Kinabukasan ay pumunta ng hotel si Ayako para kumuha ng mga pamalit na damit ni Riyota. Nagpaalam na din siya sa team na sasamahan na muna niya si Riyota sa ospital hanggat hindi pa dinadala sa Rehabilitation center at tutal naman ay nandiyan naman si Akagi at si Haruko para magdesiplina sa kanilang lahat.
Samantala, napagdesisyunan ni Haruko na mamili ng mga prutas sa mall at ayain si Sakuragi sa pagbisita pagbalik niya galing sa pamamalengke ng mga prutas.
Ilang minuto lang ay nasa mall na siya, at pupunta na siyang department store nang makita siya ng isang taong kilalang kilala niya, pero hindi naman siya nito nilapitan at inoobserbahan lang siya, tutal kailangan din naman niyang pumunta sa department store, di na din siguro masamang sundan niya si Haruko.
Ilang sandali pa ay may mga lalaking lumapit kay Haruko, para sana kunin ang contact number nito, disente naman silang nakikipagusap pero mahahalata mo na ayaw talaga sakanila ni Haruko, pero mapilit sila at pilit na kinakausap si Haruko.
??: Haruko, anjan ka lang pala, sabi ko hintayin mo ko at nagcr lang naman ako eh. Oh, may problema ba mga pre?
Lalaki1: Ah, eto siguro yung boyfriend. Sige tol, pasensya na. Alis na kami.
Lalaki2: Sayang, ganda pa naman. May boyfriend na pala.
Lalaki3: Sabi sainyo e. Bihira nalang ang magandang single.
Kaya nagtawanan nalang ang magkakaibigan at lumayo.
Haruko: Ahm. Salamat, Mitou-san. Bakit ka pala nandito?
Yohei: Yohei, at walang -san suffixes sakin, friends naman tayo diba?
Haruko: Ah, ok. Eh bat ka pala nandito?
Yohei: Hmm. Ah, oo pala. Kailangan ko lang magrestock at malakas ang store namin sa Omimaiko beach. Sayang din kasi kung tatambay lang kami dito at walang gagawin diba?
Haruko: Ahh. Okey.
Yohei: Bisita ka dun kung gusto mo. Pasama ka kay Hanamichi or kay Aoi-chan. Para makapagenjoy ka din. Tutal naman ay 2 days pa naman ang laban niyo sa Kainan. Tara, samahan na kita para matulungan din kita sa mapamimili mo.
Haruko: Salamat.
At magkasabay na silang pumasok ng department store, unang sinamahan ni Yohei si Haruko na mamili ng fruit bundle, at nilagay niya naman ito sa shopping cart. Ginawa na niyang dalawang basket dahil kailangan niya din sa paninda nila. And then, pumunta naman sila sa rice trays, kumuha siya 2 bags. Then sa meat section ay kumuha siya ng tigtatlong kilong chicken, pork at beef. Nang magbabayad na sila ay kukuha pa sana si Haruko ng ipambabayad niya ng part niya, nagulat nalang siya ng binayaran na ni Yohei yung pinamili niya ng hindi manlang nagsasabi.
Haruko: ahm. Yung share ko pala.
Yohei: Ay naku! Haruko. Walang ganyanan, itago mo yan. Para kay kulot to diba? Samahan na din kita dun, pero kailangan muna nating ihatid tong mga to sa inn. Then let's go.
Haruko: Ok lang ba? Baka maistorbo kita, pano yung store niyo?
Yohei: Kaya na ng tatlong ungas yun. Hahaha. Ikaw ang mahalaga ngayon, napakalapitin mo pa naman.
Haruko: Hng! Di naman eh!
"Ang cuuuute!"
Yohei: Oh siya, tara na.
Kaya pumunta na sila sa Inn at hinatid ang mga pinamili, pinagbilinan naman sila ni Yohei, at pumayag na din sila para makapagpahinga din siya dahil siya lahat ang gumagawa para sa temporary business nila.
Pagsakay nila ulit ng taxi ay medyo napaisip naman si Haruko.
"Noon pa man ay sobrang bait na ni Yohei sakin, hindi ko man napapansin ay lagi siyang nandiyan para damayan ako pag wala si Sakuragi-kun, siguro ay binibilin ako palagi ni Sakuragi-kun sakanya nung wala pa siya, bago nila ako lahat iwasan, hmm. Ah. Tatanungin ko nalang siya mamaya."
BINABASA MO ANG
After Rehabilitation
Fiksi PenggemarSecond story ko. Ito ay ang mga sumunod na pangyayari after interhigh. Maaasahan niyong Iba dito si Hanamichi.