30

543 14 2
                                    

30: Voice

“Guys? okay pa ba tayo? makakapasa kaya tayo?” tanong ni Kelly at halatang iiyak na siya. Mahirap kasi yung part na may problem solving. Hindi rin ako sigurado but I did my best. Napalingon naman ako kay Sandra na may binabalikan sa notes.

“Yes tama ako!” sigaw niya bigla.

Ako hindi ko na babalikan notes ko. Baka may makita pa akong mali pala naisulat ko sa exam.

“Pero anyway malapit na prom nila,” sabi ni Kelly tapos yumakap sa braso ko.

“Malapit na rin ang summer,” sagot ko.

“Oy, sa South tayo ah, ipapakilala ko sainyo ang boyfriend ko,” sabi ni Kelly. Tapos inakbayan naman ako ni Sandra.

“Tara? Milktea tayo? my treat,” sabi ni Sandra. Pumalakpak naman kaming dalawa ni Kelly. Libre is libre. Kahit ano pa ‘yan, masarap basta libre. Dumiretcho kami sa Milktea shop na nandito lang sa loob ng mall.

“Sila Kirsten.” Pabulong na sabi sa akin ni Kelly.  Napalingon naman agad ako sa likuran, it’s Kirsten and with her friends. Hindi yung mga pinakilala niya, pero parang kilala ko na yung isa, yung babaeng nakita ko sa clinic. Nakayakap pa sa braso niya.

Hindi ko alam kung bakit nainis agad ako. The way she touches Kirsten. I hate it. Selosa ako, oo pero iba ang feeling ko sa babaeng ‘to.

“Para ka namang may papatayin sa tingin mo girl,” sabi ni Sandra at doon lang ako nagising kakatulala sa kanya.

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko and searched for her name on my messages.

Mella:

cnu yng ksama m? bkit nkaykp pa?

sent.

Padabog kong ibinalik sa bag ko ang cellphoen ko. Nagseselos ako. Kahit wala pang kami, but she said she’ll make up. Araw-araw ba akong magseselos? maiintindihan ba niya? o ako? makakaya ko ba? hindi lang sa babae, pati rin sa lalaki.

“Okay ka lang? order na ako guys ha,” sabi ni Sandra. “Ano flavor gusto niyo?”

“Ako yung best seller nila,” sagot ni Kelly, pero hindi talaga ako makapagfocus, mabuti nalang tapos na ang exams.

Kirsten:

classmate.

Mas lalo akong nairita sa reply niya. Classmate tapos ang clingy? sa bagay ganon naman ako minsan pero iba talaga ang feeling ko sa babaeng ‘to.

“Beh? ano sayo?” Napalingon ako kayna Sandra.

“Ikaw ah, dumating lang crush mo haha.” Natatawang sabi ni Kelly sa akin at pabirong pinalo ako sa braso.

Kirsten:

hey lingon ka sa likod.

Napabuntong hininga ako at lumingon sa likuran.

“Sandra, same nalang kami, mukhang hindi tayo masasagot ng maayos ngayon.”

“Okay, tagal mag-decide.”

Pagkalingon ko ay nakatingin na siya sa akin at nakangiti. Hindi na nakayakap sa kanya yung classmate niya. Naalala ko na kung ano ang pangalan, Ethyl. Inirapan ko siya at nakita kong tumaas ang isang kilay niya. Parang nagtatanong siya kung bakit. I pouted again like a baby.

Kirsten:

what’s wrong?
Mella:

ayuku sa clasmet mo.

Kirsten:

Oh. sorry. may pag uusapan kasi kami. Just school stuff.

Hindi lang naman silang dalawa ang nandito, may mga kasama nila. Ayoko lang siguro na may ibang nakayakap sa kanya. Gusto ko tuloy umuwi na kaming dalawa.

Kirsten:

How’s finals?

Mella:

oks lang. kaw?

Nakalimutan ko tuloy ikamusta siya. Huminga ako ng malalim at kumakalma naman na ako.

Kirsten is calling.

Muntik kong mabitawan ang cellphone ko dahil bigla siyang tumawag. Tumingin ako sa kanya at nasa isang tenga na niya ang phone niya. Seryoso ba siya? Sinagot ko naman agad ang tawag.

“I just called to hear your voice,” sabi niya pagkasagot ko ng tawag. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko namumula na naman ang magkabilang pisngi ko.

“Kahit narinig mo naman kaninang umaga?” tanong ko. Masasanay yata akong palagi siyang katabi. Sana hindi matapos. “Maririnig mo naman boses ko mamaya?”

“Haha your voice is my favorite sound now.”

Kakainis, she never fail to make me smile. Napatingin naman ako kayna Sandra at Kelly na seryoso lang nakatingin sa akin. Nandito na rin pala ang inumin namin.

“Malapit na pala summer break ‘no? ay nga pala ngayong sabado? game ka na?” tanong ko habang sinasaway ko sila Kelly sa kakatingin nila sa akin.

“Yeah, dress right?”

“Oo,” sagot ko.

“Okay.”

“Sabihin ko lang kayna mama na may gagawin tayo, final project at partners tayo, tapos babalik tayo sa sunday.” sabi ko.

“Okay.”

“Galit ka ba? gusto ko kasing makilala mo muna sila, bago natin sabihin. They are very strict and they won’t approve.”

Pero wag siyang mag-alala dahil kung papapiliin man ako, I will choose Kirsten. Am I really ready? wala naman silang ibang magiging dahilan to disown me maliban lang dito. I’m a good student. Lahat sinusunod ko.

“I know. I’m excited to meet them.”

“I–ahem.. amm sige may pinaguusapan rin kasi kami ng mga friends ko.”

Hindi ko pa siya pinapakilala kayna Kelly, siguro sa araw nalang na kami na talaga.

“Okay, take care. See you later.”

“See you.”

Pinatay ko na ang tawag at tumingin kayna Kelly.

“Sorry,” sabi ko.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon