13

545 17 4
                                    

13: Enchanted

Agad akong umuwi after duty ko sa library. Sobrang pagod ako na hindi na ako nakigala pa kayna Kelly at Sandra.

Pagkabukas ng elevator ay agad akong pumasok. I was about to press the 3rd floor button when I saw Kirsten running. Kaya hinintay ko siya.

"Thanks," sabi niya at tumango lang ako. 

This kilig and awkward feeling. 

Pinindot ko na ang 3rd floor. Minsan talaga ang tahimik niya lang. Kinuha ko ang phone ko para kunyare busy.

"Ah!" Sigaw ko nang biglang tumigil ang elevator ng malakas. Tapos nasa 2nd floor palang kami. Agad akong nagpindot ng pindot kahit ano sa mga buttons.

Kirsten tried to press the door open button but it's not working. Kinakabahan na ako. Paano kung na-stuck kami? 

 Next she pressed the emergency call button and alarm button.

Hindi ko nga agad nagawa 'yon dahil nataranta agad ako. Naunahan ako ng takot. Never pa akong na -stuck sa elevator. 

"Mabilis lang 'to, power failures siguro."

She's composed.

 Inhale exhale, ito nalang ang gagawin ko. 

"Calm down, we're safe," sabi niya. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya at nakatuon lang ang atensyon niya sa cellphone.

I can't calm down, we're stuck!

Natigilan ako sandali, dahil napagtanto kong dalawa lang pala kami dito. Wala kaming ibang kasama. Napahaplos ako sa aking dibdib, dahil nahihirapan na akong huminga, hindi na dahil sa takot, kung hindi dahil sa kanya.

"Are you alright? You're red."

Agad akong umiwas ng tingin habang pinapakalma ang sarili ko. Sumandal ako sa malamig na pader ng elevator, sakali lang na kumalma ako kahit kaunti. 

Pero paano ako kakalma kung bigla siyang lumipat sa tabi ko at sumandal rin.

"It's okay, we'll be fine," sabi niya.

Then suddenly, my heart calmed down. Inangat ko ang tingin ko sa kanya and she's smiling. 

I mean my heart still races but it's more calmed now, i can also feel butterflies in my stomach. Para ring bumabagal ang galaw at ikot ng oras. 

It feels enchanted.

"Gusto kita." Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon. Nakakahiya pero bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kanya. Kahit pa nawala ang ngiti niya. 

"Really?" 

Sa ilang araw na tinutukso kami, 'yon lang sasabihin niya? Alam ko rin na ayaw niya sa mga ganito. Mas nakakahiya kung magalit siya. I'm a girl, confessing to her and she's straight. 

"Will you allow me to like you?"

Oh that serious eyes again. 

"Why not?"

Natigilan ako sandali sa sinabi niya.

"Gusto mo lang naman ako diba?"

Pero mas natigilan ako sa sunod niyang tinanong. Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin kami umiiwas ng tingin sa isa't isa. 

"Hindi ka ba magagalit?" Tanong ko.

"Hindi, sabi ko diba masiyado kang cute," sagot niya. 

"Paano kung mahulog ako sayo?"

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon