Promise

967 32 5
                                    

EPILOGUE:

I already received my degree certificate and I also passed the licensure exam. I'm not one of top passers pero at least nakapasa ako. Hindi lang ako pati rin sila Kelly at Sandra. She missed my graduation day, wala rin siya sa tabi ko nong nakapasa ako.

She was busy with work kaya naiintindihan ko. Mga araw na rin iyon ay kasama ko mga magulang ko. They're proud of me and papa also thanked me.

"Mella Rea Genobana!"

I can still remember when I walked cross the stage.

"Congrats anak!"

"Thank you for listening to us anak."

"You deserve this anak."

Sayang at wala si kuya. I reached out to him, sabi ko graduate na ako. He just messaged me congrats. Wala na siyang alam sa nangyayari sa buhay ko.

We took the licensure exam right away and thank God we passed. Nakuha naman agad ako sa company ni papa. Pressured being his daughter pero hindi naman rin ako magtatagal sa firm niya kasi balak kong lumipat agad. This will be charged at least to my experience.

"Love?"

Inangat ko ang tingin ko at napangiti ako nang makita ko siya.

"I'm sorry I'm late."

"Okay lang." sagot ko at nakita ko siyang ngumiti. Umupo na rin siya sa harapan ko. Ilang buwan simula nong nakapasa ako ganito pa rin kami. Nagkikita ng palihim.

Ngayon napagdesisyunan naming kumain sa isang restaurant.

"Sorry love, parang nasasanay ka na."

"Anong ibig mong sabihin?"

"You're getting used to me being late."

Maraming kumuha sa kanyang mga kumpanya kaya hindi siya nahirapan maghanap ng trabaho. Sa galing at talino ba naman niya. Pero may plano rin siyang magtayo ng sarili niyang kumpanya.

"Naiintindihan ko love," sabi ko at ngumiti ako para hindi na siya magalala. Nararamdaman ko naman ang pagbawi niya palagi. Isa pa minsan ako naman ang sobrang busy dahil sa mga projects. Hindi talaga minsan tugma schedule namin pero nandito pa rin naman kami para sa isa't isa.

Grabe, dati parang pinagbuksan lang niya ako ng tubig ngayon nandito na kami. She's already 28 and I'm already turning 25 this year. Ilang taon na rin pala kami simula nang magkakilala kami.

"Happy anniversary love."

It's already the 2nd day of July, I'm wearing a mini black dress and she's wearing a suit.

Bumabawi talaga kami sa monthsary na hindi namin na celebrate. Though she's not really into this kind of celebration ako rin naman. Ang gusto ko lang makasama siya araw-araw.

Natigilan naman ako sandali nang abutan niya ako ng isang box na may gift wrapper. Maliit lang siyang box, sobrang liit.

"Ano 'to?" tanong ko.

Simula nang nagkaroon ako ng trabaho bumawi talaga ako sa kanya. Ako lang kasi palaging nakakatanggap ng regalo.

"Earrings?" Tanong ko nang mabuksan ko ang regalo niya. Gold earrings "Thanks love."

"You're always welcome."

We are secretly planning to build a home already. We bought land in the South and we're planning to build our dream house there. Malapit sa dagat.

"Hmm, bukas pala ipapakita ni Kelly ang aso na ipapaampon niya sa atin," sabi ko.

"Okay, I'm free tomorrow."

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon