20

555 15 3
                                    

20: Soft

Nakarating kami at hanggang sa kwarto ay inalalayan pa rin niya ako. Hindi niya ako iniwan, binigyan pa niya ako ng hot compress.

"May gusto ka ba?" Tanong niya. Ang tangkad talaga niya hindi niya kailangang angatin ng todo ang ulo niya para masilip ako dito sa higaan.

"Wala naman," sagot ko.

"Are you sure? Marami kasi akong cravings kapag meron ako," sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Pwedeng siya ang cravings ko ngayon?

"Dito ka nalang," sabi ko. "Tabihan mo nalang ako."

Mella Palaban Genobana.

Ito na naman kami sa pagtitig namin sa isa't isa. Nagulat ako nang bigla siyang umakyat. Napaupo tuloy ako, tatabihan niya talaga ako?

"Oh?"

Hindi ako makapagsalita.

"Seryoso ka? Tatabihan mo ako?" Tanong ko.

"Joke na nama?" Tanong niya sa akin pabalik.

Umusog ako at tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko. Hindi ako makahinga, ang mga paru-paro sa tiyan ko. Sigurado akong nababaliw sila ngayon. Humiga siya at nakita ko siyang pumikit agad.

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Parang kailan lang kinukulit at binibiro ko siya.

Konti nalang talaga, liwagan ko na 'to.

"Okay ka lang?" Tanong ko at humiga na rin pabalik.

We are facing each other and we are so close!

She opened her eyes and stared at me.

"I'm fine, you?"

"Ah oo, masakit lang tiyan ko," sagot ko.

"First day?"

"Oo."

Ito pa talaga topic namin. Hindi ako nakakaramdam ng ilang kaya okay lang rin.

"Have you been in a relationship?" Tanong ko.

"No, I don't have time," sagot niya. "You?"

"Oo, isang beses," sagot ko.

"Boyfriend?"

"Ex-boyfriend."

"May mga kapatid ka diba?" Pag-iiba ko ng usapan, at ngayon ko lang naalala itanong ang mga kaatid niya.

"Yeah two brothers."

"Kambal sila? Yung sinama mo sa arcade."

"Yes."

"Tatlo lang kayo?"

"Yup. Ikaw? May kapatid ka?"

"Oo, Kuya, dalawa lang kami," sagot ko.

"Dami mong friends 'no? Napansin ko lang," sabi ko. Ewan ba kahit anong sabuhin nalang baka kasi umlis siya agad. Ayokong umalis siya agad.

"Yes but only few are true," sagot niya.

"What do you mean?"

"Kaunti lang sa kanila ang totoo sa akin."

"Eh ganon talaga, sabi nga ng best friend ko mas mabuti ng konti lang kaibigan mo kesa marami pero plastic naman lahat, bakit inaaway ka ba ng iba?"

Narinig ko siyang tumawa ng mahina at sandali.

"Hindi naman, even if they would pick a fight with me I can handle myself. Nararamdaman ko lang na hindi sila lahat totoo sa akin."

Napatulala ako sandali.

"Ang lakas mo talaga 'no, independent rin," sabi ko.

"Nasanay lang, since I'm the first child, oldest."

Tumango ako bilang sagot.

Sayang lang, she's straight. Ito na naman ako sa kung may chance ba o wala. Pero kung wala hindi naman suya nandito ngayon diba? O nagiging mabait na naman siya?

Kailan kaya siya magagalit? Kung ligawan ko na siya?

"Mella?"

"Hmm?"

"Why do you like me?"

Natigilan ako sa sunod niyang tanong. Maraming dahilan kung bakit ko siya gusto at ngustuhan. Pero hindi ko sila masabi ngayon.

"When did it start?"

It all started with bottled water. Nong gabing pinagbuksan niya ako ng tubig kasi hindi ko magawa, nahirapan ako non.

Hindi ako makasagot and her eyes, i don't know it seems disappointed. Tumalikod siya, kaya tumalikod nalang rin ako.

Ilang segundo lang siguro ang lumipas naramdaman ko ang kamay niya sa may bewang ko. Dahan-dahan akong humarap ulit sa kanya.

Hinayaan niyang maging unan ko ang isang kamay niya at yumakap ako sa kanya.

She's soft.

This feels serene.


Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon