27: Hands
I DEDICATE THIS CHAPTER TO YOU. THANK YOU FOR PATIENTLY WAITING FOR MY UPDATES AND THANK YOU SO MUCH FOR THE READS , VOTES AND COMMENTS. THANK YOU SO MUCH FOR GIVING THIS STORY A CHANCE.
--
Pumasok muna ako ng University at dumiretcho sa engineers building. May kukunin lang akong notebook sa locker ko, sana. Pero ang totoo gusto kong makita si Kirsten.
Sumiskip kasi itong puso ko at kumikirot, kinakabahan ako na baka, nahulog na naman ako sa masasaktan na naman ako.
Nagpalit nalang rin ako ng damit. Pagkalabas ko ay nakita ko si Kirsten at ang iba naming seniors. Nakita ko yung lalaking nakita ko nong gabing iyon. Bakit sila naguusap? At bakit sila mgkasama at sabay na naglalakad?
Parang uminit ang dugo ko. Gusto kong makapanakit ngayon. Tumigil pa sila at nagusap. Umiling ako, ito na naman.
Pagkatapos niya akong halikan? Babalik siya sa lalaking iyon? Sino ba siya?
Alam kong hindi na ako kakalma kaya agad na akong lumakad palayo.
Dumiretcho lang ako ng dormitory after school, gusto ko siyang makausap ngayon! Pinipilit kong kumalma dahil nandito na si ate Kyla. Ayoko namang mag-chat, dahil wala na talaga kaming convo pagkatapos ng sigawan namin.
Hanggang ngayon misteryo kayna ate Kyla ang pagiging tahimik namin ni Kirsten lalo na sa Isa't isa, ayoko kasi silang sagutin tapos kasama lang namin si Kirsten dito.
Naligo muna ako tapos nagpalit na ng pangtulog. Matutulog agad ako at bukas nalang ng napakaaga ko gagawin ang assignments ko at ang na-assign sa aking report.
Wala akong gana. Hindi ako makapaniwala na siya lang rin ang makakawala ng gana sa araw kom She's a woman, is she really worth it?
Pagod na nga sa biyahe, walang pahinga.
Kirsten:
Umuwi ako. My mom called.. Just want to let you know.
Pagkabukas ko ng SoCiant ay message niya agad ang binuksan ko. Gusto ko talagang umuwi na siya, dahil sasabog na ako sa galit.
Kirsten:
Sleep early.
Marami akong gustong sabihin eh. Hindi kami nagkausap pagkatapos sa nangyari sa bus. Bigla siyang naging busy tapos nawala at kasama na niya ang lalaking iyon?
Kirsten:
Good night. We will talk when I'm back.
I need an explanation. Ano akala niya makukuha lang niya ako sa halik porket hanggang ngayon siya pa rin gusto ko?
Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang moon lamp ko. Dahil sa inis ko muntik ko na 'tong basagin sa harapan niya. Pinili ko nalang siyang itago. Ayaw ko namang isauli dahil akin na nga eh.
Binuksan ko ang ilaw at tumitig lang dito. Lalo na't pinatay na ni ate Kyla ang ilaw.
"Matutulog na ako Mella ah! Good night."
This moon lamp made me relaxed. She's right, it reduces anxiety.
Kakalimutan ko nalang ba yung nakita ko at rason ng pinagawayan namin? Kakalimutan ko na rin ba mga sinabi niya? Napasapo ako sa aking noo. She really knows how to make people crazy about her. Nakakalito.
I’m pretty sure now that she’s unsure about herself. About the kiss. Now we kissed again. Tapos sasama siya ulit sa lalaki?
Napalingon ako sa pinto dahil bigla itong bumukas, akala ko si ate Janette. Si Kirsten. Napatayo agad ako dahil sa gulat. She’s here. Sinilip ko ang orasan na nasa table ko, it’s already 2 am. Hindi ko na pala namalayan ang oras.