Shohoku Vs. Meihou 3 - The Legendary battle

89 7 1
                                    

Third Person's POV

Sa taas kung saan nanonood ang Riyonan at Kainan. Hindi sila makapaniwalang ganyan pala si Sakuragi pag naghalimaw. Ang Kainan ay tinalo ng Meihou High sa interhigh at si Morishige lang ang halos gumawa ng puntos para sakanila. Hindi nila ito napigilan. Tatlo na ang bumabantay sakanya noon ay hindi pa din siya mapigilan sa pagdakdak.

Pero dito sa larong ito ay nakikita nilang si Sakuragi lang ang kumukuha sakanya, ang bilis, at lakas ni Morishige ay walang magawa sa ginagawang depensa at opensa ni Sakuragi.

Kiyota: Kung ganon ay hindi pala ibinigay ni Sakuragi ang lahat noong nakalaban natin siya?

Maki: Parang ganun na nga Kiyota. Nakakatakot na ngayon si Sakuragi, sa palagay ko ay isa na siyang ganap na National Level Player.

Jin: Isang taon at kalahati palang siyang naglalaro. Sa madaling sabi ay isa lamang siyang baguhan. Pero isang baguhan na kung saan ay parang ipinanganak bilang isang tunay na manlalaro.

Takasago: Pano ko kaya siya mapipigilan next year? Kiyota, ikaw, ako at si Jin nalang ang maaasahan sa team next elimination games. Sana ay kayanin nating dalawa ang pagpigil sakanya.

Kiyota: Nakakainis mang isipin pero kailangan nating magpalakas para mapaghandaan siya.

Maki: Wag niyong kakalimutan na meron pa silang Rukawa at Mitsui na kailangan niyo ding pagtuunan ng pansin.

Sa panig naman ng Riyonan ay mahahalata sakanila ang pagkamangha. At pagkagulat.

Koshino: Mabuti nalang talaga at si Sendo at Sugedaira ang nakatikim sa unggoy na yan at hindi ako.

Fukuda: Pinatikman din ako niyan diba? Bumaligtad pa nga ako sa sobrang lakas ng block niya sakin.

Sendo: Ang point dito ay kailangan natin silang paghandaan. Lalo ka na Fukuda, malamang ay ikaw nanaman ang tatargetin ni Henyo sa ilalim. Ikaw ang babantayan niyan at si Rukawa ang kukuha sakin.

Fukuda: Oo. Nakakainis isiping baguhan lang ang magpapakaba sakin ng ganito. Pero simula palang nang una nating paglalaro ay nakuha na niya ang respeto ko.

Uozumi: Sendo, Fukuda, Koshino, kayo na ang bahala sa team. Si Ikagami ay hindi na din kayo matutulungan at maghahanda na din siya sa mga exams niya for college entrance. Magpalakas kayo. Gawin niyong insperasyon sa paglakas si Sakuragi. From zero to hero.

Sa laro nga ay nangangalahati na ang oras at tambak padin ang Meihou, nakakagawa na ang mga shooters ng Meihou High pero nasasagot naman silang lahat ni Mitsui, Rukawa at Sakuragi. Si Yasuda naman ay patuloy padin sa pagtitimon para sa team. Ang score ay 51-24. 6:30 remaining. Bola naman ng Shohoku matapos makapagpasok ng tres ni Watanabe.

Dito nga ay tinanggap na ng Meihou na non factor si Morishige, kaya kinausap nila ito nang manghingi ng time out ang coach ng Meihou ilang minuto palang ang nakakalipas. Sinabi nilang siya nalang muna ang bahalang rumebound ng bola at pagkatiwalaan naman sana niya ang mga teammates niya sa pagpuntos.

Dito nga ay narealize niyang magagaling din ang kanyang mga kasamahan, mga shooters at kayang gumawa ng sarili nilang mga tira. Kaya natutuwa siyang makitang may katulungan siya sa paglalaro. Kaya naipapamalas naman niya ngayon ang kakayahan niyang pumasa.

Pero wala pading makapigil sa tatlong halimaw sa Shohoku, at hindi padin kumakana ang sikat na sikat na sentrong si Akagi. Alam ni Morishige kung gaano kalakas si Akagi kaya hindi niya ito nilalapitan at pinauubuya nalang niya ito sakanilang sentro na si Suzuki Hiro. Malakas din ang sentro nila pero malamang ay hindi din niya kaya si Akagi kung pagalingan lang paguusapan.

Binababa na ngayon ni Yasuda ang bola, kung saan ay hinihingi agad ni Sakuragi ang bola na nakatapat kung saan nakaposte si Akagi. Nakuha naman niya ang gustong gawin ni Sakuragi kaya ibinigay sakanya ni Yasuda ang bola.

Dito nga ay nagbounce pass si Sakuragi sa poste, kaya isang bangga nga ang ginawa niya at biglang pumihit sa baseline. Walang nagcut sa mga kasamahan niya at nakita din niyang lumalapit sakanya si Morishige. Paglapit nga niya ay nagfake si Akagi at kumagat si Suzuki at Morishige, kaya dali dali niyang inangat ang bola at pinosterize silang dalawa na nasa ilalim. 53-24. 6:20 nalang ang natitira sa first half.

Sa possession naman ng Meihou ay magandang ikot ng bola ang ginawa nila. Nasa perimeter tumanggap si Morishige, at ibinalik ang bola sa harap. Maya maya pa ay umatras ito sa three point line sa corner. Kahit kinakain na siya ni Sakuragi ay nirerespeto padin niya ang kakayahan nito kaya umangat din siya, kaya ipinasa ulit ni Morishige ang bola sa wing. 6 seconds remaining sa shot clock ng magcut si Morishige sa ilalim at binigyan siya ng mabilis na alley oop, pero naabangan parin siya ni Sakuragi kaya bago pa man niya mahawakan ang bola ay natapik na niya ang bola papunta sa gawi ni Yasuda.

Agad naman siyang hinarangan ni Watanabe para hindi niya maitawid ang bola. Kaya ipinasa niya ang bola kay Sakuragi para siya na ang magbaba.

Paglagpas niya ng half court ay nanghihingi si Rukawa sa wing area. Gusto niya ding makisali sa aksyon kaya ibinigay ni Sakuragi ang bola dito.

Sinugod niya ang depensa ng small forward. Isang magandang behind the back nga ang ginawa niya para makalusot. Tumulong naman ang nagbabantay kay Mitsui sa gilid kaya nagkick out si Rukawa papunta sa gilid. At ayun. Pumasok ang bola. 56-24. 5:50 remaining.

Nagpatuloy ang tagisan ng dalawang kuponan. Nakakapuntos na din si Morishige dahil sa switch action plays na ginagawa ng Meihou. Pero kaagad nakakabawi ang Shohoku sa bawat puntos na pinakakawalan nila.

Bagi matapos ang half ay tambak na tambak na ang Meihou. Ang score ay 64-31. Kulang isang minuto nakang ang nalalabi.

Kasalukuyang bola ng Meihou at sinusubukan ulit ni Morishige na makapuntos sa poste laban kay Sakuragi. Pero nakakaramdam na ito ng pagkaalangan kaya nagfade away nalang ito. At tulad ng inaasahan, sablay ang tira. Kaya nakuha agad ni Akagi ang bola, sa pagkakataong ito ay si Rukawa na ang binigyan. Mamadaliin sana niya ang pagbababa.

Sakuragi: Easy ka lang. Malaki lamang natin. Sayo na tong play nato. Gawin mo gusto mong gawin.

Rukawa: Sige. Suswapangin ko to. Dadakdakan ko din si Morishige. Hng!

Sakuragi: Hahaha. Siraulo.

Pero ganun nga ang sinubukang gawin ni Rukawa, nakalusot siya sa small forward ng Meihou na si Tanaka Genji. At inatake si Morishige sa ilalim. Sinubukan niyang idunk pero nablock siya ni Morishige ng sobrang diin kaya hinayaan nalang ni Rukawa para hindi siya bumaligtad at makaiwas sa injury.

Sakuragi: Pwede naman kasing ifloater nalang e. Kalaki laki nun. Matangkad pa samin ni Gori ichachallenge mo pa. Sayang tuloy. Wag ka na makipagsabayan. Gamitin mo nalang ang pagiging Rukawa mo.

Rukawa: Captain, concern ang boyfriend ko. Kyaa!

Akagi: Rukawa. Bahala ka nalang sa buhay mo. Hay! Tuluyan na kong napaligiran ng mga lalaking engot.

Paginbound ng bola ay si Sakuragi ang nagreceive. 30 seconds nalang at 15 seconds nalang ang natitira sa oras. Binigay ulit niya ang bola kay Rukawa para makabawi naman.

Sakuragi: Bawiin mo yung tinapon puntos.

Napabuntong hininga nalang ito at inatake ang basket. Dito nga ay nakalusot siya ulit kay Tanak. Sa pagsugod niya sa basket ay nakaisip ito ng magandang galaw. Kaya nag tangka ulit siya mag dunk pero nandun na ulit sa taas si Morishige para iblock siya. Nang bigla niyang dukutin ang bola sa kabilang side at napapito ang referee.

Ref: Blocking foul! Block! #15. Basket counts! 1 throw!

Kaya nang magawaran si Rukawa ng free throw ay naipasok niya ang bola. At nagsabay na nga sa pagbaba si Sakuragi at Rukawa sa depensa.

Rukawa: Masaya ka na?

Sakuragi: Oo naman! Nakabawi ka eh.

At nagfist bumps silang dalawa.

After RehabilitationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon