10: Crush
Nagising ako na madilim na ang buong palagid. Mabuti nalang bukas ang bintana may nakukuha akong liwanag galing sa labas. Wala pa siiguro sila ate at si Kirsten sigurado akong umalis na din yon pagkatapos kanina.
Anong oras na ba? Parang mas lalong bumigat ang katawan ko.
"Ouch," bulong ko nang tumamanang siko ko sa isang bed table na nasa gilid ko. Kanino 'to? Alam kong wala 'to kanina. Pero mabuti nalang hindi ko talaga siya natamaan ng malakas dahil may pagkain na nandito at bottled water tapos gamot.
Bigla na namang tumibok na parang baliw ang puso ko. Is this from her? Siya lang naman ang nag-alaga sa akin kanina.
Pero kailangan ko munang buksan ang ilaw.
Nong pababa na ako bigla namang bumukas ang pinto at bumukas ang ilaw.
"Okay ka na?" I saw Kirsten. Bumalik naman ako ng maayos sa higaan ko tapos umakyat rin siya. Hindi na talaga ako makakahinga ng maayos nito.
"Mainit ka pa," sabi niya nong abutin niya ang kamay ko. "Kumain ka na, and drink medicine again. Kung tumaas temperature mo, we'll need to see a doctor. Hindi ka ba pumunta ng clinic? At bakit nasugatan ka?"
Hindi na 'yon tinipid ah, marami na siyang sinabi. Concerned? Pero ayokong maging feeling, ito rin siguro gagawin ni la ate Kyla.
She's older than me, kahit ayaw niyang magpatawag ng ate. Siguro she's being caring lang as an ate.
"Hindi dumiretcho lang ako dito, nadapa lang kasi ako," sagot ko. "Wala ka na bang class?"
"Ah yeah."
Tumango lang ako.
"Ayaw mo ba ng pagkain?"
"Ah hindi, wala lang talaga akong gana, mas bumigat kasi pakiramdam ko," sabi ko.
"Let me feed you," sabi niya tapos nakita ko pa siyang ngumiti.
Ewan rin ba hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Nang susubuan na niya sana ako biglang may pumasok at nagulat pa ako dahil si mama.
"Anak?"
"Mama?"
Pumunta nga si mama. Napatingin ako kay Kirsten at agad naman siyang bumaba at binati si mama.
"Magandang gabi po."
Napalunok ako at kinabahan. Bakit rin ba ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama. Nakita ko ang pagtitig ni mama kay Kirsten.
"Magandang gabi rin, nakita ko kasing bukas ang pinto hindi na ako kumatok," sabi ni mama. May dalang prutas si mama at nilagay niya iton sa study table ko. Umakyat rin si mama at agad na tinignan ako.
"Wala pa ngang kalahati ng sem, nilagnat ka na," sabi ni mama.
"Okay lang ako ma," sagot ko. "Lalo na po nandito kayo." Nakangiti kong sabi.
Napansin ko naman ang pagtingin niya kay Kirsten.
"Kasama mo yan dito?" Tanong ni mama.
"Ah opo, apat po kami dito. Wala lang sila ate Kyla at ate Janette. Kami lang po ngayon ni…Kirsten."
"Kirsten?" Tanong ni mama. Alam ko na sa tono ng boses niya.
"Tomboy ba 'yan?" Tanong ni mama na ikinagulat ko sandali baka marinig pa ni Kirsten eh.
"Ma, hindi po."
Nakakagihil rin si mama minsan eh.
"Tignan mo nga manamit."
"Babae po si Kirsten," sabi ko. "At ma, baka marinig kayo."
"Ay dapat lang, sayang naman ang tangkad at ganda niya. Alam mo namang ayokong nakikipagkaibigan ka sa mga alam mo na may sira sa ulo."
"Mama, please."
"Maganda ang batang iyan ah, sayang kung magiging lesbiana lang siya. Eh bakit ba ganyan ang damit niya?"
Pumikit ako ng mariin.
"Ma style niya 'yan," sagot ko.
Kung gaano ka-astig tignan ni Kirsten sa iba at sa mga ilang kabataan ngayon, iba pa rin sa paniniwala nila mama.
"Style, style. Baka mahawa ka ha."
"Mama naman."
Ewan ba, marami ng mga magulang sa social media na tanggap ang mga anak nila sa kung suno sila. Karamihan na rin wala ng discrimination.
"Sayang, maganda pa naman." Huling sinabi ni mama tapos inasikaso niya na ako. Hindi na daw gusto ni papa umakyat dito sa taas, nasa visitors lounge lang daw siya.
Sana walang narinig si Kirsten.
Umalis na rin si mama pagkatapos. Medyo bumaba na rin naman ang bigat na nararamdaman ko. Pero kailangan pa rin raw makasigurado bukas, hindi lang muna ako papasok. Si papa nalang raw muna bahala sa ilang prof ko.
Pagsapit ng umaga ay gumaan na ang pakiramdam ko pero may kaunti pang sakit sa ulo at lamig. Bumaba ako at nakita ko si Kirsten na inaayos ang mga gamit niya sa bag.
"Ah Kirsten, salamat," sabi ko.
"Sure," sabi niya at agad ng umalis. Ang cold na naman niya. Kinakabahan ako baka narinig niya mga sinabi ni mama.
Kumuha ako ng isang mansanas na dala ni mama, nilagyan ko ng sticky note sa ibabaw.
Thank you.
Tapos nilagay ko sa mini fridge niya. Dami niyang stock na sweets.
Umupo ako tapos kinuha ang notebook ko, nagsulat na naman ako tungkol sa kanya.
She took care of me, bought me food, yung color purple na band aid.
"Oy! Mella! Nilagnat ka raw sabi ni Kirsten!"
Napalingon ako kayna ate Janette. Ngayon lang siguro sila umuwi.
"Okay na po ako," sabi ko.
"Sure ka?" Tanong niya. "Naku health is wealth."
"Magpahinga ka lang muna sa higaan mo, naku," sabi ni ate Janette. Ngumiti ako at tumango.
Pumunta muna ako ng banyo para maghilamos. Lumabas ako pagkatapos. Natulala naman ako sandali nang hawak na nila ate Janette ang notebook ko.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko. Gusto ko silang sugurin talaga at sabunutan.
Nakita ko ang mga ngisi nila at sabay pa silang lumingon sa akin.
"Crush mo si Kirsten?"
–