Aoi's POV
Sobrang nagenjoy ako sa panonood sa laban ng Shohoku at Toyotama. Sobrang laki ng ipinagbago ng style ng paglalaro ni Hanamichi, noong interhigh ay magaspang siya maglaro, rebound, jump shot at slam dunk lang ang kaya niyang gawin.
Akalain mo yun? 4 months siyang nabakante kasi nagpagamot siya ng lower back injury niya then 1 month lang siya sumailalim sa special training then ayun na. Bagong play style na.
Ngayon nga ay tapos na ang game nila. Nandito kami ngayon sa Hotel kung saan magstay ang team nila Sakuragi, nakikinig kami sa game plan nila Coach Anzai, hindi ko padin inaalis ang paghawak ko sa mga kamay niya. Ganun din naman siya.
Napatingin ako sa gawi ni Haruko at nakatingin siya samin na malungkot ang mga mata. Pero iniwasan ko din ang tingin niya at sumandal nalang sa balikat ni Hanamichi.
Hanamichi: Ok lang? Baka inaantok ka na. Konti nalang at uuwi na tayo.
Ako: Hindi pa naman. Si Haruko, nakatingin sayo. Ayiee.
Hanamichi: Haha. Tingin lang siya. Ok lang yan. Mas maganda naman yung jologs na nakapulupot sakin. Aray!
Dahil kinurot ko siya sa tagiliran niya. Napatingin naman saamin ang ilan sa mga teammate niya.
Hanamichi: ha ha ha. Ha. Sorry guys.
Rukawa: Hay naku. Gunggong. Bawal PDA. May naiinggit.
Hanamichi: Sorry na ngaa. Wag ka na mainggit Rukawa. Tuloy na ang discussion.
At nginiwian naman siya ni Rukawa. Ewan ko ba kung anong mayroon jan sa lalaking yan eh, maputi lang naman. Kung tutuusin eh mas gwapo pa si Sakuragi ng matutong mag ayos. Mas mabait. Di hamak namang mas palangiti. Hindi kagaya nitong si Rukawa, akala mong ipinaglihi sa sama ng loob.
Mitsui: Hahaha. Hindi lang si Rukawa ang inggit. Pati si Susunod na captain. Hahahahaha. Katabi nalang si Ayako hindi pa makadiskarte.
Riyota: Nnnnnngggggg!! Sharraap! Bungal!
Mitsui: Ano?? Nggggggg! Siraulo kang kulot ka ah.
At ayun. For the first time, nakita kong may inumbagan si Akagi bukod kay Hanamichi.
Silang dalawa: A-aray!!
Akagi: Nakakahiya kayo! Kayong dalawa pa naman ang maglelead sa Shohoku sa elimination games. Tapos ganyan ang iseset niyong ehemplo kay Sakuragi at Rukawa na hahalili sa positions niyo?
Silang dalawa: Sorry.
Rukawa: Yoko din maging vice captain, capt. Mababawasan tulog no. No thanks.
Hanamichi: hahahaha. Soro ka talaga. Wala ka nang no choice.
Rukawa: Gunggong.
After 5 minutes ay ok na. Tapos na sila magasaran. Nakalimutan na nga nilang may discussion na nagaganap eh. Nagpaalam na si Hanamichi kay Coach Anzai. Kausap na niya ngayon si Akagi-san.
Hanamichi: Gori, Daie Gakuen at Ryonan ang maglalaban bukas, kung sinong manalo sa labanan nila ay ang makakalaban natin bukas makalawa. Manonood ba kayo?
Gori: Oo.
Hanamichi: Itext niyo ko kung nasaan ang pwesto niyo dahil bababa ako sa kanila para batian sila Tsuchiya at Sendo.
Gori: Teka, pano mo naman nakilala ang star player ng Daiei Gakuen?
Hanamichi: Kanina lang. Nakipagbatian at nakipagkilala siya sakin after game.
Gori: Ganun ba. So wala ka ding ideya kung paano maglaro ang MVP ng interhigh.
Hanamichi: Oh? Kala ko si Morishige ang nagMVP nun.

BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
Fiksi PenggemarSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.