24

526 11 0
                                    

24: Invisible

One of the reasons why iniwan ako agad ng ex ko dahil, pinilit ko lang siya. I was the one who fell first. Kaya madali lang sa kanyang iwan ako. I'm the one who made the move for us to be together. 

Iniwan niya ako. Kaya siguro sabi nila, wag magmadali dahil darating nalang ang love na saktong para sayo. 

Pero kung nararamdaman mo na 'yon sa isang tao, papakawalan mo pa ba? I really felt she's my soulmate, it's like we're destined to be each other, ang taas lang pala ng level ng pagiging delulu ko.

"Okay ka lang Mella?" Napalingon ako kay Kelly. Tumango ako bilang sagot. 

"Sure ka? May quiz tayo mamaya sa philippine history hindi kita pwede pakopyahin," sabi niya at natawa lang ako sandali. 

It's the second semester already. 

Dumaan ang pasko, birthday niya, new year. We never talked anymore, hindi ko naman siya . Hinahayaan ko nalang. I'm still into her, maliban lang sa hindi ko na pinipilit ang sarili ko.

My friends already stopped teasing me dahil tuwing ginagawa nila 'yon nagagalit ako. Kung pwedeng lumipat lang ng school ginawa ko na, kaso sila paa naman nagpapaaral sa akin. For them, this is the best University. 

Kung pwede nga rin lang na lumipat ako ng dormitory o kahit room nalang, hindi ko magawa. Wala na raw ibang space tapos sila mama, ito na raw ang safes for me.

Pagkatapos ng contemporary world class, ay agad akong pumunta ng library para makapag-duty. 

"Alam mo parang may bago sayo," sabi ni Abi sa akin. Lahat naman sila nagsasabi niyan sa akin. Kesyo di na daw ako lively, ewan. Bahala sila.

But everyday palagi akong wala sa mood. Siguro stressed na rin sa mga subjects.

"Nandito crush ko," sabi ni Abi. Pero hindi ko siya pinansin dahil alam ko kung nasaan crush niya, kaibigan lang rin ni Kirsten. 

Ayoko na siyang makita pa. At ayoko na ng crush, crush. Aksaya lang ng oras.

"Bili lang ako ng iced coffee, kayo?" Napalingon kami kay Nico.

"Ako rin," sabi ko.

"Sige, mamaya nalang bayad niyo," sagot ni Nico.

"Salamat Nico." Nakangiti kong sabi. Habang nagpupunas ng mga lamesa. Kakatapos ko lang rin magbalik ng mga libro sa shelves.

"Doon lang ako sa kabila ah," sabi ni Abi. Tumango lang ako bilang sagot. 

Nakakapagod naman maging masipag, masakit sa katawan. 

"Psst! Kirsten!"

Napalingon ako sa sumigaw sila Kelly. Sinamaan ko agad sila ng tingin. Mapapagalitan na talaga sila. Kasama pa sila Arnold, alam naman nilang ayaw ko kay Arnold dahil nanliligaw na.

"Girl, date daw kayo mamaya ni Arnold!"

"Hinaan mo boses mo Kelly," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa likuran ko.

"Si Kirs–" agad niyang tinakpan ang bibig niya tapos tumango at umupo na sila kung saang table ako naglilinis. 

They don't know the story kahit sila ate, pero I rather not tell them, hindi naman worth it.

"Lumayo nga kayo," sabi ko. 

"Just one date." Tumingin ako kay Arnold. Pati ba naman dito sa library aabot ang kakulitan niya.

"Ayoko, at isa pa hindi kita sasagutin kaya tumigil ka na," sagot ko.

"Ouch Nold, ayan na sagot mo, busted!" Sigaw ni Drew at nagtawanan sila. Napailing-iling ako.

"Gwapo naman itong si Arnold, mayaman tapos matalino pa." Todo support talaga sila kay Arnold. Napailing-iling ako, parang mga bata. Parang napagiwanan ng generation.

"Tumigil nga kayo," sabi ko.

"Sakit Arnold."

"It's okay, I won't stop," sabi niya habang nakatitig sa akin. yuck.

Ito siguro ang naramdaman ni Kirsten sa akin. Nandiri siya. 

"Ayan! Oh! Haha."

Tumingin ako kayna Kelly at napailing-iling lang sila ni Sandra. They know I don't like Arnold. Pero ito talagang mga kaibigan niya, supportive. 

"Excuse me!"

Naputil ang tawanan nila nang may lumapit na librarian. Kaya agad akong umiwas sa kanilaa at baka madamay pa ako. Kunyare, naglilinis ako.

"This is a library! Not a market! You may go outside!"

Sigaw sa kanila. Natawa lang ako ng mahina. Ang kukulit kasi. 

Pero kahit anong gawin ko libangin ko man ang sarili ko. I can't seem to forget our first kiss and…last. It feels special pero sa huli, nasaktan lang ako. Napahawak ako sa pulso ko, kasalanan 'to ng stupid na posas na 'yon.






Pagkatapos ng duty at classes ay agad akong umuwi. Plagi na akong umuuwi agad, hindi na ako nagtatagal sa library, maabot ko lang ang to be rendered hours, ay okay na. Wala akong gana masiyado.

Pagkauwi ko ay wala sila ate Kyla palagi halos dahil internship na rin kasi nila. HRM students, minsan gumagala rin sila. They also stopped annoying us kasi nga nagagalit na ako. As in galit. 

She's a bitch to me now. After kissing me? Lalaki naman? Like ew. Sino ba ang lalaking 'yon? Sabi niya wala siyang boyfriend. Sino 'yon?! I hate him. 

I never blocked her, so I can still see her posts, yeah, how crazy I am. I'm mad but I still like her. Pakiramdam ko nga I can't stand to be mad at her.

Mukhang okay naman siya. Mukhang hindi naman siya affected at parang wala lang talaga sa kanga. Minsan inuulit ko pa ngang basahin ang mga convos namin tapos iiyak.

 Pero hanggang don lang 'yon.

Hindi ko pa naman siya kilala, kaya sa sobrang pagmamadali at pagpupumilit, nasasaktan talaga. 

Nakahiligan ko na rin ang ice cream, somehow it heals me. Palagi na akong bumibili sa canteen.

How I wish okay pa kami nila Kuya, sigurado akong I can tell him everything. Kaso the day he left papa and mama, iniwan niya na rin ako at kinalimutan na ang friendship naming dalawa.

I really miss Kirsten. 

Somehow when she's around I feel safe and comforted even without touching me. 

Kung pwede lang ibalik. Sana inilihim ko nalang. Admiring her secretly, mas hindi siguro masakit. 

I heard the door opened at wala lang ako. I know her footsteps. Pumikit ako at itinuon lang ang pansin ko sa ice cream. 

Kahit hindi ko kaya, I have to. Para naman maramdaman niya na hindi big deal 'yon, katulad sa kanya wala lang. 

But I can still feel my heart racing, lalo na kapag naririnig ko ang paglagay niya ng mga gamit niya sa study table. Malapit na pala internship niya. 

We never talked again.

Right now, we're just invisible.

I am here. 

And she's there.

But we're only here. 

Parang hangin. 

Fb: @Lisnaej / @lisnaej

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon