02: Wallet
6 pm na ako nakalabas ng University dahil isinulit ko ang oras ko sa library. Dumaan muna ako ng convenience store para mag mini-grocerry lang. Snacks lang siguro at mga essentials.
"I know, call you later." Habang namimili ako kung anong biscuit ang kukunin ko nang makita ko si Kirsten. Napaawang pa ang labi ko, dahil sa gulat. Sandaling gulat lang naman.
Bakit palagi ko siyang nakikita? I mean hindi sa pag-iisip masiyado nakikita ko naman siya sa dormitory, sigurado na 'yon.
Bakit tuloy hindi ako makapili ng kukunin ko?
Napansin kong kumuha siya ng oreos, pero hindi naman niya ako napansin lumakad na siya agad palayo. Natawa ako sa sarili ko dahil oreos na rin ang kinuha ko.
Nang matapos ako ay pumila na ako sa counter. Nauuna siya sa akin. Nagkaabot pa kami. Teka bakit conscious ako? Umiling ako.
Natapos naman siya agad at ako na ang sumunod, hindi niya ulit ako napansin. Masiyado siyang focused at seryoso.
"565 po lahat mam," sabi ng cashier. Pagkatingin ko sa bag. Wala ang wallet ko. Ang card ko nandon! Teka, sure ako nandito lang yon. Na punch in pa naman lahat. Nandito naman ang cellphone ko.
Tumingin ako kay Kirsten na kakalabas lang ng store.
"Mam sandali lang po ah," sabi ko at tumango naman ang cashier. Agad akong tumakbo at hinabol si Kirsten sa labas.
"Kirsten!" Sigaw ko. Huminto naman siya at napalingon sa likuran.
I pouted.
Sana tulungan niya ako. Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi siya lumapit. Sinenyasan ko siya na lumapit. Tumingin pa muna siya sa paligid tapos lumakad palapit sa akin.
"Ah kasi, nawawala wallet ko."
"Then?" ang suplada na naman.
"Naka-punch na kasi lahat."
Parang may sasabihin pa sana siya kaso hindi niya itinuloy? Lumakad siya papasok sa store kaya sumunod agad ako.
"Sorry po talaga mam," sabi ko kay mam sa cashier. Nakita ko naman ang pagabot ni Kirsten ng card sa cashier.
"Savings po ba mam?"
"Ah yeah."
Naistorbo ko pa siya. Kaso nakakahiya naman kung ibalik ko lahat. Nakakahiya rin sa mga nakapila.
"Salamat mam!" Nakuha ko na rin ang mga pinamili ko.
Nagkatitigan pa kami ni Kirsten at hindi ko alam kung bakit natulala ako sandali. Ang kinis ng mukha niya.
"Ah– thank you," sabi ko pero hindi siya ulit nagsalita at lumakad na rin palabas. Sumunod naman ako.
"Babayaran kita agad, pagkarating sa dorm. May pera naman ako don," sabi ko. Nagtatago naman ako ng pera sa dorm kaso yung wallet ko nandon lahat ng ibang valid ids ko at yung credit card ko. Patay ako kayna mama nito.
Tinignan ko naman ang cellphone ko at nakita kong nakailang tawag si Abi sa akin at may mga messages pa sa SoCiant.
Abi:
Wallet mo 'to? Nasa lost and found na. Pero sa library lang. Si Ms. Yen ang nakakita.
Abi sent a picture.
Napahawak ako sa batok ko. Saan ko naiwan?
Abi:
Naiwan mo sa pantry nong kumain tayo ng snacks siguro.
Mella:
Salamat Abi!
Hay, salamat naman. Pero nawala agad si Kirsten. Ngumuso ako at lumakad na rin para makabalik na sa dorm.
"Anong oras na ah, maraming ginawa sa school?" Pagkapasok ko ay nakasalubong ko si ate Janette agad. Sumilip ako kay Kirsten at nakatutok na siya sa laptop niya.
"Opo, tsaka dumaan ako sa convenience store," sagot ko.
"Nga pala Mella taga saan ka?" Tanong ni ate Kyla, dumiretcho muna ako sa study table ko.
"Ah sa San Jose po," sagot ko habang inaayos ang mga binili ko sa mga lagayan nila.
Taga-probinsya kami pero may bahay din kami dito sa Alvarez. Kayna lolo at lola sa side ng papa ko. Junior at senior high, palagi akong rumerenta ng boarding house na malapit lang sa school ko. Kaya medyo sanay na rin ako.
Si mama lang palaging kinakabahan sa akin. Baka kasi kung saan-saan ako gumala. Ito lang ang maganda kapag hindi ka umuuwi sainyo hindi nila minsan nalalaman kung nasaan ka. Todo higpit kasi sa bahay.
Si papa naman okay lang pero, istrikto lang pagdating sa pag-aaral namin, lalo na sa kukunin naming kurso. He is a licensed civil engineer kaya gusto niya ako rin, simula nong sinuway siya ni kuya.
Nakipagkwentuhan pa sila ate Kyla sa akin hanggang sa makaramdam na sila ng antok. Ako naman nag-advance study na ako. Mahina kasi ako sa math at,
Dalawang minor subjects and I have math subjects pa.
Sumilip ako kay Kirsten at doon ko naalala na babayaran ko pala siya. Agad kong binuksan ang drawers ko at kumuha ng drawer ko.
"Ah Kirsten?"
Kinabahan pa ako ning lumapit ako. Kaso nakasuot pala siya ng wireless earphones at tutok pa sa laptop niya. Parang may assignment siyang ginagawa.
"Kirsten?" Hindi niya yata maririnig ang maliit kong boses. Baka mamaya na? O bukas?
"Oy Kirsten!"
Nagulat naman ako nong biglang lumapit si ate Janette tapos tinanggal ang isang earphone ni Kirsten. Nakita ko ang pagkairita sa mukha ni Kirsten, natakot tuloy ako.
"Kanina ka pa tinatawag ni Mella, busy yan?" tapos lumakad si ate Janette palayo at dumiretcho sa banyo.
"Yes?" Napalingon ulit ako kay Kirsten.
"Ah, thank you."
Inabot ko agad sa kanya ang 1000 mas mabuting makabayad na ako.
"Ano yan?"
Ang lamig ng tono ng boses niya.
"Sa kanina sa convenience store. Naiwan ko pala wallet ko sa library."
"565 lang yon, wala akong panukli," sagot niya at ibinalik sa tenga niya ang isang earphone niya.
"Ah okay lang–"
"Problema ko pa maghanap ng isusukli sayo?" hindi manlang ako pintapos magsalita.
"Ah, I mean okay lang kung wala kang panukli." Inilapag ko sa lamesa niya ang pera at aalis na sana.
"Wait, malaki pa ang sukli mo."
"Pwede namang bukas."
"Ako pa talaga? Just pay me back some other time. Yung sakto na ang perang ibabalik mo or you can pay me online?"
"Ah wala kasi akong online account," sabi ko.
"Bukas mo nalang ako bayaran."
"Okay po," sabi ko at kinuha ang pera ko tapos bumalik na sa pwesto ko.
–