06: Concern
Kirsten Ecero
30k followers 8 following
Private.
i-follow ko na kaya siya? Kaso nakakahiya. Baka hindi ako ma-follow back. Kung i-follow ko naman di ko pa rin makikita posts niya.
"Oy sino yan?" Agad kong pinatay ang cellphone ko at napalingon kay Kelly, nagkakilala kami nong first day namin sa calculus class. She's my friend now.
"Wala lang," sagot ko.
"Sus, nakita ko na, si Kirsten yan 'no?"
Natulala ako sandali sa sinabi niya. Chesmosa 'to kanina pa siguro siya nakatingin sa phone ko.
"Kilala mo siya?" Tanong ko. Imbes na magalit ako eh 'no.
"Oo, sikat siya sa SoCiant eh. I mean may isang picture niya na nag-viral sa isang page ng Alvarez city. Yung iba tawag sa kanya Poganda."
Hindi ko alam ah.
"Ngayong taon lang naman. Many girls are attracted to her kaso straight siya eh, parang boyfriend niya yata yung varsity player din dito."
"Dami mo alam ah," sabi ko.
"Syempre crush ko kaya 'yan," sagot niya at parang kinikilig pa.
"Crush mo?"
"Oo, happy crush. Wala rin akong pag-asa eh, mas pogi pa siya sa boyfriend ko," sabi niya. Ah may boyfriend na pala siya.
"Ikaw crush mo?"
Natigilan ako sandali.
"Hindi ako sure eh," sagot ko.
"Haha halata namang crush mo rin siya! Oh namumula ka!"
Agad akong napahawak sa magkabilang pisngi ko. Umiling agad ako sa sinabi niya. It's too early for me to say that I like her.
"Sikat yan dito, hindi tayo mapapansin. Most of her friends are popular."
Hindi niya alam na roommates lang kami.
"Mayaman din," sagot niya. Makasabi naman 'to parang hindi rin mayaman.
"Ay ito yung pictures niya, na-save ko pa."
Pinakita niya sa akin ang mga litrato ni Kirsten na sumikat sa isang page. Wala na daw kasi ito.
"Tahimik lang rin siya, ever her account is private, diba? Na check mo?"
Nakita niya talaga ako. Ano ba 'yan.
Pero ang pogi at maganda talaga dito si Kirsten, kahit stolen shots. Nalilito na tuloy ako.
After ng first subject naman ay dumiretcho ako sa coffee shop. To have my breakfast na rin and coffee. Ewan ba kung ba kung saan ako tumatambay nakikita ko siya. Is the world telling me something? o kahit saan lang talaga siya sa dami ng kaibigan niya?
She’s not having a coffee or any thing, wala siyang inorder. Nakikipagusap lang siya sa dalawang babae, na kaibigan siguro niya?
“Miss Mella?”
Napatayo ako sa kinauupuan ko nang matawag ang pangalan ko. Nakakahiya baka marinig niya pangalan ko, pero sino ba ako para pansinin diba? Kahit naman siguro, mahulog ako sa kanya.
I mean I’m straight I believe, pero nong nakita ko siya. Ewan ba. Kahit ano man ang mararamdaman ko ngayon, she’s straight rin naman.
Kinuha ko na ang order ko at bumalik sa pwesto ko. Hindi ko man siya nakita na tumingin sa akin kahit sandali. Ako lang yata ang tingin ng tingin sa kanya.
She’s smiling right now and laughing. Why does she move like she wants to attract women? or ako lang nakakaramdam nito? kasi hindi na ako straight? I mean she’s a woman. Huminga ako ng malalim, nandito rin ako para mag-aral kung anu-ano iniisip ko.
Masakit siguro siya sa ulo maging inspirasyon?
Ano ba itong iniisip ko. I sip a coffee at ginawa na ang ibang homeworks ko while listening to her laughing.
Pagkatapos ng ilang subject sa umaga ay nagyaya si Kelly na kumain kami sa canteen na malapit sa court, para makita raw namin si Kirsten, crush niya talaga eh. Madalas daw don ang tambayan ni Kirsten eh. Sumusunod lang ako, at ewan ba dahil siguro gusto ko rin.
“Ano ulam mo?” tanong niya. “Kahit dito ‘no? ang mahal.” parang hindi talaga siya mayaman. Ako nga bili lang ng bili eh, hindi ko naiisip pinapadala nila mama. Siguro dahil ganon na rin ako lumaki. Nabibigay agad lahat nila mama. Lalo na ngayon parang nasa isip ko, mas malaki dapat allowance ko dahil wala na silang tuition na babayaran.
Parehas kaming napalingon sa court, at nakikita ko si Kirsten. Wearing an oversized white shirt again and Jersey shorts. She’s dribbling the ball right now. May kalaro siya, pero isang lalaki lang, hindi ito yung kasama niya nong isang araw.
“She’s so pogi, as in. ano ba talaga Kirsten?”
Napalingon ako kay Kelly dahil sa sinabi niya.
“Eh diba may boyfriend ka naman?” tanong ko sa kanya habang natatawa.
“Ito naman, happy crush lang, pero if manligaw si Kirsten sa akin o ako ang magkaroon ng chance na ligawan siya, why not diba?”
Napailing-iling ako sa sinabi niya. Now a days normal na rin sa halos karamihan ang same sex relationship. Pero sa family ko hindi eh. They are homophobes.
Pero para sa akin, wala namang masama.
Napatayo ako nang makita kong matumba si Kirsten at may isang lalaki na pumigil sa lalaking kalaro niya, ang nakita ko kanina parang itinulak siya. Lumakad ako palapit sa court pero natigilan ako nang may mga tumulong na kay Kirsten.
“Oy, girl, concern lang?” Napalingon ako sa likuran ko, kay Kelly. Sumunod pala siya. “Akala ko kung saan ka pupunta. Mukhang nagulat ka eh.” Natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya tapos bumalik na sa lamesa namin.
I hope she’s okay.
–