Shohoku Vs. Ryonan 4 - Rukawa, the Iso King

133 9 1
                                    

Habang paubos na ang oras sa Second quarter ay nakakalamang padin ang Shohoku, dahil unti-unti nanamang bumibigay ang Ryonan dahil sa pagod.

Ganun din si Riyota at Sakuragi na hirap na hirap itawid ang bola. Kapansin pansin nga na sobrang intense padin ng laban. Kaya lumapit si Sakuragi kay Rukawa.

Sakuragi: Huuuu! Ikaw muna. Pagod na kami. Patulong kami.

Riyota: Ang higpit nila sa depensa. Nakakapagod din. Patulong.

Rukawa: Tumabi kayo. Mga mahihinang nilalang. Ako ang bahala sa opensa.

Kaya nang maiinbound ni Akagi ang bola ay si Rukawa na nga ang tumanggap nito, ang tao niya ay Ikagami na sobrang galing dumepensa. Pero bigla itong tumira sa tres nang nakaharap sakanya. Pumasok ang bola at ang score na ay 50-43. Ang oras ay 3:42 bago matapos ang second quarter.

Rukawa: Kahit mapagod pa ang ace namin ay hindi padin kayo mapapahinga. Dahil nandito pa ko.

Sakuragi: Hindi pa pagod si Mitsui bugok!

Rukawa: Hindi naman si Mitsui ang tinutukoy ko eh. Ikaw, Gunggong!

Napatigil naman si Sakuragi dun. Pero dumepensa nalang siya. Nang dadaan na si Mitsui sa harap niya sinabihan niyang ipahinga muna neto ang kanyang kamay, dahil matapos nga ng unang pasok ng tira niya ay hindi na siya sumasablay.

Mitsui: Sige. Sobrang nagiinit na din kasi ako e. Baka d ko na makontrol ang volume ng tira ko.

Sakuragi: ipaubaya natin kay Rukawa ang natitirang 2 minutes.

Kahit hinihingal na si Sakuragi ay tuloy padin ang mahigpit na depensa niya kay Fukuda. Sinusubukan naman nilang ipasa sakanya ang bola pero nahaharangan talaga siya ni Sakuragi. Kaya napilitan nalang si Ueksa na ibigay ang bola kay Ikagami, na pinaghihigpitan naman ni Mitsui. Sinubukan niyang kunin si Mitsui sa poste pero natapikan nga siya nito. Hinintay niyang lumapit si Sakuragi sakanya para ibaba ang bola.

Nang maitawid na ni Sakuragi ang bola ay agad hinihingi ito ni Rukawa, na siya namang pagbigay neto.

Ikagami: Hindi na kita papalusutin.

Rukawa: Hindi naman ako lulusot.

At bigla nanaman siyang tumira ng harap harapan. At pumasok nga ang bola. At dito ay 10 points na ang lamang ng Shohoku. 53-43 1:27 nalang ang natitira sa oras.

Rukawa: Wala bang mas malaki? Sarap mong gawing asintahan.

Ikagami: Hari ka ng yabang kahit kelan.

Sakuragi: Hm. Hm! True. True.

Rukawa: Hay! Tinutulungan ka na nga, kinakampihan mo pa ang kalaban. Gunggong ka talaga.

Sa bench ng Ryonan.

Coach Taoka: Hokoichi, alam ko na kung anong mali. Eto ay ang mali na kung saan ay hindi natin maitatama sa kalagayan ng team ngayon. At ayun ang pagpapahinga ni Sakuragi.

Hikoichi: Yun din po ang napapansin ko kanina pa. Kung magpapahinga si Sakuragi, may Rukawa at Mitsui na kailangan nating bantayan, which is hindi ganun kadali. Silang tatlo. Kaya nilang tumira kahit na napakahigpit ng depensa natin.

Coach Taoka: Wala akong maisip na taktika para mapigilan sila. Kundi ang pilayin sila. Which is hinding hindi ko kayang ipagawa sainyo.

Napangiti nalang si Hikoichi dahil kapansin pansin talagang malinis na maglaro ang coach nila.

Coach Taoka: Alam mo bang dito sa Ryonan unang nagtangkang magaral ng pangkat nila Sakuragi?

Hikoichi: Po? Talaga?

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon