Shohoku Vs. Ryonan 8 - Ang bagsik ng Henyo

132 9 3
                                    

Nagsimula na nga ulit ang laro at si Sakuragi na ang pumasok, mabuti nalang at nabawasan na ang pamamaga ng kanyang mga paa. Habang nagseset si Uekusa ng bola at napansin agad nilang bago pa man makapwesto si Sugedaira sa ilalim ay isang malakas na panguusog na kagad ang natamo niya kay Sakuragi. Tumingin sakanya ang referee pero hindi ito pumipito. Malinis itong play kung saan, nambabraso si Sakuragi para hindi makapwesto ang Sentro.

Sugedaira: Ref. Ano ba? Walang foul?

Ref: Good! Good! Legal yang ginagawa niya sayo. Ikaw ang lumalapit malamang babrasuhin ka niya para di ka makapwesto.

At dito nga ay pasimple inumang ni Sugedaira ang kanyang siko, pero nagtaka siya kung bakit hindi niya yun napatama ng maayos, yun pala ay tumama lang iyon sa palad ni Sakuragi. At umacting si Sakuragi na tinamaan siya ng siko.

Ref: Offensive foul! White #11. Shohoku's ball.

Riyota: Nice Sakuragi!!

Naghigh five nga sila

Sakuragi: Sa depensa ako ang sentro. Kakuta-senpai. Ikaw ang sentro sa opensa. Rukawa. Ikaw muna ang quatro. Mitsui. Ikaw padin ang sandata ko. Subukan mong makalibre kay Koshino. Siguradong puntos na agad yun.

Silang lahat: Oo!

Kaya pagkainbound ni Sakuragi ay tinapik pabalik sakanya ang bola ni Moyagi.

Sakuragi: Tulad ng respetong binibigay sa kalaban, respetuhin din natin sila! Galingan natin! Kahit wala si Sendo! Ryonan padin yan! Isa sa mga malalakas na team! Maliwanag!

Silang lahat: Oo!!

At sa bench nga ng Ryonan ay nangilabutan si Coach Taoka at napatingin kay Sakuragi. Ganun kataas ang respeto niya sa Ryonan? Yan ang katanungang namumutawi sa isipan ni Coach Taoka.

Laro.

Dito nga ay binigay muna ni Sakuragi ang bola kay Miyagi para gumawa ng play, maya maya pa ay pumunta si Sakuragi sa gawi ni Mitsui at bigyan siya ng screen na agad namang nakita ni Riyota kaya isang napakabilis na pasa ang naibigay niya. Pasok ang tira. Ang score ay 74- 59. Labinlima ang lamang ng Shohoku. 8 minutes exactly ang oras na natitira.

At nagseset na ulit si Uekusa ng nakita niyang nagcut si Sugedaira at Fukuda sa magkabilang gilid. Pero pinili niyang wag itong ibigay sa kahit kanino sa dalawa, bagkus ay inireset nalang ulit niya at ibinigay kay Koshino sa right wing. Agad naman siyang nabantayan ni Mitsui, kaya ibinigay niya ang bola sa nagrepost na si Fukuda laban kay Kakuta. Isang mabilis na baseline spin move nga ang ginawa niya para makalusot ng tuluyan kay Kakuta kaya easy dunk nalang sana ang gagawin niya ng biglang sumulpot si Sakuragi, at pinalo ng malakas ang bola dahilan para mapunta ang bola sa pointguard na si Uekusa. Dahil wala ng natitirang oras ay ibinato nalang niya basta ang bola, at hindi nga ito tumama sa basket kaya naout of bounds ang bola.

Sakuragi: Fukuda. Sabi ko naman kanina diba? Walang makakapasok sa ilalim. Pag wala si Gori, ako ang hari dito.

Fukuda: Yabang. Hindi naman kita inaano e namemersonal ka. Hng! Di na tayo friends.

Sakuragi: Hng! Baliw. Friends padin tayo! Magkalaban nga lang kaya, enemy kita ngayon.

Fukuda: Don't talk to me! Niyayabangan mo ko porket may girlfriend ka na? Hn!

Sakuragi: A-ha? Anong connect??

Koshino: Pabayaan mo yan! Naiinggit lang sayo kasi nauna ka pa magkagirl friend sakanya kahit 3rd na siya.

Fukuda: Hng! Parehas lang kayong may girlfriend nangaapi na kayo?? Hng!

At nagpatuloy nga ang pagtatampo ni Fukuda dahil dinig na dinig padin ang pagtili ni Aoi sa taas.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon