Too fast

3K 39 0
                                    

SIMULA

PLEASE BE ADVISED
Warning:  Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.

TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)

Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

READ AT YOUR OWN RISK

you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental

--

"Oo ma, nandito na ako, safe po ako. May nag-aasist naman sa akin. Naghihintay nalang ako ng staff nila na tutulong sa akin magdala ng mga gamit papunta sa taas. Natanggap ko na rin po ang pera na padala ni papa, may malapit po na convenience store dito doon nalang po ako bibili."

Kailangan kong iparamdam kay mama na nakarating ako ng safe dito sa bagong titirhan ko ng ilang taon at kung magustuhan ko dito, siguro hanggang sa makapag-graduate ako, kung makaya ko bilang engineering student. It's a dormitory type condominium, walking distance lang sa University. Mas mura kasi dito kesa sa mismong dormitory ng University. 

"Oh sige, update mo ako ulit mamaya. Alam mo na ha, mga bilin namin sayo ingat ka diyan."

"Opo ma," sagot ko kay mama at pinatay na ang tawag. Binuhat ko na ang isang bag dahil akala ko staff na nila ang dumating. 

Napansin ko ang pagtingin niya sa mga gamit kong dala. Baka sabihin niya dinala ko buong bahay namin. Marami kasi akong dala, ewan ba parang kulang kasi ako kung may iwan ako sa mga gamit ko. Hindi naman lahat pero sakto na 'to para sa akin.

"Too many bags there," sabi niya. Medyo nairita pa ako pero mas napapansin ko ang tangkad niya. Para sa isang babae, ang tangkad naman niya yata. 

Hindi ako maliit pero ang tangkad talaga niya. Hanggang dibdib niya lang yata ako. Ang angas pa ng outfit niya. 

Straight ba 'to?

Too boyish. 

Hinintay niya lang pala na bumukas ang elevator tapos pumasok na sa loob. 

"Sorry mam!" Napalingon ako sa likuran at my kuyang lumapit sa akin at hinila ang dalawang maleta ko. 

"Salamat po kuya dumating na kayo," sabi ko nang nakangiti. 

Hinatid ako ni kuya hanggang sa 3rd floor. Nandito kasi ang room ko. May tatlo akong babaeng makakasama. Kinakabahan ako, hindi pa naman ako friendly. 

Card access halos lahat ng doors dito. May mga cctv rin bawat hallway tapos may 24 hours na guards na nakabantay kaya safe talaga ako dito. Si mama kasi pumili dito. 

Namahalan na rin kasi sila sa dormitory sa University. Mayayaman ba naman halos nag-aaral don. Nakapasok lang naman ako dahil sa friend ng papa ko at naswerte ring nakapasok bilang working student.

"Salamat kuya, ako na po magdala sa loob," sabi ko. 

"Sige mam."

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tahimik naman sa loob. Isa-isa kong ipinasok ang mga gamit ko. Nakakabigat dito ay ang mga sapatos ko. 

"Oy may bago tayong kasama!" Napalingon ako sa sumigaw. Mukhang mas matanda sila kesa sa akin. 

"Hi po," sabi ko. 

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon