Shohoku Vs. Ryonan 9 - Ang pagbabalik ni Sendo

116 8 2
                                    

Natapos na ang third quarter na ang score ay 81-71. Ang naiwang 17 pts na kalamangan ng Shohoku ay nahabol dahil sa tapang na ipinakita ni Koshino at Fukuda.

Ultimo sila Aoi ay namangha sa ipinakita nilang tenacity sa depensa at opensa. Bahagyang nashutdown ni Ikagami sa labas si Rukawa at Mitsui, habang dinouble team nila si Sakuragi sa ilalim, kaya walang ibang mapuntahan si Sakuragi kundi ang pagpasa kay Kakuta na kung minsan ay inaabutan pa ng bagong sentro ng Ryonan.

Hinihingal na din sa pagod si Riyota dahil sa pagdedensa kay Uekusa na nagpapamalas ng sobrang laking improvement, at pagtawid ng bola sa half court dahil sobrang higpit ng full court press nila.

Dito nga ay halatang halata ang frustration ni Sakuragi at Rukawa.

Coach: Kumalma kayo. Sakuragi-kun. Ikaw ang magsisilbing point guard ngayong quarter. Si Riyota ay nangangailangan ng quick breather kaya dito muna siya sa bench. Sasaoka-kun. Papasok ka bilang isang shooting guard. Ang kuya Mitsui niyo naman ang small forward. Rukawa. Ikaw ang hahalili sa iniwang position ni Sakuragi ng panandaliang panahon. Ikaw ang point forward.

Rukawa: Opo.

Sakuragi: magpakatatag ka pa Mitsui. Sayo kami hihingi ng instructions sa loob dahil ikaw ang pinakaexperiensadong manlalaro dito sa ganitong kagipit na pagkakataon.

Mitsui: Oo.

Sakuragi: Sasaokun. Magooff the ball screen and pop play kayo ni Mitsui para malito ang depensa. Nakukulitan na din ako sa Ikagami na yan, kahit anong gawin ko ay hindi malibre libre sa tres si Mitsui. Kaya plan B kita.

Sasaoka: Oo.

Riyota: Huuu.. Sakuragi! Hindi pinaglalaruan ang pagkain! Ubusin mo agad.

Sakuragi: Sige.

At sa pagsisimula ng 4th quarter ay nakita nila Sakuragi si Sendo sa loob ng court.

Agad lumapit si Sakuragi dito at nakipagkamay.

Sakuragi: Mabuti at ayos ka lang. Sabi ni Fukuda hindi ka na makakabalik.

Sendo: Ahh. Yun ba? Ok lang naman. Basketball play padin naman yun kahit saan mo tignan. Nagulat nga din ako ng tawagan ka ng ref ng blocking foul eh ako lang naman talaga ang naout of balance. Pero siguro ay tumawag siya ng foul para maihinto ang laro.

Sakuragi: Tayong dalawa ang magtutuos sa harap. Rukawa, ikaw na muna kay Fukuda.

Rukawa: Hay. Gunggong talaga. Pero sige.

Sendo: Oh? Makakabawi ako sayo sa pagkakataong ito, Sakuragi.

At pomusisyon na ang mga player ng magkabilang kuponan sa kanilang mga pwesto. Nagulat si Sendo ng makita niyang isang solid poin guard ngayon si Sakuragi, matangkad, at mabilis niyang makikita ang papasahan. Maya maya pa ay lumapit si Mitsui kay Sakuragi at bumulong. "Trick play". Kaya biglang atake ni Sakuragi sa basket at nagulat si Sendo at hindi siya nakapaghanda, habang si Ikagami ay hirap na hirap na humahabol kay Mitsui kaya nagkaroon ng small opening si Sasaoka.

Sasaoka: Dito! Sakuragi!

Kaya nagfast ball si Sakuragi kay Sasaoka sa right corner. Pasok ang tira.

Sakuragi: Nice! Michi! Sasaoka! Tara na.

Score ay 84-71. 11:47.

Sa kabilang panig ay nagmadali si Sendo sa opensa at naunahan niya lahat pwera kay Sakuragi na siya namang nagpahinto sakanya sa pagtuloy sa ilalim.

Sendo: Oh? Tignan nga natin kung mahusay ka na din sa depensa.

Dito ay hindi na nagsalita si Sakuragi at binantayan nalang ng mabuti si Sendo. Nagcross over naman si Sendo, kaya umatras si Sakuragi para mas makita niya ang gagawin ng kalaban, at tulad nga ng prediction nya ay pumunta sa kaliwa si Sendo kaya nacheck niya ang play. Nagulat si Sendo dun kaya nagreset nalang ulit siya ng play.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon