09

626 25 1
                                    

09: Fever

She's kind

She's friendly when she's drunk.

Mapupuno ko na yata ng pangalan niya ang notebook ko. Pagkatapos ng gabing iyon, tahimik na ulit siya. Kung paano siya simula sa una ay bumalik lang rin. 

Kyla Andres added you to the group chat

TEAM DORMITORY!

Na-add na ako ni ate Kyla sa gc nilang tatlo, in case lang daw kung kunyare may naiwan kaming gamit at ang isa sa amin nandon pa, o di kaya kung maiwanan namin mga key cards namin. Kahit anong tulong at least one chat lang raw sa gc namin. 

Pero silang dalawa lang naman ni ate Janette ang maingay. Parang mabibilang lang yata ang mga reply dito ni Kirsten. 

Kahit sa chat, ang pogi rin mag-type. Masiyado ring formal.

Pabigat at mas malaki ng bag ang gamit ko ngayon. May Engineering drawings subject na rin kasi kami sa first semester. Parang mahihirapan yata ako. 

"Girl? Ayos ka lang?"

Napalingon ako kay Kelly, habang hinahaplos ang ulo ko at ginagawa ko pa ang pinapaguhit sa amin. 

"Mainit ka ah, samahan kita sa clinic?"

Bigla niyang inilapat ang kamay niya sa noo ko. 

"Hindi okay lang ako," sabi ko.

"Hindi ka okay girl, tara sa clinic. Uso pa naman lagnat ngayon dahil sa panahon."

"Hindi okay lang ako, mamaya vacant naman natin. Pakisabi nalang sa kagrupo natin na uuwi lang muna ako," sabi ko sa kanya. 

Kaya ko pa naman kaso baka hindi ko na kaya mamaya. Alam ko talagang magkakasakit ako dahil sa init at bigla nalang uulan. 

Ilang minuto ang lumipas ay hinatid ako nila Kelly palabas lang ng classroom at hanggang sa makasakay ako ng bus papunta sa ibaba, dahil nandito kami sa taas, sa building ng department namin ngayon. 

Nagpadiretcho na ako sa main entrance namin para diretcho nalang akong lalabas.






Pagkababa ko ay agad akong naglakad. Dapat pala nagpahatid na ako? Walang gaanong dumadaan na taxi dito. Kailangan ko pang maglakad para sa sakayan. Kung pupunta pa ako don, eh mas malapit naman yung dormitory namin. 

Kaya ko pa naman. 

"Aray!' Sigaw ko at napamura pa ako dahil bigla akong natumba at nasugatan pa ang tuhod ko. Cause I'm wearing a denim skirt na above knee.

Bobo ba ako o ano?

Nakarating naman ako ng dormitory ng ligtas at buo. Dumiretcho agad ako ng room at pagkabukas ko ng pinto ay si Kirsten ang nakasalabong ko.

Nagkatitigan pa kami, umayos ako ng tayo and I awkwardly waved my hand. 

"Are you okay?" Tanong niya. 

Kanina ang tapang ko sa mga kaibigan ko. Classmates ko. Kaya nga ako nakauwi mag-isa eh. 

I pouted and shaked my head.

Lumakad ako papunta sa study table ko at kumuha ng pamalit. Umalis lang naman siya pagkatapos. Tinawagan ko kaagad si mama nang matapos ako magpalit.

"Oh anak? Anong problema?"

"Nilalagnat po ako," sabi ko na parang bata.

"Ha? Nasaan ka ngayon?"

"Nasa dorm po mama, umuwi po ako," sagot ko.

"Naku anak, sabi ko naman wag magpasakit dahil malayo ako diyan. Puntahan kita, magpahatid ako sa papa mo. Magpahinga ka, uminom ka ng maraming tubig."

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos kong makipagusap kay mama. I'm a big baby. Lalo na kay mama.  Sanay kasi akong inaalagaan.

Aakyat na sana ako sa taas para humiga nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Kirsten may paper bag na bitbit.

"Hey, let me see your wound," sabi niya. "Sit here." Hinila niya ang upuan ko at sumunod naman ako sa kanya at umupo. 

Natulala ako sandali nang linisin niya ang sugat sa tuhod ko. Tapos nilagyan niya ng petroleum jelly tapos tinakpan niya ng cute na band aid, color purple tapos may mga cute designs.

"Yan lang kasi meron sila," sabi niya nang matapos siya. 

Napahaplos naman ako sa dibdib ko dahil sumiskip na ulit siya at sobrang bilis ulit ang pagtibok ng puso ko. It's racing fast.

"You have fever," sabi niya tapos inilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Naiilang ako dahil kinikilig rin ako na ewan.

Pumunta siya sa drawer niya at nakita kong may kinuha siyang infrared thermometer tapos itinaoat niya iyon sa boo ko. 

"Your temperature is 37.8. Are you cold?" 

Tumango ako. Kaya nga nagsuot na rin ako ng jacket ko. 

"Let me help you lie down." Nakahawak pa siya sa akin para alalayan akong tumayo, samantalang ayoko nga magpatulong sa mga kaibigan ko kanina. 

"Ak–ako na," sabi ko pero tinulungan pa rin niya akong makaakyat sa higaan ko.

Her hands are touching me. I can't. 

Bumaba rin siya tapos sumilip ako sa kanya kumuha siya ng bottled water sa mini fridge niya at may isa pa siyang kinuha. Umakyat siya at pinaupo niya ako sandali. 

"Here, take this," sabi niya tapos inabot sa akin ang tubig at gamot. Gamot pala ang kinuha niya. 

"Salamat," sabi ko at ibinigay ulit sa kanya ang tubig. 

"Lie down. Take some rest."

Pinahiga niya ako ulit at inayos pa niya ang kumot ko sa akin. Bigla namang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero parang natigilan kami sa isa't isa. 

Bigla siyang tumikhim at bumaba na siya tapos nakita ko pang pinahinaan niya ang aircon. 

Why does she have to be kind?

Gusto ba talaga niyang mahulog ako sa kanya?

Pero, I mean siguro kung nandito sila ate Kyla yun din gagawin nila. Pero hindi ko kasi siya kilalang ganon, palagi siyang tinatawag nila ate Janette kung kailangan ng tulong. 

--

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon