Riyota x Ayako - At the Hospital

172 9 2
                                        

At the Hospital.

Dito nga ay nakatalikod sa pagkakahiga si Miyagi sa kanyang bantay na si Ayako, hindi padin siya humihinto sa pagluha, gustong gusto niya pa naman sanang tapusin ang laro but his left knee fucked him up, baka itong injury pang ito ang maging dahilan kung bakit sila uuwi ng Kanagawa.

Ayako: Riyota, please tumingin ka sakin.

Pero hindi parin siya tumitingin kay Ayako. Pati ang isinulat ni Ayako sa kamay niya gamit ang marker hindi niya din kayang basahin.

Sobrang durog na durog si Miyagi dahil sa pangyayari. Maya maya pa ay may nareceive na voice call si Ayako kaya lumabas siya para sagutin.

Dito ay nalaman nilang nanalo sa laban ng team. Labis ang galak ni Ayako dahil nalaman niyang iyon. Kaya madali siyang muling pumasok sa kwarto para ibalita ito kay Miyagi.

Ayako: Panalo tayo, Riyota. Tinambakan nila ang Aiwa. 120-100. Nagwala daw si Hanamichi sa laro. 51 pogi points daw ang ginawa niya sabi ni Aoi-chan. And sumigaw daw siya ang sabi ay, "Riyochin! Para sayo tong laban na to!" Kaya maging masaya ka.

Ngunit nakatalikod padin si Riyota sakanya at nagsimula nanaman sa pagiyak.

Riyota: Dapat ba akong matuwa? Kasi nanalo SILA nang wala AKO? Na CAPTAIN ng team? Sabihin mo, Ayako. May nagawa ba AKO para sakanila? WALA diba? Habang sila ay nagpapakahirap sungkitin lahat ng panalo, nandito lang ako. Walang magawa. Bagamat gusto kong makasama ako sa bawat tagumpay nila ay hindi na pupwede dahil sira na ang tuhod ko! Sana alam mo kung gaano kasakit sakin na hindi ako kasama sa celebration nila.

Dito nga ay mapapansin niyo ang panginginig ng balikat ni Riyota dahil sa pagiyak. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon, na ayaw nalang sana niya ng may kasama siya dito sa ospital, lalo namang ayaw niyang kasama sa iisang kwarto si Ayako dahil mas lalo lang siyang nasasaktan dahil naaalala niya ang mga kapatid niyang iniwan sa gitna ng giyera.

Si Ayako naman ay ramdam na ramdam ang sakit sa bawat salita ni Riyota kaya nagpasya siyang lakasan ang loob at humiga sa tabi ni Riyota at yakapin siya ng mahigpit.

Hindi naman makagalaw si Riyota dahil ito ang first physical contact nilang dalawa sa loob ng tatlong taon niyang pagpaparamdam kay Ayako.

Riyota: A-Ayako! Anong ginagawa mo? Hindi mo to kailangang gawin.

Dito nga ay hindi na napigilan ni Ayako ang mapaluha kaya dinikit nalang ni Ayako ang muka niya sa likod ni Miyagi. Maya maya pa ay nagsalita na siya.

Ayako: Gusto ko lang naman sabihin sayo na mahal na din kita. Gustong gusto ko na tong sabihin sayo simula pa ng huling beses tayong nagusap eh. Pero nawalan na ko ng pagasang makausap ka simula nung iniwasan mo na ko. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Nasan ba kasi yung pamaypay ko! Gusto kitang paluin sa katigasan ng ulo mo! Ayaw mo din akong pakinggan! Waaaaah!

At humagulgol na nga ng malakas si Ayako. Dito naman ay nataranta si Miyagi, at hindi na niya alam ang gagawin kaya humarap nalang siya kay Ayako at hinalikan siya labi at niyakap ng mahigpit.

Sakuragi: Hmm. Amm. Wrong timing yata tayo, Michi. Mukang ok lang din si Riyochin. Tara na.

Mitsui: Oo nga. Una na kami ha. Baka isungangal ko pa sayo tong mga prutas na pagkahirap hirap kong binili para sayong hinayupak ka! Hng!

Akagi: Talaga ba? Ayako? Riyota? Dito talaga sa hospital bed? Sana ay nilock niyo manlang yung pinto diba?

Yasuda: Pareng Riyota, ibig bang sabihin niya ay hindi ka na magpapanggap na lasing pag umiiyak ka dahil sakanya habang umiinom ng coke??

Dito nga ay nagtalukbong ng kumot si Ayako sa sobrang hiya. At si Miyagi naman ay kala mong bulkan na kahit anumang oras ay maaari nang pumutok. Nakatitig lang siya sa lahat. Nanlalaki ang mga mata at nakanganga.

Coach: Ho Ho Ho! Ganyang ganyan kami nagkatuluyan ng asawa ko. Nakakamiss naman. Ho ho ho.

Sakuragi: Oh, baka ikaw naman ang pumasok sa do not enter area. Tatagal lalo ang pagpapagaling mo sa tuhod mo.

Bigla namang nagsalita si Aoi, kasabay ni Ayako.

Aoi and Ayako: Ang bastos mo!

Pak!

Sakuragi: A-araaaay.

Dahil dito ay nakatikim siya ng mahapding pambabatok ni Aoi.

Mitsui: Palagi nalang ako may naaabutang sex scene! Nakakabwisit. Hng!

Rukawa: Ibig bang sabihin nito, magpapalit na ko ng boyfriend? Si Riyota-kyun naman ngayon?

Riyota: Ngak! Ilayo niyo si Rukawa sakin! Parang awa niyo na aaaaah! Ayako-chan! Noooooooooo!

Dahil unti unti na ngang lumalapit sakanya si Rukawa

Dito nga ay nagtawanan naman silang lahat dahilan para bawalin sila ng dumaan na nurse.

After RehabilitationMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon