Shohoku vs Toyotama 1

201 9 1
                                    

Sakuragi:s POV

So nakabalik na nga kami galing sa bahay nila Tita. Paakyat kami sa 4th floor kung saan magstay ang team namin. Bale dalawang room ang ookupahan, para kay Ate Ayako at Haruko tapos saaming mga lalaki. Pero hindi ako dito tutuloy mamaya. Haha.

Haruko: Bakit nakasun glasses ka padin eh nandito na tayo sa loob ng hotel.

Ako: Ha? Eh baka may chicks na lumapit sakin, sayang. Hahahahahaha.

Nainis naman siya at sinuntok ako sa tagiliran at kinuha sa muka ko ang sunglasses ko. Siya na ang nagsuot. Hahaha masyadong malaki para sakanya at nahuhulog. Pag bukas ng elevator ay nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad. Napapalingon naman sa gawi ko ang mga babaeng nadadaan.

Girl1: sino yun? Ampogi.

Girl2: oo nga girl. Pakilala nga tayo?

Girl3: baka may girlfriend naman na.

Haruko: Hng! Ako ang girlfriend! Tahimik!

Ako: Weh, ikaw? Are you sure about that? Hahahahah

Siyempre pabulong lang yung siya lang ang makakarinig. Ang totoo niyan ay talagang ayoko sa mga jologs. Kahit anong mangyari. Nakakasira sila ng concentration promise.

Ako: Hoy, baka naman maging jologs kadin kagaya ng mga jologs ni Rukawa. Huwag ha. Friends padin tayo.

Haruko: Huwag na huwag mo kong ikukumpara sa mga panget na mukang hampas lupa na mga yun.

Ako: Ay, grabe ka talaga. Hahahaha.

Pagpasok namin sa room ay natawa naman sila kay Haruko dahil nahuhulog talaga yung sun glasses ko sa mukha niya dahil sobrang laki para sakanya.

Naupo ako sa sofa, at nagpahinga saglit. Maya maya pa ay naupo siya sa tabi ko at napatingin si Rukawa sa gawi namin.

Ako: Haruko, dun ka kay Ate Ayako. Makiramdam ka. Nasasaktan ang ex mo kakaganyan mo.

Madiin kong pagkakasabi sakanya. Sumunod naman siya sa sinabi ko.

Dahil sa sobrang antok ay nakatulog nanaman ako.

Third Person's POV

Habang natutulog si Sakuragi ay nagsimula na nga silang magplano.

Coach: Si Sakuragi ang magiging puno't dulo ng opensa natin, pati na din sa depensa. Expect an all out offense from Toyotama from the get-go. So dalawa ang magiging assignment niya sa depensa, si Kishimoto sa ilalim, at si Itakura sa labas para tulungan si Miyagi. Ikaw Akagi, ang kukuha ng box out para makatalon si Sakuragi sa rebound. Ikaw naman Rukawa ay stationary ka palagi para mapasahan ka niya ng fastbreak. Si Mitsui ang pipigil kay Minami at gagawin escape ni Sakuragi at Rukawa twing magigipit sila sa driving lane kaya dapat ay palagi kang libre. At Miyagi, lima ang babantayan mo. Kung kaya mong agawan ang papasahan ni Itakura, maganda pero dapat ay mabilis ka din makakabalik sa harap ni Itakura pag hindi mo naagaw ang bola. Hindi ppwdeng malambot tayo sa depensa. Kaya tatagan niyo mga bata.

Lahat sila except kay Sakuragi: Opo!

Sakuragi: Ha? Wah? San ang sunog?

Napatingin naman ang lahat sakanya. At tinawanan siya.

Rukawa: Hay! Kahit anong mangyari. Gunggong ka padin!

Napangiwi naman si Sakuragi.

Sakuragi: Alam niyo natutulog ang henyo eh ang iingay niyo. Rukawa, wag kang madaldal! Goodnight na ulit!

Nagpatuloy na nga siya sa pagtulog.

Kogure: Oh, narinig niyo. Henyo na ulit siya. Hahaha

Ayako: Pogi naman yung henyo. Pogi.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon