Ngayong araw na ang laro ng Kainan at Shohoku, lahat sila ay seryosong naghihintay sa locker room at nagmemeditate. Dahil wala si Miyagi, si Mitsui na ngayon ang susunod na captain at Yasuda naman ang susunod na vice.
Si Sakuragi at Rukawa naman ay nakaupo ng magkatabi, at parehas na nagmemeditate. Tamang tingin naman sakanila si Akagi at Kogure.
Kogure: Tignan mo nga naman no, hindi mo makikita sakanila noon na magkakasundo sila.
Akagi: Kala mo silang mga aso't pusa noon na sigusigundo nagbabangayan.
Kogure: Oo nga e. Hahah.
Maya maya ay may kumatok sa locker nila, pagbukas nila ay nakita nilang si Sendo, Fukuda, at ang ex-captain na si Uozumi.
Nagkamayan naman si Uozumi at si Akagi at nagbatian ang dalawa.
Uozumi: Kumusta na, Akagi?
Akagi: Eto, mas malakas padin sayo? Hahaha
Uozomi: Hn. Imbes na magaral ka na para sa mga nalalapit na entrance exams nandito ka padin puro basketball. Tsk tsk.
Akagi: Hn! Nasa genes ko na to. Tyaka huling liga ko na to, gusto ko lang tulungan ang mga ogag kong mga kateammates before magretiro sa high school basketball. Ano pala ginagawa mo dito?
Uozumi: Ah. Susuportahan namin ang team mo. Balita ko ay may halimaw daw na naglalaro sa team na to, kaya gusto kong makita.
Maya maya pa ay tumayo din si Sakuragi.
Sendo: Tsk! Sabi ko eh. Mas matangkad na sakin tong kumag na to. Siguro ay kaheight na niya si Akagi-senpai. Naiwan ako dun ah!
Napatingin naman sa gawi niya si Uozumi, at nagulat kay Sakuragi.
Sakuragi: Uozumi, kumusta.
Uozumi: Wow! Kaheight mo na tong si Akagi. Nagpopower forward ka padin?
Sakuragi: Uuuuuh. Kaya ko lahat, Off guard to center. Point forward ako.
Uozumi: Ano!
Sendo: Hay, captain, kaya kami natalo sakanila. Super lakas niyan. Hindi siya mapigilan ni Fukuda sa ilalim, tapos hirap na hirap din akong sumabay sa labas. At! Buti nalang wala kadin dun. Kundi ikaw ang nasa kalagayan ni Sugedaira after game.
Sakuragi: Hindi din. Di hamak namang mas malakas si Uozumi kay Sugedaira. Hindi pa yun nangalahati.
Kaya matabang siyang tinignan ni Sendo.
Sendo: Kung naandon si Uozumi baka inilabas mo din ang tunay mong laro. Grabe ka. Captain, kinawawa niya magisa ang Aiwa. 51 points.
Hindi naman makapaniwala si Uozumi.
Sendo: Ang nakakagulat pa dun ay 3 tres lang ang pinakawalan niya buong laro at puro drive through the basket na. Dakdak kung dakdak. Kung palakasan lang naman ang katawan ay hindi naman nagpapahuli si Haruki Kano, pero ginawa lang niyang gulay sa ilalim.
Gulat na gulat naman si Uozumi at nakasmug look naman si Akagi sakanya.
Maya maya pa ay nagsalita si Fukuda.
Fukuda: Hng! Alam ko sikreto nitong bugok na to. Meron siyang girlfriend! Tayo wala.
Uozumi: Ha? Anong connect! Siraulo ka talaga.
Sendo: Hahahahaha.
Maya maya pa ay tinatawag na sila sa labas at magsisimula na ang laro. Nagkamayan naman na si Maki at Akagi sa gitna nang mapansin nilang parang may bagong player ang Shohoku na kausap ang kanyang kapatid.
Maki: Ah. May bago kayong recruit? Di bale, pahihirapan padin namin kayo. Good game, Akagi-san.
Akagi: Ah, wala kaming bago, kami kami padin. Kaso wala si Miyagi, at nakasimento ang kaliwang tuhod.
Maki: Ah, eh sino yung lalaking may hawak ng bola na kausap ng kapatid mo?
Napatawa naman si Akagi.
Akagi: Si Sakuragi yun. Sakuragi! Halika dito saglit.
Maya maya pa ay lumapit na si Sakuragi habang nagbaball control exercise.
Sakuragi: What up? Gori, and Idol Maki? Musta. Hehehe
Oo, simula ng nakalaban nila ang Kainan last year ay si nakuha na ni Maki ang kanyang respeto, at inidolize na niya ito dahil bagamat matangkad ay point guard naman ang laruan.
Maki: Ah! Hindi ako makapaniwala! Magkasing tangkad kayo! At magkasing laki din ng katawan!
Dito nga ay umentrada na din ang isa sa mga karibal ni Sakuragi na si Nobunaga Kiyota.
Nobunaga: Wala ka pading binatbat pre. Unggoy ka padin kahit maging kaheight mo pa si Yao Ming. Magdadakdak lang ako sa harap mo pre.
Dito nga ay pinatulan siya ni Sakuragi dahil namiss din niya ang kulitan nila. Dito nga ay pinakitaan naman niya ng kamanghamanghang bilis ng ball control si Nobunaga at kahit pangalawang beses na niyang nakikita ito ay gulat na gulat padin siya. Maya maya ay kumuha din siya ng bola at ginaya niya ang ginagawa ni Sakuragi pero hindi niya kaya.
Sakuragi: Nyahahah! Unggoy na talentless! Nyahahaha! Idol Maki! Sakanya mo talaga ipagkakatiwala ang Kainan? Nyahahaha! *Bogsh! Aaak! Gori!
Nobunaga: Hahahaha! Buti nga sayo! Unggoy! Hahahahaha
Maya maya pa ay binatukan na din siya ni Maki na siya namang kinangudngod niya sa sahig.
Sakuragi: Aaak! Gori na kita mo yun? Mas malakas pa siya mambatok sayo. Buti nga sayo! Unggoy na mahaba ang buhok! Nyahahahaha.
Maya maya pa ay sumigaw na si Aoi sa taas.
Aoi: Red! Wag mo kakalimutang yabangan yang panget na yan mamaya ah! Idakdak mo din siya sa ring kasama ng bola! Hng! Pag di mo ginawa yun. Malilintikan ka sakin! Hng!
Sakuragi: Y-yes ma'am!
Tinawanan nanaman siya ni Kiyota habang hinihila na siya ni Jin habang nakaupo sa sahig.
Nobunaga: Ah! Hahahahahaha! Yung unggoy! Under! Hahahahahaha
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
Fiksi PenggemarSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.