Shohoku Vs. Meihou 2 Posterized!

74 7 1
                                    

Natapos ang quarter ng walang score si Sakuragi. Dito nga ay nagtataka ang mga tao. Bakit puro pasa? Nasan na yung inaabangan nilang pagpapasiklab ni Sakuragi sa laro?

Pero ang teammates niya ay may ibang napapansin. Hindi siya nakakausap ng maayos ngayon. Tila ba ay may kinakalkula ito sakanyang isip.

Akagi: Kanina pa parang may mali. Hindi pa siya gumagawa. Puro pagpapasa siya buong quarter.

Mitsui: Malamang ay may iniisip siyang gagawin. Baka iniisip niyang lamang naman tayo ng malaki at hindi na niya kailangan pang gumalaw. Baka yan ang iniisip nyang mayabang na yan.

Rukawa: Nagkakamali ka sa sinasabi mo Mitsui, bakit? Hindi mo pa ba lubusang kilala si Sakuragi? Malamang ay iniisip niyan kung paano niya tuluyang tatapusin si Morishige.

Akagi: Oo, malamang ay ganun na nga. Napansin niyo bang hindi din makaporma si Morishige sakanya. In 12 minutes, 4 points palang ang nagagawa niya. At ang dalawang basket na yun ay nagawa niya ng hindi si Sakuragi ang nagbabantay.

Kogure: Tignan nalang natin sa 2nd quarter.

Sa kabila naman ay kitang kitang hinihingal na si Morishige at nakakailang bottled water na ang kanyang nauubos. Napatingin siya kay Sakuragi sa kabilang bench, di hamak namang mas madami ang ginagawa nito sakanya pero bakit hindi ito hinihingal. Siya ang point guard sa opensa. At depensa naman ay siya ang pumipigil sakanya.

Hindi naman sa pagmamayabang pero siya ang gumagawa ng lahat ng puntos ng kanyang team sa lahat ng laro. Hindi siya swapang sa bola. Mas lalo naman na mapagbigay siya sa bola. Sadyang wala lang siyang katulungan sa paggawa ng puntos.

Ang score nang matapos ang first quarter ay 29-4. Nakakarami na si Sakuragi kay Morishige. Puro block ang inaabot niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan para matibag ang depensa ni Sakuragi sakanya.

Nang magsimula na ang 2nd quarter ay nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan si Morishige ng makita niyang iba ang Sakuraging nasa harap niya ngayon. Pero hindi niya maituro kung ano bang nagbago dito.

Sakuragi: Team. Ako na muna sa buong quarter. May isang tao lang akong pagugulungin!

Napatingin silang lahat ng Sakuragi, ultimo ang mga teammates niya ay nakaramdam din ng panlalamig sa bawat salitang kanyang binitawan.

Sakuragi: Kung hindi ko siya magagawang tapatan ay hindi ako kailanmang magiging handa sa bawat laban na haharapin ko magisa sa America. Kaya ipaubaya niyo sakin ang 2nd quarter. May gagawin lang akong pancake sa ilalim.

Kaya ibinigay niya ang bola kay Yasuda. At pumwesto siya sa wing area. Agad agad siyang nilapitan ni Morishige para bantayan. Nang biglang nagcut si Sakuragi na ikinagulat ni Morishige pero nakahabol ito sakanya. Alam naman ito ni Sakuragi, kaya nang makuha niya ang bola ay inireverse dunk niya ito ng isang kamay. At ayun, pasok ang dunk.

Nagwala naman ang mga tao sa taas. Pati si Aoi ay natuwa sa nakita. Nagtititili naman ito sa galak.

Morishige: Mukhang magsisimula na ang tunay nating laban ah, Sakuragi-san.

Sakuragi: Kung umasta kay kala mong hindi kita pinagod last quarter. Kung pag uumpisa ng laban ang sinasabi mo ay nagkakamali ka. Eto ang umpisa ng pagguho mo. Pinakita ko na sayong hindi pupwede ang mga galawan mo sa ilalim. Lalapastanganin lang kita dyan. Ngayon ipapakita ko sayo ang tunay kong bangis sa paglalaro.

Morishige: Napakayabang mong magsalita. Tignan nalang natin kung may maibubuga ka pa mamaya pagkatapos kitang paglaruan.

Sakuragi: Paglaruan? Pumuntos ka muna.

Labis na kinainis ito ni Morishige kaya siya na ang nagreceive ng inbound at ibinaba ang bola, nagbiglang sinundot ni Sakuragi sakanya. Sinubukan niya itong habulin pero talagang mas mabilis si Sakuragi kaya siya ang nauna sa bola. Dito nga ay dinerediretso niya ang fastbreak, at sinubukan siyang habulin ni Morishige pero sobrang layo na ni Sakuragi. From the free throw line ay idinakdak niya ang bola gamit ang isang kamay na ang bola ay nanggaling pa sa pagkalikod likod ni Sakuragi.

Hiyawan nanaman ang mga tao sa pinakita niyang lakas at galing sa depensa at pagslam dunk.

Ultimo ang bench ng Shohoku ay napapasigaw at napapatalon. Maging sila Akagi ay namamangha sa pinakikita ngayon ni Sakuragi. Hindi nila alam na ganyan pala kalakas tumalon si Sakuragi.

Pagbaba ay bumalik siya sa depensa na para bang walang nangyari at dinikitan nalang si Morishige. Dito nga ay hindi na siya makapwesto pa ng maayos at nararamdaman niyang para bang mas bumigat si Sakuragi sa poste. Kaya paghingi niya ng bola ay sinubukan talaga niyang gibain si Sakuragi, napapaatras naman niya ito ng bahagya pero hindi niya talaga magiba. Kaya naghook shot nalang siya, nang biglang sinabayan din siya ni Sakuragi sa taas at dinakot nga ang bola sa pagkakatira. Isa nanamang snatch block ang ginawa sakanya.

Gulat na gulat ang coach ng Meihou, tinatambakan na sila ng husto ng Shohoku, aminado itong si Morishige lang ang kanyang inaasahang gagawa ng puntos para sakanila kaya hindi niya ito magawang ilabas para makapagpahinga.

Balik sa laro. Pinasa nga ni Sakuragi ang bola kay Rukawa at tinitigan ng masama si Morishige.

Sakuragi: Tatanungin kita ngayon, Morishige. Sino ngayon satin ang gumugulong? Hindi pa kita sineseryoso ay nangangatog ka na.

Hindi nakapagsalita si Morishige doon kaya iniwan nalang siya ni Sakuragi at muling pumwesto sa wing area.

Sa pagkakataong ito ay kinukuha na siya ni Watanabe. At mahigpit na binabantayan. Kaya naghigh post si Sakuragi at hiningi kay Rukawa ang bola. Pagkareceive niya ay agad umikot si Sakuragi. Ginamitan niya ito ng konting gulang kung saan hinawi niya si Watanabe ng kanyang kaliwang siko para hindi na ito makasunod.

Bigla nga niyang iniangat ang bola at sinabayan naman siya ni Morishige sa taas. Dito nga ay sobrang nagulat ang mga tao nang makita nilang patuloy padin ang pagelevate ni Sakuragi samantalang si Morishige ay pababa na. Kaya isang sobrang lakas na posterized dunk ang inabot niya kay Sakuragi.

Sakuragi: GGGGRRAAAAAAAH!!!

Isang sobrang lakas na primal roar nga ang pinakawalan niya at bigla itong tumitig kay Morishige na hanggang ngayon ay gulat na gulat padin sa lahat ng pangyayari.

Sakuragi: Ano. Alam mo na? Tanggapin mo nang tinalo kita gamit lang ang lakas ko. Ipakita mo samin ngayon na kaya mo ding pagkatiwalaan ang mga kasama mo.

Hindi padin makapagreact si Morishige. For the first time, the monster met his match. At dito nga ay tinatalo siya nito at inaoutpower.

Ang score ay 35-4. 10:57 seconds ang natitirang oras.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon