17

532 16 2
                                    

17:  Moon

“Happy birthday Mella!”

Pagkapasok ko ng room ay sinalubong ako nila ate Kyla. Kakabalik ko lang galing probinsya. Napangiti agad ako sa pa-balloons nila tapos cake. Agad ko namang hinanap si Kirsten pero mukhang wala yata siya.

“Ay iba hinanap, hindi muna naka-appreciate,” sabi ni ate Janette.

“Wala akong hinahanap, maraming salamat mga ate.”

“Belated happy birthday ah, daya umuwi ka, hindi mo kami pinasama,” sabi ni ate Janette.

“Make a wish! buong september iyong iyo,” sabi ni ate Kyla.

Pumikit ako at agad kong hinipan ang kandila. It’s a strawberry cake. May nakasulat rin sa ibabaw na Happy birthday, Mel.

“Thank you mga ate,” sabi ko. Tapos nakipag-selfie ako sa kanila kasama ang balloons na hinanda nila at ang cake.

Bakit wala siya?

“Naku umalis, may gagawin raw, may binisitang site, keme, hindi ko alam,” sabi ni ate Kyla. Nababasa ba niya nasa isipan ko.

“Hindi daw crush, pero hinahanap,” sabi naman ni ate Janette.

“Third year na ‘yon kaya busy na rin,” sabi ni ate Kyla.

“Pero may iniwan siya diyan sa table mo.” Itinuro naman ni ate Kyla ang isang box na naka gift wrap pa sa ibabaw ng study table ko.

“Oh bawal kiligin,” sabi ni ate Jantte.

“Hiwain na natin ‘yong cake.”

Hinayaan ko lang muna sila ate Janette at naituon ko ang aking pansin sa binigay ni Kirsten. Gift niya ba ‘to sa akin? seryoso ba?

Binuksan ko ang box and to my surprise, it’s a moon lamp.

Agad na tumulo ang luha ko. I don’t even know why, maybe I’m just happy? Pero masaya naman ako sa lahat ng natanggap ko at sa mga bumati.

Kirsten really hits differently.

Napahaplos ako sa dibdib ko. Is this really for me? kaya ba nong nawalan ng ilaw sa library, she was there. She hugged me. Does she know?

I saw a note and read it.

“I don’t know what to get you, Hope you’ll like it.”

Pero teka, masiyado talaga akong feeling. Hindi nga niya alam kung anong kukunin niya para sa akin. Siguro random lang rin niya ‘tong pinili. 








Nakigala sila ate Janette sa mall at nilibre nila ako ng food, nag-samgyupsal kami. Pagkatapos umuwi na ako agad, may pupuntahan pa raw si ate Janette tapos si ate Kyla doon lang muna raw makikitulog sa ate niya.

Pagkarating ko ng dormitory at sa room namin, agad kong nakita ang liwanag ng moon lamp kaya napangiti ako agad. Binuksan ko ang ilaw at dumiretcho sa study table ko.

"Ang ganda," sabi ko at umupo.

Pingmasdan ko lang muna ang lamp.

This is the perfect gift.

Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto and saw Kirsten.

"Hey, saw your gift?"tanong niya agad habang nagtatanggal ng sapatos.

"Nandito na nga eh, thank you," sagot ko. Lumakad siya palapit sa akin.

Humila siya ng isang upan at umupo sa tabi ko.

"Beautiful?" Tanong niya at tumango ako.

Pero mas inaagaw niya atensyon ko ngyon eh. Malakas na naman ang tibok ng puso ko. Imposible na yata akong makawala pa sa kanya.

Hindi ba siya pagod? Gusto ng magpahinga? Sayang hindi siya nakasama sa amin kanina.

I wanna know how her day went, but I'm shy.

"They said, it reduces stress and anxiety," sabi niya habang nakatutok sa lamp.

"Feel ko nga eh," sagot ko.

"You like it?"

"I love it," sagot ko at ito na naman kami, nagtama na naman ang mga mata namin. I saw her smile.

"Im happy," sabi niya.

"It's already late, let's sleep," sabi niya. Tumayo siya at nakaangat lang ang tingin ko sa kanya, napansin niya yata akong nakatingin sa kanya.

"Why? May gagawin ka pa?"

Umiling ako.

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Ano ba, kaya nalilito ako kung may chance ba talaga ako kung may chance ba ako.

Tapos,  lumakad siya papunta sa banyo.

Napagtanto kong magpapalit pa pala ako. Kumuha ako ng pamalit at pagkalabas niya ay ako naman ang sumunod.

Nang matapos ako ay nag-laptop na siya. Busy ba sa school? Kasi kami sobrang busy na namain, sila pa kaya?

"May gagawin ka pa?" Tanong ko agad naman siyang napalingon sa akin. Masiyado talaga akong pakialamera sa kanya.

"Ah yeah."

"Tabihan mo nalang ako kapag matapos ka," sabi ko, biro lang naman. Alam ko rin naman di niya gagawin 'yon.

Napakalandi ko talaga.

"Joke lang," sabi ko at umakyat na.

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon