winter tournament

208 11 0
                                    

Sa ikalawang araw pa ng tournament ang unang game nila sa Osaka. Kaya may mahaba pang panahon ang team para makapaghanda. Nakapaag impake na si Sakuragi ng kanyang mga kakailanganin, tulad ng mga pamalit na damit, sabon at shampoo, deodorant, pabango at tooth brush and tooth paste. Dinala niya sa mekaniko ang motor niya para sa monthly maintenance, iniwan ito saglit dahil nasa kabilang kalsada lang ang kailangan niyang puntahan.

Naupo na sa sya sa upuan habang nakikipagchat sa mga tropa niya sa rehab center. Kila Haie, and Ichijo. Sila ang mga naging tropa ni Sakuragi sa rehab, parehas silang mga college basketball player na on the way na sa pro league.

Si Haie ay isang shooting guard, inoofferan na siya ng rookie contract sa isang mid level team sa Japanese B-League. 22 years old at may taas na 185 cm.

Si Ichijo naman ay isang combo guard, may mga offers naman sakanya sa mga top contenders sa Japanese B-League. 21 years onld at may taas na 187 cm.

Silang dalawa din ang naging training partners, rivals at coaches ni Sakuragi noong may mga pinapagawa sakanyang technique si Dr. Yamaguchi.

Hair Stylist: Pogi, anong hair style?

Sakuragi: Ah, kayo na pong bahala.

Hair Stylist: Gusto mo bang ireapply nadin natin yung kulay ng buhok mo?

Sakuragi: Sige po, pero pwde po bang dark red? Yung hindi naman po ganun kahalata ang kulay?

Hair Stylist: Sige.

After an hour, ok na. Tapos na, shinashampoo nalang si Sakuragi.

Sakuragi: tumatanggap po ba kayo ng credit card?

Hair stylist: Oo.

Kaya inabot ni Sakuragi ang kanyang credit card at isinwipe ito. Nadeductan siya ng ¥1500.00.

Pagkatapos niya sa Hair Salon ay binalikan na niya ang motor niya. Ilang minuto lang ay inilabas na sa garage ang motor niya at binayaran ang mga mekaniko. At umuwi na siya.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na siya sa Shohoku para sa mga klase niya na maaari pa niyang mapasukan.

Kaya naman nasa classroom na siya ngayon at SINUSUBUKAN na makinig sa professor niya. Pero pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya. Nakakaramdam na tuloy siya ng kaunting pagkahiya. Kaya hindi na siya nakatiis.

Sakuragi: AAAAH! Ano bang mga problema niyo?? Ang hirap magconcentrate at tingin kayo ng tingin dyan, ha. Hnnnnn..

Agad naman siyang nahiya at napayuko nalang. Nagkataon namang babae ang professor niya ngayon kaya.

Ms. Professor: Aaah. Sakuragi-kun, pumogi ka kasi sa gupit mo kaya ka tinitignan ng mga kaklase mo. Ayiee.

Sakuragi: A-ah! M-ma'am! H-ha??

Napatingin naman siya sa lahat ng mga kaklase niyang babaeng namumula mula pa ang pisngi na nakatingin sakanya. Pati si Haruko, na hindi nahuling tinitignan si Sakuragi ay namumula din. Napatingin siya sa katabi niya.

Sakuragi: A-aoi-san, pati ikaw ba naman? H-ha! Di na sana ko nagpagupit. Tsk! Anlalakas niyo mangantyaw.

Ms. Professor: Mabuti naman at hindi ka padin tuluyang nagbabago, nakakamiss din minsan ang kakulitan mo. Pero masaya ako at gusto mo na din matuto sa pagaaral mo.

Sakuragi: May pangarap po kasi akong gustong matupad. Kaya kailangan kong magsumikap. Hindi lang sa pagbabasketball. Pati na din dapat sa pag-aaral ko. Tama?

Ms. Professor: Tama. Tama. Hahahaha.

Tama. Puro papuri ang naririnig ng advisory teacher ng section ni Sakuragi dahil nakikita na nilang umayos na ang dating magaspang na bata na palagi nalang nilang sakit ng ulo.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon