111-101, 3:25 remaining at bola naman ng Ryonan.
Sobrang seryoso ngayon ni Sendo sa pagsugod sa depensa ni Sakuragi, pero kahit siya ay mas matangkad, mas malakas naman kaysa sakanya si Sakuragi, kaya umatras si Sendo at ibinigay ang bola kay Ikagami sa labas. Na agad ding ipinasa sakanya ang bola.Maya maya pa ay biglang nagscreen si Fukuda at nakalibre siya sa tres na kanya namang itinira, hindi na nakatalon si Sakuragi dahil sa magandang pick na binigay sakanya ni Fukuda kaya pumasok ang tira. 111-104. 3:00 remaining.
Humingi ng timeout si Coach Anzai para makapagpahinga si Sakuragi ng bahagya pati na din si Mitsui.
Coach: Papasok na natin si Miyagi, at Kakuta. At Sasaoka na papalitan naman ni Shiozaki. Sakuragi, gusto kong ikaw na ulit ang magbantay sa ilalim, at Shiozaki at Rukawa na ang magtutulungan upang mapigilan si Sendo.
Akagi: Team! Huwag kayong bibigay, alam kong mahirap silang kalaban. Kaya dapat nating tatagan. Maliwanag?
Lahat sila: Oo!!
Sakuragi: Tayo ang mananalo dito! Pilay kung pilay! Tayo ang mananalo!
Lahat Sila: OO!!!
Kaya tumayo na ang limang maglalaro, si Miyagi, Sakuragi, Rukawa, Mitsui at Shiozaki.
Ang nagseset ngayon ay si Miyagi na tinatao nanaman ng mahigpit ni Uekusa, nakaalalay sakanya si Shiozaki, kaya ibinigay niya ang bola dito at itinawid niya ang bola sa half court, pagtapak niya sa wing ay siya namang pagangat ni Sakuragi para ireceive ang pasa. Dito ay si Ikagami naman ang tumatao sakanya, dahil alam ni Sakuragi na matigas din ang katawan nito at may kalakasan din ay kinuha niya ito sa bilis, sa unang pagkakataon ay may nakalusot sa pinagmamalaki niyang depensa. Pagsugod niya sa loob ay naakit si Fukuda at Sendo na sumabay sakanya, hindi naman nila napansin na nagcut na si Mitsui, kaya idrinop pass ni Sakuragi ang bola na siya namang ikinagulat ng parehong team ng mag one hand slam dunk si Mitsui.
Gulat na gulat maging ang bench ng Shohoku at lahat sila ay napatalon sa kanilang pagkakaupo.
Kogure: HUUUUUUUU!!!! MITSUI!!! ASTIIIIIG!!
Haruko: Mitsui-senpaaaaaii!!
Sakuragi: HAAAA?? Kaya mo din magduuuunk??
Mitsui: Oo naman! Mas gusto ko nga lang ang tres, tres yun e. Dunk 2 points lang.
Maya maya pa ay nakaramdam siya ng isang malakas na batok mula kay Riyota.
Mitsui: Siraulo kang kulot ka! Ansakit nun ah!
Tawa naman ng tawa si Sakuragi.
Sakuragi: Tara na!
Ang score ay 113-104. 2:47 remaining.
Hindi agad nakagetover si Koshino sa pangyayaring iyon. Kaya tinapik nalang siya ni Sendo upang maibalik niya ang sarili niya sa wisyo.
Ngayon nga ay nagseset si Sendo ng bola at Rukawa na ang nagbabantay sakanya. Pero wala naman pakialam si Sendo kahit sino pa ang magbantay sakanya, inatake niya ang depensa ni Rukawa, isang left-right crossover, nang masundan siya ni Rukawa ay isang mabilis na spin move naman ang ginawa niya kaya nakaiwas kay Rukawa, nang bigla ngang may tumapik ng bola sa kanyang kaliwa. Kuhang kuha ni Shiozaki ang bola. Kaya idineretso na niya ito. Hinabol naman siya ni Sendo, dahil alam niyang wala namang sumunod sakanyang nakaitim ay itutuloy na sana niya ang lay up at hahayaang mablock ni Sendo ang bola para kanila padin ang posesyon.
Rukawa: Shio. Nakalikod mo ko!
Kaya nagbehind the back pass si Shiozaki kay Rukawa, easy lay up nalang nga sana ng biglang may lumilipad na Fukuda sa kanyang likuran at pinalo ang bola at lumabas, papunta kay Ayako. Pero nasalo naman niya ito.
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
Fiksi PenggemarSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.