39

444 12 0
                                    

39: You

We rented a bamboo raft and we just drifted away from the crowd. May guide naman kaming kasama.

"Libangin mo lang muna sarili mo girl," sabi ni Kelly kay Sandra. Natawa lang ako sa reaksyon ni Sandra, halatang pagod na siya sa panunukso ni Kelly.

Magkatabi naman kami ni Kirsten.

"Are you happy?" She suddenly asked.

"Sobra," I answered. "Sana nga hindi na 'to matapos."

"Yeah."

Yumakap ako sa braso niya at sumandal sa balikat niya. I love her so much.

"Pinagalitan ka ba nong pag-uwi mo?"

"Hindi naman, ikaw nakauwi ka ba agad?"

"Yeah. Nakatulog nga agad ako, after I updated you," sabi niya. Tumawa ako ng mahina, ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Kirsten. She never failed to update me, kahit anong oras na, kaya hindi din ako nagagalit kung nahuhuli siya ng message sa akin. Okay lang kasi hindi pa ako nakaramdam na nagkulang siya sa pagpapaalala sa akin ng worth ko.

Sana hanggang sa huli ganito pa rin siya.

"I love you Kirsten." Natulala ako sandali nang bigla ko nalang nasabi ang mga salitang 'yon.

I saw her halted but she never looked back at me. Alam kong nabigla ko siya. It was my first time saying those words to her.

She looked at me and just kissed me on my forehead.

Napanguso ako, dahil hindi niya ako sinagot at itinuon ulit ang pansin sa tubig. Magsasalita sana ako nang bigla kaming dinala ng kasama naming guide sa ilalim ng waterfalls at bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa labi.

"Ay kailangan mo talagang umuwi agad?" tanong ni Kelly. I really wanted to stay, kasi parang hindi namin nalubos, pero konti nalang ang oras eh, travel pa pabalik. Papagalitan na ako ni mama.

"Sorry, next time ulit," sagot ko.

"Ay grabe oh, sige sige! ingat kayong dalawa lovers!"

Kumaway kami sa kanila at lumakad na paalis ng Gagay falls. Mabuti nalang nakaabot kami sa last trip ng bus. Agad kaming bumili ng ticket at sumakay. Agad ngang napuno ang bus eh. Mabuti nalang may vacant pa nong dumating kami.

"Kung doon ka nalang sa bahay matulog?" tanong ko. "Papayag naman si mama, sasabihin ko lang na sleep over–" hindi niya ako pinatapos magsalita.

"I can't do that, Mella, sorry, may aasikasuhin pa ako sa internship ko," sagot niya.

Pero binibiro ko lang naman siya. Alam ko namang wala akong magagawang rason kay mama at baka malaman pa niya. Si papa naman, naiilang rin ako sa kanya. He knows something. Kaya nga ako kinakabahan.

"Hey, I'll text you, message you on SoCiant," sabi niya.

"Text lang? message lang?"

Ang totoo ako talaga ang makulit sa aming dalawa. Ako palagi naghahanap ng lambing at ako palagi ang gusto siyang kasama. Sana katulad niya, malakas rin ako, para sa tuwing hindi kami nagkikita, hindi ako nalulungkot dahil namimiss ko siya.

"Of course, I'll call you too," she answered and messed up my hair again.

"Hindi mo nga ako sinagot kanina," sabi ko.

Alam kong sa aming dalawa ako itong mahal na mahal siya. Tipo na parang kinukumpara ko minsan. Inabot naman niya ang cellphone niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"See your photos," sagot niya. Nagsimula na ring umandar ang bus.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa mga litratong nakuha niya sa akin. Mahiyain ako ah, pero ang kampante ko sa kanya.

"Maganda." Bulong niya sa tenga ko.

"Konti lang ang pictures mo," sabi ko na parang bata, kasi naman kanina ako palaging kinukunan niya ng picture. "Sana marami pang ganito 'no? sana graduating na rin ako."

"You'll get there," she said and gave me a swift kiss.

"Baka ipagpalit mo ako sa professional na ah, makakilala ka ng ibang license engineer, tapos ka-vibes mo pa." Binibiro ko lang siya. She won't do that to me.

"I won't do that to you. Besides, kuntento na ako sayo."

"Kuntento nalang?" Iniinis ko lang siya kasi mamaya maghihiwalay na naman kami.

"Mella, why are you so cute?" Nakangiti niyang tanong. Pero hindi pa naman siya naiirita sa akin, palagi lang siyang nakangiti. Mga rason kung bakit paulit-ulit akong in love sa kanya. Sumandal ako sa balikat niya at inabot ang kamay niya.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon