12: Stalked
"Okay guys see you tomorrow."
Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko pagkatapos lumabas ng prof namin. 10 am pa naman punta lang muna ako siguro sa coffee shop.
It's September already, my birth month. Bilis talaga ng araw.
I have a crush on Kirsten. I can't take it back now. Araw-araw ba naman kami tuksuin nila ate Kyla. Ako pala, tapos nadadamay nalang si Kirsten. Minsan nga may mga gabi na hindi siya umuuwi sa dormitory. Naiisip ko baka sa kakatukso nila ate Kyla sa amin.
Hanggang crush lang naman. Yon lang, happy crush siguro.
Gusto ko na ngang lumipat kaso…somehow…gusto ko rin na tinutukso nila ako. I got my first boyfriend because I made the first move. Kapag gusto ko kasi, gusto ko talaga.
Though I know it's impossible. Paano kung siya ang lumipat? At magalit na talaga siya? Pero sabi niya, cute ako.
Tsaka hanggang ngayon kung may nahihirapan ako sa mga subjects ko ay tinuturuan niya ako. Dahil pinipilit rin siya nila ate Kyla.
"Ay, no!" Sigaw ko bigla at muntik ko pang mabitawan ang kape ko. Nang mapindot ko ang follow sa account ni Kirsten.
Huminga ako ng malalim. Ilang beses na ako napapadaan sa profile niya, pero hindi ko talaga makuhang i-follow siya. Nang babawiin ko na sana nagulat ako sandali.
She followed me back! Omg! Baka naman hindi niya account 'to? Pero sure naman ako siya. She has 40k followers now.
Pero teka…I can stalk her now? Is this an advance birthday gift?
Marami pala siyang selfies dito. Mahilig pala siya mag-selfie ah.
Kirsten sent you a message.
Parang tumigil ang mundo ko. Nag-message siya!
Kirsten:
Don't stalk me.
Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko namumula na naman ako. Mahilig na rin kasi siya mangasar ngayon pero kapag lasing lang siya. I mean hindi naman lasing na lasing, she's still composed pa naman. Nakainom lang.
Wait baka nakainom na naman siya. Kapag normal naman ang mga araw parang wala lang sa kanya na may crush ako sa kanya. Tsaka nakikita ko naman naiirita siya tuwing tinutukso siya sa akin nila ate Janette.
I want to celebrate my birthday here. Pero gusto ni mama umuwi ako. I'm turning 19 na pala. Kailan kaya birthday ni Kirsten.
I stalked her account.
December pa pala. Ang layo pa pero malapit na. Cute ng mga selfies niya parang hindi siya sa personal, na seryoso at cold, her she's girly.
Marami na rin pala siyang napuntahang lugar. Sa ibang bansa pa. Ako kasi hanggang Pilipinas lang tapos bilang palang napuntahan ko.
"Oy Mella!"
Pagkapasok ko palang ng coffee shop ay nakita ko ang mga kaklase kong lalaki. Bilang lang pala kami na mga babae, nasa lima siguro kami yung iba kasi hindi ko pa kilala. Tapos 20 boys. Siguro sa ivang section mas marami ang babae.
"Oh?" Pataray kong tanong. Tawag ng tawag buti sana kung mga pogi, yung isa kasi sa kanila feeling ko pinopormahan ako.
Feeling ko lang. Pero halata kasi.
Kaso di ko siya type.
"May itatanong sana si Arnold sayo mamaya," sabi ni Drew tapos nakangiti pa. Inirapan ko lang siya tapos humanap na ng pwesto.
"Ang taray!" Rinig kong sigaw nila.
Pero pagdating naman sa group activities close naman kami lahat. Nakakairita lang kapag nagbibiruan na sala o inaasar na kaming girls.
"Mella, can I sit with you?"
Pagkatayo ko ay lumapit si Arnold sa akin. He's good naman, chinito but not my type.
"Order ka palang? Treat na kita, coffee?"
Huminga ako ng malalim.
"May pera ako," sabi ko. Dumiretcho na ako sa counter to make an order. Bumili na rin ako ng tinapay.
Pagkabalik ko ay nandon pa rin si Arnold.
"Why are you so grumpy?nakakadiri ba talaga ako? I just want to be friends with you," sabi niya pagkaupo ko.
"Hindi naman ako galit, pagod lang," sagot ko.
"Kumusta naman mga subjects natin? May nahihirapan ka ba? I can help you," sabi niya.
"Wag na, may nagtuturo na sa akin," sagot ko.
"Who? Do you have a personal tutor?"
Sana all. Afford kasi nilang magkaroon ng tutor na magagaling. Afford rin naman namin, but papa believe na kaya ko kahit walang sino mang tumutulong.
"Wala," sagot ko.
Arnold is one of the brightest in the class, he's our president nga eh. Tapos first year representative sa organization namin.
"Sa tingin mo ba bobo ako? Na kailangan ko talaga ng tulong?" Inis kong tanong sa kanya. "Nakakasagot kaya ako sa mga recitations."
Kahit minsan mali at least right?
"Haha no, that not that I meant," sabi niya. "Ang cute mo."
Naubo ako sinabi niya. Ayoko talagang may pumuporma sa akin. Biglang tumahimik ang paligid kahit siya.
"She's so cool and pretty." Rinig kong sabi ni Arnold. Napalingon naman ako sa mga estudyante na bago palang pumasok.
Si Kirsten tsaka yung apo ng may-ari ng school.
"Oo nga," sagot ko at agad na umiwas ng tingin ayoko kasing makita ako ni Kirsten.
"But you're more pretty."
Napangiwi lang ako sa sinabi ni Arnold.
Bakit ba kung sino yung hindi naman natin type, sila nagpapapansin.
–