Shohoku Vs. Toyotama 3 - Come back Run

163 8 0
                                    

Lumipas ang 20 minutes half time at nakapagplano sila Coach Anzai na wag munang ipasok sa laro si Sakuragi dahil sa iniingatan nila ito.

Pero kapansin pansin na hindi talaga masaya si Sakuragi na nakaupo sa bench, habang katabi ni Haruko at Ayako.

Ayako: Ganyang ganyan si Akagi-senpai noong laban natin sa Kainan noon Elimination Games.

Ngunit seryoso lang na pinapanood ni Sakuragi ang laro.

Haruko: Kahit hindi ka na pumasok, mananalo lang tayo.

Wala pa ding imik. Naiinis siya at hindi siya makapaglaro. Nang bigla siyang nagsalita.

Sakuragi: Sinisimulan na ng Toyotama ang come back run nila. Hirap na hirap si Gori sa ilalim dahil wala siyang katuwang. Alam ng Toyotama na wala tayong rebounder sa loob kaya mas kumpyansa silang tumira sa labas. Tatlo sakanila ang sharp shooter, Itakura, Minami, at si Yajima. Kung napapansin nito 4 minutes palang ang lumilipas ay 16 points nalang ang lamang natin. Dagdag pa diyan ang hindi pagkahiyang ni Rukawa sa powerforward position. Pagmasdan niyo kung paano siya gawing bata ni Kishimoto sa box out.

Napatingin naman silang dalawa sa pwestuhan nila Rukawa at Kishimoto, halatang halata na palaging dehado si Rukawa sa pisikalan. Ngunit wala naman silang magawa kundi manood lang.

Ilang minuto pa ay naibaba pa ng limang puntos ang kalamangan ng Shohoku. 67-56. 3 minutes nalang ang nalalabi. Kaya humingi ng time out si Coach Anzai. Dito nga ay agad agad lumapit si Minami sa bench ng Shohoku para makipagkamay kay Sakuragi. Tinanggap naman niya ito.

Minami: Pasensya na talaga, Sakuragi-san, kung alam ko lang na medyo pa fade yung talon mo eh edi sana hindi nalang ako nagclose out.

Sakuragi: Wala yun. Kasama yun sa laro. Hindi palaging masaya, may masasaktan at masasaktan din lalo at elimination agad.

At tumango nalang si Minami at umalis.

Nagset ng play si Coach Anzai at hindi naman na nag-abalang makinig ni Sakuragi dahil alam na niya ang dapat niyang gawin sa 4th quarter.

Sakuragi: Ayos lang yan. Bawi kayo next possession. At Rukawa, huwag mong hahayaan na maunahan ka sa box out. Kung kailangan mong harapan si Kishimoto sa pagbox out, gawin mo. Basta makuha mo o matapik mo ang bola pagawi kay Gori. Tyaka bakit walang nagpapakitang point guard kay Gori kapag dinodoble siya sa loob? Alalay lang sa isa'r sia. Dalawa kayo jan e. Yasu at Riyota. Keep pushing guys. Hindi dito magtatapos ang byahe natin. Imaintain niyo lang yang kalamangan natin at babawi tayo next quarter.

Napatango nalang sila at bumalik sa paglalaro.

Ilang minuto pa ay 7 nalang ang lamang ng Shohoku.

Coach: Sakuragi-kun.

Sakuragi: Opo, tatang.

Agad naman nagtungo si Sakuragi sa committee para humingi ng substitution. Ang pinaupo nila ngayon ay si Miyagi, dahil sa fouls. May tatlo na kasi siyang foul.

Agad nilapitan ni Sakuragi si Mitsui.

Sakuragi: Mitsui, pumwesto ka kung saan ka kumportable tumira. Mag pick and pop tayo.

Mitsui: Huh? Sige.

Kaya pagkainbound ni Akagi kay Sakuragi ay dali dali itong pumunta sa wing area para ihand off kay Mitsui ang bola. Pasok ang tira. Sa ganyan nakilala si Mitsui, sa off the rythm three ball. Kahit may bantay pa siya ay hinding hindi siya sasablay.

Sa depensa naman ay nakipagpalit si Sakuragi kay Rukawa para malakas sila sa ilalim.

Naging over confident naman si Kishimoto at nagsalita.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon