49

517 16 0
                                    

49: Future

"This is it! Now for the home of future engineers!"

Agad kaming naghiyawan at nagsigawan nang pumasok kami sa stage. Awit sayaw is real. This is it. Kailangan ipahiya ang sarili para sa grades. Pero okay lang naman dahil nasa likuran naman ako, hindi ako masiyado makikita.

Hindi talaga ako sanay sa ganito, nong bata pa ako oo pero ngayon hindi na.

"And the winner for the dance competition is... The home of future engineers!"

And surprisingly we won! Araw-araw ba naman na practice at pagod na nilaan namin para sa sayaw at sa program namin. Hindi pa kami manalo. Pagkatapos ng announcement at kumuha ng mga litrato ay agad kaming tumakbo ni Kelly papunta sa basketball court to see Kirsten's game!

"Go Kirsten!" sigaw ni Kelly nang makarating kami sa loob. Hindi na namin naisipan pang magpalit ng damit dahil late na kami sa game.

"Sorry girl, I'm cheering for your girlfriend," sabi niya sa akin habang natatawa. "Oh ito isuot mo." Binigay niya sa akin bigla ang shades niya at jacket niya sa akin. Baka raw kasi may makakita sa akin. Just like nong prom, may mga kumuha ng litrato bigla sa akin. Only to find out, mga kakilala ni papa dito sa University. One of our professors.

Go love!

Sigaw ko sa isipan ko. Engineering vs. Architecture students. Kaninang umaga naman mga boys ang naglaro ngayong gabi ay mga babae. Imposible rin na makita pa niya ako dito dahil sa daming nanunuod.

"Pang-mvp talaga 'tong si Ecero," sabi ni Kelly sa akin at inakbayan ako. "Teka nasaan si Troy?"

"May laro rin sila diba? volleyball," sagot ko.

"Ay oo nga pala 'no, kaya niya na sarili niya," sabi niya at natawa kami parehas. Troy has his own life too, kaya mas lalo akong nagagalit kayna mama, dahil palagi siya ang tinatawagan at pinapabantay sa akin.

"Teka hanggang anong oras nga pala curfew mo? diba nasa apartment mo mama mo ngayon?" tanong niya. I looked at my watch and It's already 6:30 pm. Oo, nasa apartment ko si mama. Ito rin ang kinaiinisan ko ang biglaan niyang pagbisita sa apartment namin.

Na-appreciate ko naman, kaso ginagawa nila 'to para mas lalo akong masakal. Mahal ko pa rin naman sila pero minsan hindi ko na magawa mga gusto ko. Dahil lang sa nagmahal ako. Hirap pala kapag nag-aaral ka pa tapos umaasa pa sa parents tapos magmamahal ka na.

"Paano nalang kung wala na sila dito!" Naiiyak na sabi ni Kelly.

Napasigaw kami ng...biglang natalo sila.

"Ayan kasi si Kirsten lang lahat, siya lang napagod," sabi ni Kelly. We lost the game but it was a good one though. Ilang points nalang sana, kaso wala na ring time.

"Before 9 pm kailangan ko ng umuwi," sabi ko na parang bata.

"Oo nga pala 'no, ay bago ka umuwi, tara sa film showing, manood tayo," sabi niya.

"Ha? eh mga old movies naman ang nandon," sagot ko. 100 pesos lang naman ang ticket. Mga pakulo ng mga IT sudents. Marami talaga silang booth tuwing intramurals.

"Sige na," sabi niya.

"Sige na nga, wala naman tayong gagawin," sagot ko. Sumabay ako sa kanya at sumakay lang kami ng bus papuntang Media Center.

Bumili kami ng ticket, we decided to watch a horror movie.

"Sayang wala si Sandra, sumama pakiramdam pagkatapos nating manalo." Natatawa niyang sabi.

"Oo nga," sabi ko.

Pumasok kami sa loob ng film showing. Mukha rin naman siyang sinehan na may malaking screen tapos komportableng upuan. Bawal nga lang pagkain dito sa loob, kahit pop corn.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon