41

409 11 0
                                    

41: Wait

Bumalik kami sa San Jose, at kailangan kong magpanggap na walang nangyari. Kailangan kong magpanggap na ayos lang ang lahat kahit ang tahimik nila mama at papa sa akin.

They took my phone.

Narinig ko rin na kinausap ni papa si Kirsten. Natatakot ako pero hanggang dito nalang ako. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko.

Kumusta siya o anong ginagawa niya ngayon. Kung kinausap ba siya ng maayos ni papa. Hindi ko na alam.

They became more strict. Halos lahat ng galaw ko binabantayan nila. Palagi akong binibisita ni mama sa room ko para tignan kung nag-aaral ba ako o kung anong ginagawa ko.

"Next school year, kayna mom at daddy ka uuwi, sabay kayo ng pinsan mo."

Hindi na rin ako sumasagot kay mama dahil masasaktan lang ako. I know I'm young but I did nothing wrong, o meron ba? If only they could see, kung ano ang nakita ko kay Kirsten.

Maybe they would understand.

Parang mababaliw ako dito mag-isa sa kwarto ko. Walang magawa kung hindi mag-aral. Gusto kong makausap si Kirsten, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap.

I need her.

Alam kong mag-aalala siya sa akin. Hindi ko siya nakausap bago pa kunin sa akin lahat ng gamit ko. Lahat na para may makausap ako sa labas.

"Apo?"

Napalingon ako sa biglang pumasok, it's nanay. It's mama's mother. Bumangon ako sa higaan at tumakbo papunta sa kanya at yinakap siya. Nakita ko rin si mama na lumabas na ng kwarto ko.

"Nanay..." hindi ko napigilan ang hagulhol ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik at paghaplos niya sa aking buhok. Mas humigpit lang ang yakap ko.

"Tahan na apo, bata ka pa... makinig ka lang muna sa mama at papa mo, alam kong alam mo na gusto lang nila ang mapabuti ka, maayos ang kinabukasam mo."

Umiwas ako sa yakap at tumingin kay nanay. Umiling ako.

"Pero nanay ang sakit po," sabi ko.

"Shhh apo..." Pinunasan ni nanay ang luha ko. "Apo, wag kang masiyadong mag-isip. Tama ang mama mo, bata ka pa. Hindi mo pa alam ang ibig sabihin ng pagmamahal at wala ka pa sa hirap na mararanasan mo sa pagmamahal."

"Pero nanay, mahal ko po talaga siya. Alam kong mali pero hindi ko alam."

Tumalikod ako at umupo sa gilid ng higaan ko. Mababaliw yata ako kakaisip kung anong ginagawa niya ngayon, maayos ba siya. Is she safe.

"Apo ko, may oras para diyan, palaging mayroong tamang oras." Umupo sa tabi ko si nanay at hinaplos ulit ang buhok ko.

"Pero nanay, ang sakit sakit po. Kung hindi po 'to pagmamahal, bakit sobra po akong nasasaktan at bakit po parang kinukulong na ako nila mama, na para bang sobrang laki ng kasalanan ko. Nanay, nag-aaral po talaga ako ng mabuti, kahit hindi ko na kaya, kinakaya ko po para kay papa."

"Alam ko apo, alam ko. Ayaw lang nila matulad ka sa kuya mo."

"Pero nay, nagmahal lang rin naman si kuya. Mali man sa kanila pero don ko lang nakita si kuya naging masaya and he's even more happier now."

Hinalikan ako ni nanay sa noo.

"Tahan na apo, ngayon lang 'to."

"Nanay, siya lang gusto ko. Siya lang gusto kong makasama wala ng iba. Nanay."

I may sound childish but I love her so much.

"...and nanay she loves me too. She always make me feel safe. She always listens."

"Paano kung meron pa palang iba at nagmamadali ka lang?"

Natigilan ako sa tanong ni nanay.

"Ngayon kasi, ang bata mo pa apo, para sabihing siya na ang gusto mong makasama. Hindi ganon kadali iyon, marami kayong pagsubok na pagdadaanan... paano kaya kung isipin mo nalang na isa ito sa mga pagsubok niyo..."

Pagsubok? Ganito ba talaga kahirap ang magmahal? Hindi lang isang laruan na pwede lang agad mabili, hindi lang barya na pwede mo lang mahingi. Ganito pala kahirap.

"Nanay..."

"At kung mahal niyo ang isa't isa, maghihintay kayo."

Pumikit ako ng mariin at sumandal sa balikat ni nanay.  Hinayaan lang ako ni nanay na umiyak hanggang sa tumahan na ako.

"May ibibigay ako apo, bago ako umalis."

"Ano po 'yon nanay? Pwede po bang dito na lang kayo matulog?"

"Kailangan rin ako ng mga pinsan mo," sagot ni nanay.

Pero ayoko talagang mag-isa ngayon.

May kinuha siya sa bag niya at natulala ako sandali dahil sa gulat. Cellphone.

"Nanay--"

"Shhh wag kang mag-ingay sa mama mo, hindi ko naman 'to masiyado nagagamit pero bukas kukunin ko na 'to sayo."

"Nanay salamat po," sabi ko at yinakap si nanay.

"Mahal kita apo, kaya wag ka ng umiyak ha."

Tumango ako at tinanggap ang phone ni nanay. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. I still know our wifi password.

"Wag kang magpapahuli sa mama mo," sabi ni nanay.

Kaya the best talaga ang mga lolo at lola eh.

Sinabayan ko si nanay hanggang sa labas ng kwarto pagkatapos kong itago sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko.

"Paalam po nay, ingat po kayo," sabi ko.

Bumalik ako sa kwarto at agad na kinuha ang cellphone. Agad kong binuksan and I tried to connect it with our wifi.

Agad kong binuksan ang SoCiant ko.

Kirsten:

I love you most.

This is the last message I received bago inagaw ni mama sa akin ang phone ko. Wala siyang ibang message sa akin.

Nakaramdam ulit ako ng kaba.

Lalo ng makita ko ang pangalan ni Drew sa messages ko.

Drew:

Kirsten is in the hospital.

Kagabi pa 'tong message niya. Napatayo ako at nagsimula akong mag-isip kung ano ang gagawin ko. Hindi pwedeng nandito lang ako habang nasa hospital si Kirsten.

I opened the messages from my message request and saw Ethyl's name.

Ethyl:

Sino ka ba sa buhay niya! She's in the hospital right now because of your father!

Napaupo ako sa sahig dahil nanglambot ang mga tuhod ko.

Dahil kay papa? Anong ginawa niya! Napasapo ako sa aking noo. Anong ginawa ni papa? Hindi ako pwedeng nandito lang, I need to see her.

Tumayo ako at kinuha ang mga naipon kong pera sa drawer. Bahala na.

Hindi pwedeng wala akong gawin, my love is in the hospital because of me.

Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko agad si mama.

"Kaninong cellphone 'yan!" Sigaw ni mama at nang papalapit palang siya sa akin ay agad akong tumakbo papunta sa baba.

"Mella!"

Hindi ko pinakinggan ang pagtawag ni mama. Kinuha ko ang mga susi sa kusina at dumiretcho ako sa likuran ng bahay namin.

I saw Kuya's motor na si papa na ngayon ang halos gumagamit.

"Mella! Mella! Saan ka pupunta!"

--

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon