Shohoku Vs. Toyotama 4 - Mr. Closer

161 11 0
                                    

Napagplanuhan nga ng Shohoku na ilabas muna ang tatlong starters, Si Akagi, Rukawa, at si Mitsui. At si Yasuda.  Kapalit naman ay sila Miyagi, Sasaoka, Shiozaki. At Kakuta.

Coach: Hindi ko ito ginagawa dahil kampante akong tapos na ang laban. Sa katunayan nga ay gusto kong masukat ang kakayahan ng Tatlo nating pamalit. Kung mayroon pa ba akong kailangang ituro sainyo. Si Miyagi bilang captain ay hindi muna ang mamumuno, kundi si Sakuragi, dahil siya ang napipisil kong papalit kay Miyagi next year.

Sakuragi: A-ako? Bakit si Rukawa? Eh mas magaling naman siya sakin ah.

Rukawa: Inamin mo din gunggong. Ayoko! Wala namang nakakaintindi sa mga sinasabi ko. Pareparehas kasi kayong mga gunggong.

Sakuragi: Pero seryoso nga? Ako?

Hinawakan naman siya sa ulo ni Akagi.

Akagi: Hn! Ako ang nagrekumenda sayo. Dahil maboses ka. Hindi mo lang alam pero ikaw ang puso ng kuponan na ito. Simula palang nung una.

Niyakap naman siya ni Mitsui.

Mitsui: Naniniwala ako sayo. Naalala mo noong pinlano kong guluhin at sirain ang team? Bago pa man dumating si Coach nung mga oras na yun ay binago mo na ang pananaw ko sa buhay kahit parehas lang tayong basagulero nang mga panahon na yon.

Sakuragi: Mitsui.

Nang pakawalan siya ni Mitsui sa pagyakap ay si Kogure naman ang yumakap sakanya.

Kogure: Hindi mo lang napapansin, bata. Pero kaming mga seniors mo ay napapasunod mo sa mga sinasabi mo. Nasayo talaga ang katangian ng isang magaling na leader. Alam mo ba ang sabi ni Akagi? "Balang araw. Siya ang magiging dahilan kung bakit tatanghaling kampyon ang Shohoku"

Medyo nakaramdam naman ng sakit sa dibdib si Sakuragi at mangilid ngilid ang luha.

Sakuragi: P-paano naman ang pangarap ko? Ang pagpunta ko sa America?

Dito nga ay yumukod ang lahat ng players sakanya. At nagsalita ang pinakamatalik niyang kaibigan sa team. Si Riyota.

Riyota: Pakiusap, Hanamachi. I-isang taong lang ang hinihingi ko. Sige na. Kahit hindi para sakin. Para nalang sa team! Sige na. Eto lang ang hinihiling ko bilang kaibigan at kuya mo din sa team na to.

Napansin niyang naluha na si Miyagi habang nagsasalita siya.

Napayuko naman si Sakuragi. At pinunasan din ang kanyang luha.

Sakuragi: Ano pa bang magagawa ko, kailangan niyo ang henyo eto. Sino ba naman ako para tumanggi? Kayo nalang naman ang natitirang insperasyon ko para ipagpatuloy ang pinapangarap ko.

Napangiti naman silang lahat dahil dun.

Rukawa: Papayag ka din pala nagpapakipot ka pa. Bakla ka ba?

Nagtawanan naman sila.

Sakuragi: Ngggggra!! Rukawa!! Sasapakin na talaga kitang Soro ka!!

Rukawa: Humusay ka lang talagang maglaro. Pero gunggong ka padin. Hay. Ewan ko sayo.

Huminga ng malalim si Sakuragi para pakalmahin ang sarili. At pumalakpak ng dalawang beses.

Sakuragi: Sige. Maghanda na kayo! Riyochin. Sasaokun, Shiozaki, at Kakuta! Atin to! Damhin niyo! Atin ang panalo!

Lahat sila: OO!!

Sakuragi: Let's get poppin'!

At pumasok na silang lima. Dito nga ay nainsulto ng husto ang Toyotama dahil tatlong benchwarmer ang ipinasok sa laban.

Bola ng Shohoku dahil sila ang nakakuha ng jumpball noong opening quarter.

Si Sakuragi na ulit ang nagseset para sa Shohoku, si Minami na ang tumatao sakanya sa pagkakataong ito dahil wala na si Rukawa na banta sa labas.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon