Ayako's Side of The Coin.

107 8 1
                                    

Aoi's POV

Heto nga at patuloy lang ang pagiyak ni Ate Ayako. Base nga sa mga sinasabi niya ay nanghihinayang siya. Dahil ultimo siya ay gusto na din si Miyagi-senpai. Wala naman daw kasi siyang ibang hinahangad kundi ang mamotivate si Miyagi-senpai at pagbutihin pa lalo ang kanyang paglalaro. Pero wala. Mali ang pagkakaintindi niya.

Ako: Ate, ano ang gusto mong gawin? Gusto mo labas tayo bukas? Tayong dalawa lang? Dun tayo sa beach kung saan kami naging official ni Hanamichi?

Ayako: Amm. Ok lang ba? Kasi oras niyo ni Sakuragi-kun yun.

Ako: Akong bahala ate. Maiintindihan naman niya yun. Baka nga sumama pa satin yun eh. At malamang sa malamang ay gusto ka din niya damayan. Siya na din kasi mismo ang nakakapansin sa inyong dalawa ni Miyagi-senpai. Sinabi niya. "Aijoo! Tignan mo sila oh, bagay na bagay. Nyahahahahaaaa"

Ayako: G-ganun? Halatang halata ba ko?

Ako: Opo. Pag ikaw ang nakatalikod, nakatitig sayo si Miyagi-senpai. Pag siya naman ay nakikita namin palagi na pinagmamasdan mo din siya.

Maya maya pa ay tumigil na din sa pagluha si Ate Ayako, pero mababakas mo padin sakanya ang sobrang lungkot na nararamdaman niya.

Maya maya pa ay lumabas na sila Hanamichi para ihatid si Riyota, hindi naman napansin ni Ate Ayako yun dahil nakayuko lang ito. Kapansin pansin na wala din sa sarili si Riyota habang nakaangkas kay Hanamichi-kun. Ilang minuto pa ay nakabalik na din siya at huminto sa harap namin.

Maya-maya pa ay tumabi na si Hanamichi kay ate Ayako at niyakap niya ito. Siya nanamang pagluha nito.

Sakuragi: Ate, kinausap ko na siya. Pinaintindi ko sakanya na hindi mo naman talaga siya binusted. Sinabi ko na gusto mo lang siyang imotivate. Pero kasi te, intindihin mo din siya. Alam mo bang naglalaro siya ng injured? Ayun sa mga x-ray results niya daw ay may crack na ang kaliwang tuhod niya dahil sa walang tigil at biglaang paghinto sa pagtakbo. Kaya bumabagal siya at mabilis ng napapagod.

Ikinagulat naman ni Ate Ayako yun.

Ayako: Ako ang lagi niyang kasama pero hindi ko yun napapansin. Ganyan na ba ako kamanhid?

Sakuragi: Talagang hindi niya pinahahalata saatin te. Kaya kahit gaano kadaming responsibilidad ang inatang sakanya ay hindi siya nagrereklamo, dahil ginagawa niya yun para sa pangarap niya, at para sa'yo.

Naghintay kami ng isasagot ni Ate Ayako, pero wala. Patuloy padin siya sa pagiyak.

Sakuragi: Alam mo ba na gusto na niyang magquit? Hindi dahil sa busted siya, kundi dahil pakiramdam niya ay nagiging pabigat na siya. Which is hindi naman totoo.

Ako: Hanamichi-kun, gusto kong idate si Ate Ayako bukas. Kaming dalawa lang.

Sakuragi: H-huh? Pwede sumama?

Ako: Nope! Girls day out! Bawal ka dun! Pag nakita ko yang pagmumuka mo dun sa pupuntahan namin bukas, talagang malilintikan ka. Hng!

Sakuragi: Hay! Ok! Ok! Atleast hayaan niyong ihatid ko kayo.

Ako: Ok! Oh sige na. Ihatid mo na si Ate Ayako sa Hotel. Gabi na oh.

Maya maya pa ay umalis na sila.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon