44: The way
"Aray!" sigaw ko nang bigla akong natapilok. Lumapit naman agad sila sa akin para tignan ako at tulungan. Bakit kasi kailangan naming mag-practice agad? malayo pa naman ang Intramurals at yung awit sayaw. Isa pa sino ang magiging excited kung hindi ko naman makakasama si Kirsten sa mga araw na 'yon.
"Okay ka lang?" tanong ni Troy nang tulungan niya agad akong makatayo. Dito pa kami sa labas ng University nag-practice. Dito pa sa north drive. Isa pa gabi na, hindi ba pwedeng umuwi na kami?
"Oo," sagot ko.
"Magpahinga ka lang muna," sabi ni Kelly.
Nasa likuran lang naman ako, hindi naman ako makikita ng iba sa stage. Parang idinagdag lang ako para makapasok kami sa competition. Pinaupo ako ni Troy sa gilid at inabutan ng bottled water.
"Oh iiyak ka na naman, malayo pa nga 'yan sa cancer eh," sabi niya sa akin.
Naalala ko lang kasi si Kirsten, siya palaging nagbubukas nito para sa akin. Naalala ko rin na palagi niya akong inaalgaan. Pero wala siya ngayon.
"Manahimik ka!" sigaw ko.
Kailangan niya ako samahan dahil nasa labas kami ng University at alam ni mama ang schedule ko. Tsaka baka may kaibigan na naman siyang makahuli sa akin at isumbong ako. Hindi ko na nga kinausap si Kate dahil sa ginawa niya.
"Wag mo na talagang kausapin 'yon, hindi ka dapat pinapangunahan." Naalala ko ang sinabi ni Kelly sa akin kaya tuluyan ko na siyang hindi kinausap.
"Matagal pa ba kayo?" tanong niya.
"Siguro," sagot ko.
"Anong gusto mo sa birthday mo?" biglaan niyang tanong.
"Wala," sagot ko.
"Ay, sige na, para mapagipunan ko, malapit na oh." Tapos itinapat niya ang cellphone niya sa akin, pinapakita niya ang petsa ngayon.
All I want for my birthday... is her.
"Wag na, hindi mo afford," sagot ko.
"Grabe ka ah!" sigaw niya tapos bigla akong itinulak kaya nawalan ako ng balanse.
"Troy!" sigaw ko sa kanya tapos tumakbo siya palayo.
"Nag-aaway na naman kayo," sabi ni Kelly tapos tinulungan akong tumayo. "Sabi ni Sandra bet niya raw pinsan mo."
"Tumahimik ka!" sigaw ni Sandra tapos pinalo ng pabiro si Kelly.
"Si Kirsten oh!" sigaw bigla ni Kelly kaya agad akong lumingon sa likuran pero wala naman.
"Hindi talaga kita gusto," sabi ko sa kanya.
"Binibiro lang naman kita," sabi niya.
Umuwi na rin kami ni Troy at agad akong dumiretcho sa room ko. Hinanap ko ulit ang notebook na itinago ko pa. Mga sinulat ko tungkol sa kanya. Isusulat ko ngayon ang mga gusto kong itanong sa kanya kapag magkaharap ulit kami.
"Ito pa rin ba number niya?"
Deleted na nga number niya pero nandito pa rin, nakasulat sa phone. Mahirap kaya makapagpalit ng phone number ngayon. Sinubukan kong tawagan ang number niya, I halted when I heard it ring.
"Hello?"
Napatakip ako ng bibig ko nang marinig ko ang boses niya. Agad kong pinatay ang tawag niya at hinaplos ang dibdib ko.
Paano kung hindi niya pala talaga ako mahal?
O pinagpalit nalang niya ako sa babaeng hindi komplikado. Naalala ko, ayaw niya ng gulo at ayaw niya sa mga bagay na mahirap intindihin.
Pagkatapos kong maligo, ay nahiga na ako sa higaan ko.
Hindi niya alam kung paano niya ako nasasaktan, maliban lang sa malayo siya sa akin ay yung mga araw na nakikita ko siyang masaya sa iba. Ako lang dapat yumayakap sa braso niya. Ako lang dapat palagi kasabay niyang kumain at umuwi.
Pero kung ipagpilitan ko ang gusto ko baka masaktan na naman siya dahil sa akin. Maraming tenga at mga mata sila mama. Kaya nga nalaman nila ang tungkol sa boyfriend ni kuya. Pero pinili naman kasi nila ang isa't isa.
And she chose peace.
So much for the exploring the world habang hawak niya ang kamay ko, wala rin sigurong mga kwenta lahat ng sinabi niya.
But what if I'm just overthinking?
Is this the way she wants to earn my parents respect?
--