45: Necklace
September 18, 7:08 am.
I am now twenty years old.
Mabuti nalang may pasok ang araw ng birthday ko. Ayokong umuwi. I don't want to celebrate my birthday at home. Pero kakain kami sa labas mamaya, sabi ni mama, kasama sila mommy at daddy tapos si nanay.
"Girl! happy birthday!"
Nagulat ako nang may biglang yumakap sa akin pagkapasok ko palang ng University. It's Kelly.
"Oh ngayon hindi na ako late bumati! hindi ka nagsasabi ah! ano plano natin ngayon?" tanong niya tapos inakbayan niya ako.
"Mauna ako sayo Mella," sabi ni Troy na nasa tabi ko.
"Wala duty ako ngayon sa library," sagot ko.
Ang hirap pagsabayin ang trabaho tapos pag-aaral.
"Kumusta plates natin?" Natatawang tanong niya.
"Mabuti ka pa patapos na," sagot ko. Ako patapos na pero pakiramdam ko papaulitin lang rin ako ng prof namin. Nangangamba ako sa grades ko ngayon parang pabagsak eh.
"Hoy, akala mo," sabi niya tapos itinulak ako ng mahina. Sinamahan ako ni Kelly papuntang library. Marami rin akong absences dahil sa mga activity namin. Tapos sumali pa ako sa sayaw sayaw eh hindi naman ako kagalingan.
"Good morning, ma'am." Pagbati ko sa nakasalubong kong librarian.
"Good morning, unahin mo yung pinakadulo ah, maraming books for shelving," sabi ni ma'am, tumango naman ako bilang sagot.
"Girl, dito lang ako," sabi ni Kelly at tumango naman ako bilang sagot.
Sobrang dami nito, marami kasing mga prof na mas gusto nilang gamiting sources ay mga libro na nandito sa library. Minsan nga may activities kami dito sa library pinapagawa. Kaya madalas maingay ang library.
Mas maingay pa kesa sa canteen.
"Tulungan na kita Mella." Natigilan naman ako sandali nang biglang may umagaw sa librong binuhat ko na.
"Arnold, kaya ko naman," sagot ko. "Bawal ka ring tumulong. Hindi ka naman working student dito sa library, mapagalitan pa ako."
"Bakit ikaw lang?" tanong niya. Binawi ko naman pabalik ang mga librong nakuha niya. Mabigat pero mas mabigat pa ang nararamdaman ko. Wala pa kasi sila Abi at Nico. Namiss ko na rin sila kausap.
"Maaga ako eh," sagot ko. Sinundan naman niya ako hanggang papunta sa mga shelves.
"I heard you had a girlfriend," sabi niya na ikinatigil ko sandali. "Kaya pala hindi mo ako binibigyan ng chance it's because you like girls like boys do."
Sinamaan ko siya ng tingin at nakita ko naman siyang tumigil. Tumahimik lang siya ng ilang segundo at nagsalita ulit.
"Anong meron sa girlfriend mo na wala ako?" tanong niya.
"Pwede ba Arnold, tigilan mo na ako," sagot ko. I thought spreading the news that I'm not single anymore he would stop. Katulad ng mga ginawa ng iba, they stopped. Pero siya, nangungulit pa rin, wala naman talaga siyang chance, single man ako o hindi ngayon.
"I just can't stop Mella."
Sana ganon rin si Kirsten. Pero hindi naman siya sumuko sa amin diba, she's doing this for me, for us, for my family. To wait for the right time.
Hindi ko lang siya pinansin at umalis na rin naman siya pagkatapos.
Just a simple phrase, happy birthday would be special. Kung siya ang babati sa akin.
Hanggang sa matapos ako sa library ay wala pa rin akong nakuhang happy birthday galing sa kanya. Nakakainis, kaya talaga niya akong tiisin?
After classes ay bigla akong hinila ni Kelly, punta raw kaming arboretum garden ng University. Kahit tinatamad ako ay nagpahila nalang rin ako, alam ko namang may surprise sila sa akin. Sumama ako dahil naghihintay na rin sila mama sa labas.
"Mabilis lang naman," sabi niya sa akin.
Ewan ba, tamad naman na ako dati pa, pero nong nawala si Kirsten sa akin ay parang mas lalo akong naging tamad. Tamad sa lahat, walang gana.
"Happy birthday!" Pagkarating namin sa hardin ay hindi ko napigilan ang ngiti. Lahat ng classmates ko ay nandito and Sandra is holding the cake.
"Make a wish!" Nakangiting sabi ni Sandra.
Kakaisip ko kay Kirsten I almost forgot about them. Pakiramdam ko mag-isa nalang ako na hindi naman dapat. Tama rin sila, bata pa ako to overthink things.
Pero masisisi ko ba ang puso ko kung nagmahal lang siya? I always overthink kaya nga naghiwalay rin kami dati ng una kong ex. Marami akong mali sa relasyon namin. Pero mas marami siguro akong matututunan sa amin ni Kirsten.
Ayokong maghiwalay kami, hindi naman mahirap maghintay kung mahal talaga namin ang isa't isa.
"Thank you guys!" Nakangiti kong sabi. I made a wish and blew the candle.
"Ano wish mo?" tanong ni Kelly.
Wish ko? ay ang bumilis sana ang oras.
"Oh ito." Bigla akong inabutan ni Kelly ng isang maliit na box na nakabalot pa.
"Thank you." Nakangiti kong sabi.
"Hindi 'yan galing sakin," sabi niya. "Buksan mo na."
Kinabahan ako na parang ewan. Sinira ko agad ang gift wrapper na kulay purple pa at binuksan agad para makita ang laman.
Isang glowing moon necklace.
Natulala ako sandali. I still have the moon lamp that Kirsten gave to me.
Agad ko siyang hinanap.
"Girl, wala siya dito, pinapabigay lang niya sa akin." Tumigil ako kakahanap nang magsalita si Kelly sa tabi ko. Akala ko nandito siya.
Hindi ko napigilan ang ngiti ko. She's keeping what she said.
"Mamaya ah punta ka sa party fun, sagot na namin ni Sandra," sabi ni Kelly. "Basta sa birthday ko ah, ganito rin kayo."
"Ito naman, isa pa, alam niyo naman na bawal akong lumabas na hindi school related, may dinner rin kami," sagot ko.
"Mella, tara!" Napalingon ako kay Troy at siya na nagbitbit ng iba pang regalo na galing sa mga kaklase ko. Ang sweet nilang lahat.
"Anak!"
Agad kaming sinalubong ni mama sa parking area. Nakita ko naman agad si papa.
"Ang daming regalo ng baby ko ah," sabi ni mama at yinakap ako. "Happy birthday anak."
They seemed to be different today, siguro kasi birthday ko.
"Thank you ma," sagot ko. Napalingon naman ako kayna mommy at daddy. Lalo na kay nanay, masaya akong kasama ko sila.
Agad kaming pumunta sa isa sa mga paborito naming go-to restaurants. Pero agad rin namang naglaho ang kasiyahan na nararamdaman ko mula sa kanilang lahat dahil naalala ko na naman si Kirsten.
"That's a beautiful necklace, apo, saan galing iyan?" Nakangiting tanong ni mommy. Sinuot ko pala agad ang kwintas na binigay niya. Ang daya wala man lang siyang letter o note. Pero at least.
Wala pa nga akong nabibigay sa kanya.
"Ah sa kaibigan ko po," sagot ko. Napatingin ako kayna mama at papa, at nakatuon lang naman ang atensyon nila sa pagkain.
--
fb: @Lisnaej /