04

691 24 0
                                    

04: Straight

Sunod-sunod na ang kidlat. Sobrang maulan na ngayong August. Kanina pa nga si mama text ng text sa akin kung okay lang ako dahil malakas ang ulan sa kanila.

"Hey, you want?"

Napalingon ako kay Kirsten. Ako kinakusap niya? Oo, dahil ako lang naman ang tao dito ngayon. Napatingin rin ako sa dalawang cup noodles na hawak niya. 

Ngumiti ako at tumango bilang sagot.  Ngayon ko pang rin napansin na may mini fridge pala siya dito sa loob. Nilagyan niya muna ng mainit na tubig ang dalawang cup noodles gamit ang dispenser na nandito sa loob namin. Hindi na namin kailangan bumaba, baba nalang kami kung wala na kaming tubig.

"Here, be careful it's still hot."

Inilapag niya sa lamesa ko ang cup noodles tapos bumalik na rin siya sa pwesto niya. Hindi ko man lang siya tinulungan dito.

"Ah salamat po ate," sabi ko. Nakaharap ako sa kanya ngayon habang humihigop ng sabaw.

"Kirsten nalang, I'm only 20, i'm not that old."

Grabe naman 'to, eh sa rumerespeto lang. Pero ayoko rin naman siyang tawaging ate. Nahanap ko na pala siya sa SoCiant, alam ko na apelyido niya ngayon. 

Kirsten Ecero.

Kung tama sa SoCiant baka naman kasi Ecero lang nilagay niya hindi pala.

Napatingin ako ulit sa kanya at nakalimutan ko ng mag-aral at ang lakas ng ulan.

She has soft eyes and the curves of her eyelashes. Ngayon ay matititigan ko siya ng matagal. Sakto lang rin ang pagkatangos ng ilong niya, it enhances her beauty. Pandagdag ng ganda sa features niya.  

…and her lips.. it's like a rose petal and I bet it's soft.

Makes me wanna ask if she's….

"Straight po ba kayo?" 

Naubo siya bigla sa tanong ko. Kinagat ko ang labi ko dahil bakit ko naman biglang tinanong 'yon? Di na ako nahiya?

"What do you mean– of course I'm straight."

Gusto kong lamunin agad ako ngayon ng sahig. Bakit ba ako nagtanong non? Nakakahiya! Mabuti nalang wala dito sila ate Kyla.

Ako kasi eh, lahat ng boyish nalang ang style feeling ko hindi na straight pero karamihan sa kanila doon lang talaga sila komportable but they are not gays.

"Kalimutan niyo na po 'yon sorry."

Agad akong tumalikod. Muntik pa akong mawalan ng balanse sa upuan ko. Binigyan na nga ako ng cup noodles, nagtanong pa ako ng… hindi ko dapat itanong. Baka mailang siya sa akin?

Bakit rin ba ako nagkakaganito? 

"Do you find me attractive?"

Natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita ulit. 

"Or maybe…handsome?"

Huminga ako ng malalim at nilingon siya dahan-dahan.

"Nasanay na rin ako but yeah, I'm straight. Bakit ikaw?"

"Ah straight po ako," sagot ko sa tanong niya. 

Kaya nga straight ako, at never pa akong naging attracted sa babae. Maliban sa kanya. She's different and weirdly attractive. 

Teka, crush ko ba siya? Hindi naman siguro. 

Pero kung sakaling maging crush ko siya, sana hanggang crush lang. Straight siya tapos straight ako.

Imposible?

But I have never doubted my sexuality until her…

"Ah!" Sigaw ko nang biglang napaso ang dila ko. Nabitawan ko pa ang kutsara ko. Mabuti nalang nasa table ko lang ang noodles.

"Are you okay?" Natigilan ako nang lumapit sa akin si Kirsten. Nakaluhod ngayon ang isang tuhod niya at tila parang pumapantay siya sa akin.

Napatakip ako ng bibig ko.

"Napaso lang dila ko," sabi ko.

"Tss told you it's hot." Alam ko naman, hindi pa naman ako kumakain ng malamig na noodles. "Gusto mo hipan ko?"

Ako naman ngayon ang naubo sa sinabi niya. And I don't know and I'm not sure but she grinned.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad ko siyang itinulak. Tumayo naman siya agad at bumalik sa upuan niua.

"Hi guys! Kumusta kayo! Sobrang lakas ng ulan!" 

Napalingon ako kayna ate Kyla at kumaway sa kanila. Basang basa sila. Lumingon ako kay Kirsten at nakatuon na ang pansin niya sa noodles.

Nakakailang. Baka nagalit rin siya. 

"Walang gamit ang payong namin! Oy may dala kaming ice cream! Masarap 'to lalo na umuulan."

Napangiwi ako sa sinabi ni ate Janette. Ice cream? Sa ulan? 

"Kain tayo!". Sigaw ni ate Janette. Baka sumakit siyan ko. 

Pero parang masakit na nga eh dahil parang napunta ang kahihiyan ko sa tiyan.

"Hindi po ko mahilig sa ice cream," sabi ko. 

"Ay talaga? Ikaw Kirsten?" 

"Katatapos ko lang kumain. Enjoy your ice cream."

"Sige kami nalang ni Kyla."

Tumingin ulit ako kay Kirsten at nakatuon na ang pansin niya sa laptop. 

Parang ayoko ng magpakita sa kanya kahit kailan.

Fb: @lisnaej

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon