Back Story vs. Aiwa

193 12 1
                                    

Mapapansin na hindi nakikisama sa warm-up si Sakuragi, puro drills lang sa baseline ang kanyang ginagawa, nakaheadset padin at suot ang varsity jacket. Dribbling, footwork, at ball control exercises.

Wala siyang gustong kausapin sa mga oras na ito, dahil gusto niyang manalo, concentrated lang. Kumbaga nakatunnel vision siya ngayon. Halatang halata na hindi na siya makapaghintay na maipanalo ang mga laro dito sa Winter tourney.

Sa kabilang banda naman ay tinititigan siya ni Haruko, nang biglang magsalita si Rukawa sa tabi niya.

Rukawa: Mukha namang wala na siyang pakialam sa kahit sino. Bukod dun sa mga kaibigan niya sa taas. Paano ka na ngayon, Haruko?

Haruko: Wala akong pakialam. Basta susuportahan ko padin siya, tulad ng pagpupursigi niya noong hindi pa siya ganyan.

Rukawa: Bahala ka. Basta ayokong masasaktan ka ulit, tulad ng mga pananakit ko sayo noong hindi kita pinapansin.

Hindi sumagot si Haruko at patuloy lang sa panonood kay Sakuragi, nang bigla itong magsalita.

Sakuragi: Imbes na na sakin lang ang atensyon mo, bakit hindi mo din pansinin ang mga teammates natin sa mga ginagawa nila. Manager ka diba?

Dito ay lumapit si Rukawa sakanya para sana kausapin siya ng biglang iniba ni Sakuragi ang ginagawa at nagsimula siya sa pagjogging paikot sa kanilang pinagwawarm upan.

Dito nga'y nakita ni Rukawa ang desire ni Sakuragi na manalo sa laban. Makipagtulungan man siya o hindi. Sasabayan na sana siya ni Rukawa sa exercises na ginagawa niya nang bigla namang lumapit si Sakuragi warm-up area ng Shohoku, at dun ay nakisali siya sa mga ito.

Hindi na alam ni Rukawa ang gagawin para makuha ang loob ni Sakuragi, kaya minabuti nalang niyang maupo sa bench at samahan ang malungkot na si Haruko.

Alam naman ni Rukawa na unang sinubukang makipagkaibigan ni Sakuragi sakanya, nang inalok niya ang kanyang mga kamay para kalimutan na nila ang grudge nila sa isa't isa.

Alam niyang siya din naman ang may kasalanan. Malamang ay sumuko na din si Sakuragi sa pakikipagkaibigan sakanya noong sinubukan niyang hamunin si Sakuragi ng one-on-one before sila umalis ng Kanagawa.

Flashback

Rukawa's POV

5 months ago, laban namin sa Aiwa, ito ang huling laro namin sa interhigh, kung saan injured si Sakuragi prior to this game.

Dapat ay nasa rehab na siya at nagpapagaling, pero nagpumilit padin siyang maglaro kahit na sobrang sama ng injury niya.

Kitang kita ko ang determinasyon ni Sakuragi, ang tapang, at desire niyang manalo para sa mga seniors niya.

Kahit na ganoon ay nakasama padin namin si Sakuragi sa first five, maganda ang pinakita niya dito sa larong ito, dahil parang hindi siya nakakaramdam ng pagod.

Nang matapos ang first half, may 19 points, 3 assists, 20 rebounds at 7 blocks na si Sakuragi. Ngunit kapansin pansin na ang sakit sa kanyang mukha.

Akagi: Sakuragi, magpahinga ka na. Mukhang nailabas mo na lahat ng kaya mo sa larong ito. Ayaw kong mabaldado ka ng dahil lang sa gusto mong tuparin ang mga pinangako mo.

Sakuragi: Gori! Hindi pwede! Last season mo na ngayon! Tyaka isa pa. Kayang kaya ko pa to! Henyo yata tong kausap mo! Tatang! Wag na wag niyo akong ilalabas. Kapag inilabas niyo ako ay hinding hindi na ko magpapakita sa Shohoku kelanman!

Ako: Gunggong! Sundan mo ko hanggang sa katapusan ng laro!

Sakuragi: Walanghiya ka talagang soro kaaaaa!! Sino ka para pagsalitaan ng ganyan ang Henyong si Hanamichi Sakuragi?? Haaa??

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon