21: Connected
Hinila ako ni Kelly sa Jail booth camp. Intramural days namin ngayon. Maraming events and activities. Kanina ko pa hinahanap si Kirsten, hindi ko siya makita. May booth rin ang organization namin.
Pero sa second day pa kaming freshmen magbabantay.Kaya malaya kami ngayong manood o sumali sa mga games.
"Bakit ba?" Tanong ko kay Kelly.
"Gusto mo magpakulong kasama si Kirsten?" Nakangisi niyang tanong.
"Wala nga siya eh," sabi ko.
Hindi ko alam kung ano ang label namin basta she's getting more sweeter.
"Last day pa 'no yung sa Mr. and Ms. Primston?" Tanong ni Sandra.
"Oo, sayang lang talaga hindi si Mella Ms. Engineering natin, hindi ko naman maganda nanalo, siya sana representative natin," sabi ni Kelly.
"May question and answer kaya, isa pa ang gaganda ng mga kalaban," sagot ko sa sinabi niya. Hindi pa sila maka-move on.
Hindi ko nga alam ano nakita nila na ganda ko raw.
"Guys! Education vs Engineering raw ngayon!" Sigaw ni Sandra bigla. "Tara sa court?" Nagpahila nalang ako sa kanila.
Hindi naman kasi sila Kirsten ang maglalaro. Wala rin naman akong titilian sa mga players. Male basketball players. Wala akong susuportahan.
"Go Engineers!" Sigaw ni Kelly.
Mella:
Nsn k?
Kirsten:
Nsn?
Mella:
Nasaan ka? Nasa court ako, malapit sa gym.
Kirsten:
Miss mo lang ako.
Mas nagiging makulit na rin siya. Kulang nalang talaga magligawan kami, kaso straight nga talaga raw siya. Ayaw pa umamin eh, na gusto niya rin ako.
Mella:
:3
Kirsten:
Nandito lang ako sa school, want to see me?
Mella:
:P
Napatakip ako ng tenga dahil may mga biglang tumili na mga babae. And I thought their yelling to the players. But to my surprised there are more shouting Kirsten's name.
I didn't know there are so many girls are crazy about her.
Pumasok lang naman siya ng court, to watch I guess? She's just wearing simple oversized shirt again and jeans.
"Hey." Natulala ako nang umupo siya sa tabi ko. Napalingon ako kayna Kelly na pinipigilan ang mga tili nila.
"Hey," sabi ko rin.
She's moving again, like she wants to attract women. I hate it. Hindi ko alam saan ako magseselos eh, ayokong magselos sa babae tapos sa lalaki pa.
"Kumain ka?" Tanong niya.
"Ah oo," sagot ko.
"Anong gagawin mo ngayon sem break?" Tanong ko.
"Amm, I don't know yet. You?"
"Uuwi siguro," sagot ko. Ayokong umuwi pero sigurado akong papauwiin ako ni mama. "Gusto ko sumama sayo."