14

559 16 1
                                    

14: Girl

Mella:

Mg ingt k dyan. Mattlog n ko. Gud nyt 

Seen.

Paulit-ulit kong binabasa ang convo namin. Hanggang sa matapos ang class namin at ngayon dito sa library. 

"Kapagod naman, hindi ba pwedeng kung suno ang naghiram ng libro sila ang babalik?" Inis na tanong ni Abi. Ngumuso lang ako tapos umiling.

"Nasaan si Nico?" Tanong ko.

"Pinabili sa labas," sagot niya. 

"Tara, malapit na tayo mag-time out. May gagawin pa kaming group assignment eh," sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot.

Nong nag-aayos kami ng mga upuan ay bigla akong hinila ni Abi. 

"Nandito yung Mr. Primston last year," sabi niya tapos kinikilig pa. Napatingin nalang rin ako sa kung sino tinutukoy niya. 

Natulala ako sandali dahil nakita ko si Kirsten.

"Ang gwapo niya," sabi niya. "Kasama niya rin si Kirsten oh."

Tumango lang ako at agad na umiwas ng tingin. Baka mahuli pa kami. Sabihin pa nila may sinasabi kami sa kanila. Dami niya talagang kaibigan yung iba mga kilala pa. 

"Mella!"

Napalingon ako sa biglang sumigaw. Sila Kelly, agad ko silang sinamaan ng tingin dahil nasa library kami. Mapagalitan pa sila at madamay ako. 

"Dito nalang tayo gumawa ng assignment natin," sabi niya pagkalapit sa amin.

"Basta ako may tiwala ako sa leader natin." Natatawang sabi ni Sandra sabay akbay kay Arnold. Apat kami siya lang ang lalaki. Okay nalang rin dahil isa siya sa matatalino sa amin. Para lang naman sa minor subject namin, UTS, about self-understanding and concepts. 

"Wag kayong maingay," sabi ko.

"Wala naman yung malditang librarin," sagot ni Kelly.

"Guys, let's respect the others," sabi ni Arnold at tumngo ako bilang pagsangayon.

"Respect? Eh yung nasa dulo nga maiingay," sagot sa kanya ni Kelly.

"Hintayin ko nalang ako, pumwesto nalang kayo, duty pa ako eh," sagot ko sa kanila.

"Oy Arnold, wag naman masiyadong titig kay Mella, si Mella.lang 'yan," sabi ni Sandra tapos tumawa pa. Lumakad na ako palayo sa kanila dahil baka ako pa ang mapagalitan, kunyare hindi ko sila kilala.

"Mga classmates mo?" Tanong ni Abi pagkalapit ko sa kanya. Nakalimutan ko tuloy siya.

"Ah oo, ang iingay 'no." 

"Sobra," sagot niya.

Tumingin ako sa kanila doon sila pumwesto sa long table, nasa likuran nila sila Kirsten. 

"Umuulan na naman sabi nila may bagyo na naman raw ngayong September," sabi ni Abi.

"Oo nga eh, kakainis," sagot ko. "Baka lagnatin na naman ako nito."

"Hay, pahirapan na naman pauwi."

Nakarinig ako ng mga sigaw at tili nong biglang nawalan ng ilaw at kuryente. Agad akong napahawak sa upuan. Sobrang dilim sa loob, dahil nakasarado rin ang mga wall glass ng malalaking roller blinds.

Humakbang ako paatras, marami naman na ang nagsibukas ng flashlight sila. Wala sa akin ang cellphone ko. 

Madilim pa rin. 

Umatras lang ako ng umatras hanggang sa may nakabangga ako sa likuran.

"Sorry," sabi ko agad.

Pagkaharap ko ay alam ko na agad kung sino ito. It's her vanilla perfume that smells like a  sweet cupcake. Agad akong yumakap sa kanya. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin pabalik. 

I felt safe.

Umiwas agad ako ng yakap nang biglang bumalik ang kuryente. Inangat ko ang tingin sa kanya, tama nga ako. 

"Okay ka lang?"

She asked.

"Ah oo," sagot ko.

Ngayon lang pumapasok sa isipan ko na, nakayakap ako sa kanya at yinakap niya ako pabalik. Teka paano siya nakarating agad dito? Napalingon ako sa likuran at parang tinatawag na siya ng mga kasama niya.

"See you," sabi niya at tumango agad ako.

"Kilala mo pala si Kirsten?"

Napalingon ako kay Abi. Kinabahan pa ako dahil bakita nakita niya kami. O nakita niya ako na bigla nalang yinakap si Kirsten.

"Ah oo," sagot ko. 

"Kasi kinausap ka niya eh, talaga ba? May kilala ka palang sikat?"

"Hehe roommate lang," sabi ko. Tapos nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"Roommate? Seryoso? Close kayo? Baka naman mapakilala mo ako sa crush ko."

"Hindi ah, roommates nga lang, tsaka di porket roommate ko si Kirsten ay close na kami tapos kilala ko na mga kaibigan niya," sabi ko.

"Ay, okay."

Pagkatapos ng duty ay pumunta agad ako kayna Kelly. Mas lalo lang lumakas ang ulan. Pero alam ko mamaya titila rin ito.

"Nakita namin 'yon," sabi ni Kelly bigla. Kaya kinabahan tuloy ako. "Kinausap ka ni Kirsten? Sana all."

"Ha? Wala," sagot ko. 

"Ih sana all kinakausap ng crush," sabi niya. Agad ko siyang pinatahimik dahil nasa likuran pa namin sila Kirsten.

"You have a crush?" Napalingon ako kay Arnold. 

"Oo si Kirsten."

Npapikit ako sandali dahil nilakasan pa ni Kelly ang boses niya.

"Na crush ko rin." Dagdag pa niya.

"You guys are having a crush with a girl? Ano? Like it's your role model or what?" 

"Masama bang magkagusto sa babae?" Tanong pabalik sa kanya ni Kelly.

"Diba may boyfriend ka na?" Tanong naman ni Arnold pabalik kay Kelly.

"Crush nga lang," sagot ni Kelly.

"Why? Why her?" Tanong naman ni Arnold sa akin. 

"Ah si Arnold natalo ng babae." Natatawang sabi ni Kelly.

"Are you a lesbian?" Tanong ni Arnold sa akin n hindi pinapansin si Kelly.

"I'm not," sagot ko. 

"Bisexual then?"

Hindi ko na siya sinagot at pinatuon ko na ang pansin sa gagawin namin. 

Mella:

Ingat ka crush!

Agad akong nag-chat pagkatayo nila Kirsten at lumabas na rin sila pagkatapos nilng ayusin ang mga upuan.

Kirsten reacted wow to your message.

Mella: 

Wag kang magpaulan!

Kirsten reacted care to your message

Ay ano 'to? Puro react nalang? Sa bagay, naglalakad pa sila ngayon tsaka nasa school kami baka mga busy rin sila. 

Sige i-support kita diyan Mella!

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon