang depensa niya sakin, ganyan nga, dibdib sa dibdib ang dikit niya. Kaya nag shoulder fake ako pakaliwa at kinagat niya ito, kaya naiwan ko siya ng isang hakbang. Sa sobrang gigil ko, naposterize ko si Gori at Rukawa ng sabay gamit ang isang one-hand tomahawk slam. Baligtad kaming tatlo at may foul si Rukawa sa likod dahil hindi niya ako naabot.

Mistui: Grabe ka. Galit na galit ka sa basket ah. Parang wawasakin.

Ako: hn.

Naipasok ko ang free throw at dali dali akong bumaba para dumipensa. Nang magsalita si coach.

Coach: Sakuragi, magpahinga ka muna. Kanina ka pa naglalaro, malamang ay hinihingal ka.

Ako: opo. Para hindi naman ako maovertrain. Mahirap na, baka panibagong injury nanaman makuha ko. Salamat po.

Naupo ako ng nakayuko at sinaklob ko sa ulo ko ang towel ko. Nasan ba si Aoi? Tumingala ako para hanapin kung nasaan siya, at nakita ko siya sa pintuan ng gym kaya pinuntahan ko muna siya.

Ako: Hey, Aoi-san. Ihahatid na ulit kita pauwi. Magbibihis lang ako.

Kaya lumapit muna ako kay coach para makapagpaalam na.

Third Peron's POV

Habang sila-sila nalang ang nandun, naguusap usap silang lahat kung ano ba talagang nangyayari kay Sakuragi, kung bakit ganoon nalang sila kapursigidong manalo.

Akagi: baka iniisip niya lang tayong mga seniors para mabigyan niya tayo ng karangalan. Ganyan din ako nung nagsecond year ako.

Miyagi: Oo nga boss. Ganyan din ako sayo last year kasi akala ko hindi ka na maglalaro ng winter cup.

Coach: Mayroon akong sasabihin sainyo. Miyagi, Akagi, tawagin niyo ang mga kasama niyo na nandito ngayon sa gym.

Miyagi and Akagi: Assemble!!

Coach: Gusto kong ipaalam sainyo kung bakit ganun nalang kaintense si Sakuragi sa practice natin at magiging practice niyo sa mga susunod pang araw. Ayun ay dahil tatlong liga nalang ang ilalaro ni Sakuragi dito sa Shohoku. Ipinangako niyang tutulungan niya ang buong team na magkampyon sa winter tournament, elimination at sa interhigh. Pag nagawa niya yun ay tutuparin naman niya ang pangarap niyang magpunta sa America upang magsanay ng mabuti sa paglalaro ng basketball. Kung mananalo tayo sa lahat ng liga ngayong taon ay ito na ang huling beses natin na makikita siya.

Nagulat silang lahat sa nalaman. Ngunit si Haruko, bigla niyang naalala ang sinabi ni Sakuragi noong laban nila sa Sannoh, pagpasok niya sa game after injury.

"Basketball. Inaamin ko na. Mahal na mahal ko to. Masaya akong nakilala ko to"

Bigla nanamang pumatak ang luha niya. Dahil naalala niya ang mga oras na yun. Agad din naman niyang pinunasan.

Ilang minuto lang ay bumalik na ulit si Sakuragi gym para sa basic drills. Agad siyang pumunta sa gilid upang magseryoso sa pageensayo. Habang nagpapractice ang buong team ay napansin nilang nagsusuicide drill si Sakuragi sa gilid habang nagdidribble ng mabilis gamit ang kaliwa't kanang kamay.

Nainspire naman sila sa pageensayo kaya pinagigihan din nila ang pageensayo nila. Umabot sila ng 7:30 ng gabi sa gym. Agad agad nagjogging palabas si Sakuragi papuntang parking lot. "Sayang ang oras" Saad niya sakanyang isipan. Nang paalis na siya ay nakita niya si Rukawa sa exit ng parking lot. Bumaba naman siya sa motor para kausapin siya.

Sakuragi: What's up?

Rukawa: So aalis ka pala? Bakit?

Sakuragi: Oo. Narealize ko kung gaano ko kamahal ang basketball. Naisipan kong maglaro ng hindi nakikipagkumpitensya sa kahit kanino. Dahil kung gagawin ko nga yun ay mas magiging open ako sa lahat ng pwedeng pwede kong matutunan. Kaya tinatanggap ko ang offer sakin ng nagtrain sakin sa loob ng isang bwan. Hindi pupwedeng magsayang ng oras. Nangako ako kay Gori, ikaw mismo ang nakarinig non.

Rukawa: Kahit anong gawin mong pagbabago sa sarili mo, ikaw padin si Sakuragi. Isang gunggong.

Nangiti nalang si Sakuragi at umalis.

Kinabukasan sa klase ay seryosong nakikinig sa bawat lecture si Sakuragi, pati sa pageensayo ay ganun din. Seryoso. Walang maririnig sakanya hanggat hindi tinatawag ng coach o ng dalawang managers na si Haruko at Ayako. Pag pinagpapahinga, pupuntahan niya si Aoi para ihatid na at nagdidilim na din kasi. Silang dalawa palagi ni Aoi ang nauuna sa gym na kung minsan ay nakikita pa nilang nag 1-on-1 sila. Okaya naman ay tinutulungan siya ni Aoi sa stretching niya.

Hanggang sa dumating na ang araw ng unang laro nila sa winter tournament.

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon