35: Beautiful
The prom's theme is under the stars. Nahiirapan akong pumili sa susuotin ko. But I'm glad mama helped me. Siya ang mas excited pang pumili sa gown na susuotin ko. She's also excited for my date.
Kirsten's best friend, I mean ex best friend and the guy I hated will be the one to fetch me. His name is Drew. Akala rin nila mama at papa siya ang ka-date ko. Hinihintay ko nalang siya ngayon, while my make up artist is making sure na maganda ako for tonight.
I want to look beautiful in her eyes.
"Dalaga na ang anak ko," sabi ni mama nang matapos ako at lumabas na ng kwarto nila mommy at daddy. Nandito lang ako sa Alvarez, para mas madali akong makapunta ng University, kesa magbiyahe po ako galing San Jose.
I'm wearing a pink starry sky banquet evening dress.
"It looks good on you anak, pero sana hindi mo pa boyfriend ang kukuha sayo ah." Nakangiting sabi ni mama at niyakap niya ako. Wala si papa at hindi na niya nahintay ang look ko dahil may aasikasuhin pa siya sa firm.
"Salamat ma," sagot ko. "Hindi ko po boyfriend."
"Nagandahan sayo anak 'no? kaya ka niyaya sa date, pero kailangan pa niyang dumaan sa amin ng papa mo. Hindi siya nagtanong ng maayos ah. Hindi siya bumisita ng bahay muna."
"Mama, it's just a prom," sabi ko na parang bata.
Prom lang, but with Kirsten it will be ineffable.
"Nandiyan na yata." Kinikilig na sabi ni mama nang tawagin kami ni mommy. She's also excited to see Drew pero ako hindi, pero kailangang sakyan. Dahil ayokong magkagulo ang araw na 'to.
Mabuti naman maaga siyang dumating.
"Ang ganda ng apo ko!" Nakangiting sabi ni mommy. Hinalikan ko sila ni daddy sa pisngi. Kung pwedeng dito nalang ako buong summer, kaso hindi pwede. Mabuti nga pinayagan ako ni mama ngayon kahit ayaw ni papa.
"Thank you mommy, daddy."
"Your date is here," sabi ni mama at nakita ko si Drew. Pinapasok siya ni mama.
He's wearing a tuxedo.
Ano kaya suot ni Kirsten? hindi pa kasi siya nagpaparamdam sa SoCiant. Gusto ko na siyang makita. She's busy kaya with her internship tapos ako naman nasa San Jose na, because it's summer already. Ngayon ulit kami magkikita. Hinintay ko lang talaga ang araw na 'to.
Binati muna ni Drew sila mommy, daddy at si mama. Marami namang sinabi si mama kay Drew. He's tall, dark and handsome, totoo pero wala siyang dating sa akin.
"Ma mauna na kami," sabi ko.
Pinagbuksan ako ni Drew ng pinto sa back seat ng car niya.
"Salamat," sabi ko.
"No wonder Kirsten is into you, you're beautiful," sabi niya nang makapasok na siya sa front seat. Hindi ko lang siya kinibo, kung pwede lang suntukin ko siya kaso baka ako lang masaktan.
Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami ng University. Pinaghintay lang niya ako sa University parking garage. Iniwan lang niya ako dahil darating naman raw si Kirsten.
Kinakabahan ako, paano kung hindi niya magustuhan ang suot ko?
"Kirsten!" sigaw ko sa pangalan niya nang makita ko siya.
Tumakbo ako palapit sa kanya at yinakap siya. I missed her so much. Gabi-gabi ako umiiyak lalo na kapag busy siya to chat me. Naramdaman ko agad ang pagyakap niya sa akin pabalik.
"You look beautiful as always." Rinig kong sabi niya.
Dahan-dahan akong umiwas sa yakap.
"Pero sa susunod wag kang tumakbo, lalapitan naman kita eh, nakasuot ka ng heels baka madapa ka na naman," sabi niya habang natatawa.
She's wearing a purple pantsuit with a matching coat. It looks perfect on her.
"Tara?" tanong niya at tumango ako bilang sagot.
We have our own banquet hall in the University where the prom will take place.
Pagkarating namin ay marami ng tao. Maraming iba't ibang magagandang gowns at may iba pa sobrang bongga ng suot. They are all beautiful.
And here's Kirsten, na nasa akin lang ang atensyon.
Which gives me assurance that I don't have to be insecure with other girls.
They also hired a DJ and a comedian, which makes the prom more fun and exciting. But what I loved the most was the cover band.
"Thank you for asking me to be your date," sabi ko sa kanya. I'm sitting right next to her, hindi ko napapansin at hindi ako nakaramdam ng hiya sa ibang kaibigan niya dito sa table kasi nakatutok lang rin ako sa activities at sa kanya.
"Ikaw lang gusto kong makasama." Nakangiti niyang sabi.
Inabot ko naman ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa.
"I want you to meet my mom tonight," sabi niya na ikinatigil at ikinatulala ko. Anong sinabi niya? Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin.
"Ngayon na? as in ngayon?" tanong ko. Hindi ko mapigilang magulat dahil ito na naman siya, hindi niya ako sinasabihan agad, hindi ako ready.
"Yeah."
Hindi naman tatapusin ang program?
"I told my mom it will be tonight."
"Kirsten naman, bakit biglaan? hindi mo naman ako hinahanda."
"For what?" Natatawa niyang tanong.
"Kirsten."
"You'll be fine."
Syempre mommy niya, hindi ko alam kung magugustuhan ba niya ako o alam ba niya ang tungkol sa amin ni Kirsten, is she like my mom. Hindi ko alam.
"But I don't want to pressure, okay lang kahit hindi ngayon," sabi niya at pinisil ang kamay ko.
"Pero sinabi mo na sa mommy mo diba?"
"She'll understand. Besides, I also want you to enjoy this night."
"Ang sama mo, sasabihin mo 'yan pagkatapos mo ng sabihin?" Inis kong tanong. Gusto ko siyang kagatin.
"Sorry na. Nangungulit kasi si mom."
"Teka, nangungulit? alam ba ng mommy mo?" tanong ko at swear, mahihimatay na ako sa gulat. Hindi naman sa OA ako pero bakit hindi siya nagsasabi sa akin?
"Yes. bakit naman hindi?"
Open ba siya sa mommy niya? marami pa akong hindi alam?
"Please don't pout, I might kiss you right here."
–