Sakuragi x Aoi 2

181 6 3
                                    

Aoi's POV

Pagkagising ko ay wala si Hanamichi sa Sofa. Kaya napaisip ako sa mga kaganapan kagabi, lalo na dun sa mga tagpo kung saan ay hinalikan ko siya sa kanyang labi.

"My God! Hinalikan ko siya? Hala. Nakakakilig!! Sana hindi kami awkward! Bakit kasi ang pogi pogi niya! Haay!"

Habang ako ay naggugulung gulong sa kamang aking hinihigaan ay siya namang pagkatok niya sa pinto.

Hanamichi: Gising ka na ba? Tanghali na 8:30 na.

Pagpasok niya ay wala na siyang damit pangitaas at pawis na pawis. Mukhang nakapagjogging na siya.

Napatitig ako sakanyang katawan na mukhang matigas ang mga muscles niya. May abs din siya at chests niya ay talagang ukit na ukit.

Hanamichi: Aoi-chan. Wag ka tumitig. Natutunaw ako. Hahahaha

Nahiya naman ako ng bahagya. Pero tinitigan ko padin siya habang nagpupunas ng pawis. Maya maya pa ay lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi.

Kinabahan naman ako dahil baka bad breath naman ako dahil kagigising ko lang. Napaupo naman ako at dumiretso sa CR ng kwarto at nagayos. Dito nga ay sinariwa ko ang pinagusapan namin kagabi.

Konting flashback lang sa usapan namin kagabi

Hanamichi: Huwag muna ngayon. Unahin na muna nating tuparin ang pangarap nating dalawa.

Ako: Ikaw ang first kiss ko. Di mo ko pananagutan?? Alam mong mahal na mahal na kita.

Hanamichi: Hindi sa ganun, Aoi-chan. Mahal na mahal na din naman kita. At ngayon ko lang napagtanto. Dahil meron na tayong pagkakaunawaan, mas panatag na kong tuparin muna ang pangarap ko, dahil alam kong ikaw ang aking uuwian. Pag natupad ko ang pangarap ko, mas lalo kong ipapakita sayo ang pagmamahal ng isang taong kagaya ko.

Ako: Ang corny! Pero kinikilig ako sayo! Lika na. Tabi na tayo matulog.

Hanamichi: Nirerespeto kita kaya hindi ako tatabi sayo. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko.

At doon ay nagpaalam na siya bago ako halikan at natulog na kami.

End of flashback

Pero hindi agad ako nakatulog nun dahil sa kilig sakanya at pagiisip kung magagawa ba talaga namin magsama. Naiisip kong mahaba ang panahon. Hindi ko alam kung kami padin hanggang dulo. At dun na ko dinapuan ng antok at tumingin sakanya. Bago ako makatulog ay nakita ko siyang nakatingin saakin habang nakangiti.

After an Hour ay nakapagbihis na ako dahil ngayong araw ang laban ng Ryonan High at Daie Gakuen. Naghihintay na sakin si Hanamichi sa labas. Habang nakikipaglaro kay Baby Miya.

At nang paalis na kami ay nagwala naman si Baby Miya dahil gusto niyang sumama kay Hanamichi.

Hanamichi: Kuya, isama na kaya namin?

Kyoske: Kaya mong magdrive na may baby na dala?

Hanamichi: Oo, basta may Harness siya.

Kyoske: You know what? Sasama nalang kami. Kunin mo nalang tong si Kulit pag dating natin dun.

Hanamichi: Sige, sige. Oh, baby, sasama ka ha. Pero si Daddy ang kasama mo. Bubuhatin ko yang tabachingching na yan pag nakadating na tayo sa pupuntahan namin. Ok?

Baby Miya: Ok. Moning tata danda! Hihihihi.

Napangiti naman ako sakanya at pinisil pisil ang mataba niyang tyan. Cute cute!

At pumunta na nga kami sa Gymnasium para manood ng laban. Hinintay muna namin na makapagpark si Kyoske-san para makuha namin sakanya si Baby Miya. Maya maya ay dumating naman na siya.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon