16

529 13 3
                                    

16: Orange

Maganda ang gising ko dahil buong gabi ay inisip ko lang ang birthday ko. And now I’m finally 19. Bumangon ako at sinilip ko pa si Kirsten na natutulog pa. Kumuha ako ng isang orange at naglagay na naman ng sticky note tapos nilagay ko sa mini fridge niya.

Parang palagi ko na yatang ginagawa ‘yan sa kanya.  Kagabi hindi umuwi si ate Janette, kaya wala siya si ate Kyla naman tulog pa. Ayoko naman silang gisingin para lang sa akin. Pero nakapagpaalam na ako sa kanila na uuwi ako.

“Anak! Happy birthday! naghihintay na sila lolo mo doon!” Pagkalabas ko ay nakasalabong ko agad sila mama at papa. Yinakap ko silang dalawa. I missed them.

“Happy birthday Mella, my future engineer,” sabi ni papa.

“Thank you papa,” sagot ko. Pinagbuksan kami ni papa ng pinto sa back seat, he will drive us today.

“Is there anything you want me to buy? bago tayo makarating ng San jose?” tanong ni papa. “Nandon na rin pala sila mommy mo at daddy.” My lolo and lola sa side ng papa ko, I call them mommy and daddy.

“Wala po papa,” sagot ko. Hindi naman ako mahilig magpabili kahit minsan magastos ako at walang pakialam sa nagagastos ko.

“19 ka na anak, dalagang dalaga ka na, no boyfriends muna ha?” Nakangiting sabi ni mama. Hindi alam nila papa na nagkaroon na pala ako ng boyfriend dati. They are strict kasi nga.

I took a selfie and I sent it to Kirsten.

“Mama, focus po ako sa studies ko,” sabi ko. Eme.

“Very good, dapat lang,” sabi ni papa.

“Pa, focus sa daan,” sabi naman ni mama tapos hinalikan ako sa noo.

Isang oras ang lumipas bumibiyahe palang kami, pahina ng pahina ang data ko.

Kelly:

Happy birthday girl! birthday mo pala? hindi ka nagsabi! nasaan ka ngayon? gala tayo!

Abi:

Happy birthday! nag update lang si SoCiant

Janette:

Oy! happy birthday kaya pala uuwi!

Arnold:

Happy birthday babe. more birthdays to come. any plans for today?

Sandra:

HBD!

Kate:

Happy birthday best friend! see you! uuwi rin ako ngayon!

Marami akong messages na natatanggap, kahit sa old classmates ko. Syempre best friend ko since junior high nag-message din, dapat lang.  Tapos may iilan pa nag-post ng old pictures ko sabay tag sa akin. Nakakahiya makita pa ‘to ni Kirsten.

Kirsten:

Happy birthday.

Sa dami ng messages na natanggap ko sa isa lang ako kilig. I mean na-appreciate ko naman lahat ng mga bumati sa akin. Iba lang ang tama ko kay Kirsten.

Mella:

ehh! akala ko hindi mo na ako babatiin! T_T

Kirsten:

keep safe. (replied to your photo)

Dalawang oras ang lumipas ulit ay nakarating na kami sa mismong tapat ng bahay namin. Nakita ko agad sila tita at ang malaking letchon para sa buong baranggay. Lumabas ako at agad silang sinalubong.

“Salamat po tita, tito,” sabi ko.

Marami rin silang nag-aabot ng regalo sa akin ngayon. Kaya the best talaga, tuwing birthday ko. Hndi nila nakakalimutan.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon