Captain Mode.

109 8 0
                                    

Third Person's POV.

So habang papaakyat nga sila ay siya namang pagkukulitan nilang apat. Nagkakaladyaan sila sa elevator. Pagbukas ng elevator ay siya nagtitinginan naman ang mga dumadaan at nadadaanan nila. Lalo na kay Sakuragi, dahil sa tangkad nito at angking kagwapuhan.

Mitsui: Hng! Mabuti pa yung isa jan pinagtitinginan. Kami dito hindi.

Napasulyap naman si Sakuragi kay Mitsui. At nginisian lang siya. Kaya nainis si Mitsui sakanya at tinakpan ng twalya ang buong ulo!

Mitsui: Dali!! Batukan niyo ng batukan!! Hahahahahaha

Sumunod naman yung dalawa.

Sakuragi: Aray! Aray! Mga siraulo kayo!! Teka!! Araayy!!

Nangmakawala si Sakuragi ay hinabol niya ang apat na tigiisa naman niyang pinagbabatukan ng malakas.

Maya maya ay lumabas si Akagi sa kwarto at pinaguumbagan silang apat.

Sila: Aw!

Akagi: Ano ba kayo! Kalalaki niyong mga mama eh ang iingay niyo. Para kayong mga bata!

Tigiisang batok pa ang natanggap nila. Kaya silang apat ay nakahawak sa mga tuktok nilang pumasok sa loob ng kwarto na kasunod si Akagi.

Sakuragi: Michi, kasi puro kalokohan! Nadadamay tuloy ang henyo.

Mitsui: Sus! Hindi kaya! Pinoprotektahan ko lang ang relasyon niyo ni Aoi! Agaw pansin ka sa labas kaya ko sinakluban ng towel buong ulo mo. Hahahahaha!

Sakuragi: Yung mga malalakas na batok?? Nakalimutan mo yatang iexplain yun!

Miyagi: Anong batok? Wala kaming ginagawa sayo ah. Si Rukawa lang lahat yun!

Rukawa: Hoy! Wag ka nga!! Ikaw nga tong pinalo ng tuwalyang nakabuhol si Sakuragi sa ulo eh!

Sakuragi: Siraulo ka talagang kulot ka! Kaya pala may parang malaking kamao na tumama sa ulo ko!

Kaya tinawanan lang siya ng tatlo. Habang si Sakuragi ay maluha luhang nakahawak sa tuktok niya at naupo sa tabi ni Aoi na siya namang yakap nito sa beywang niya.

Rukawa: Sabi bawal PDA eh.

Sakuragi: Siraulo. Hahahaha

Maya maya pa ay nagpaalam na si Sakuragi at si Aoi para umuwi na din.

Sa kabilang banda naman ay lumabas ulit si Riyota para magpahangin.

Nagdadalawang isip naman si Ayako kung susunod siya kay Riyota o hindi.

Kogure: Sundan mo na kung gusto mo, hindi kami sanay na nalulungkot ka, Ayako.

Napatingin naman sakanya si Ayako.

Haruko: Ate, puntahan mo na. Kanina ka pa namin napapansin na malungkot. Buong araw kang nakasimangot.

Kaya lumabas ng room si Ayako para hanapin kung nasaan si Riyota. Pero hindi niya ito mahanap kung nasaan siya. Nalungkot naman si Ayako at bumalik nalang sa taas at pumasok sa room nila ni Haruko.

Samantalang si Riyota naman ay nakaupo lang sa bench sa labas ng ground floor, hinihilot ang kaliwang tuhod na bahagyang sumasakit. Napansin niyang lumabas si Ayako kanina pero hindi niya ito tinawag. Maya maya ay naisip nalang niyang maglakad lakad, at bumili ng makakain.

Pagbalik niya sa 4th floor ay napatingin nalang siya sa room kung san nagstay sila Ayako at Haruko, pero tumuloy nalang siya sa room ng mga players at nahiga.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising at nagjogging, nakasalubong niya si Ayako sa hallway pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy nalang siya sa paglabas.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon