23

544 15 8
                                    

23: Relationship

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makabalik kami ng University at pinakawalan na rin kami.

We kissed.

Hindi ko alam kung ano na pagkatapos. I kissed her back. Nanaginip ba ako? Sinampal sampal ko ang sarili ko ng mahina habang naglalakad.

"Stop hurting yourself." Tumigil lang ako ng marinig ko siyang magsalita. Nang makarating kami sa parking ay agad niyang inabot sa akin ang helmet na pinahiram niya rin dati.

"Salamat," sabi ko. She offered to drive me on the way to the dormitory dahil uuwi na rin naman siya dahil wala na siyang gagawin.

Nakarating kami agad at sabay na rin kaming umakyat sa taas.

Nakangiti lang ako habang naglalakad kami. Pero agad na nawala ang ngiti ko nang makarating kami sa tapat ng kwarto namin.

"About the kiss, forget it."

Dahil sa sinabi niya para akong binuhusan ng malamig na yelo.

"I did not like it, it was not supposed to happen."

Binuksan niya ang pinto at naunang pumasok. Napahawak ako sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay parang winawasak ng paulit-ulit ang puso ko.

She kissed me. Hindi siya nagalit. Hinayaan niya rin akong sagutin ang halik niya, tapos sasabihin niya 'to sa akin ngayon lang? Bakit?

She did not like it? Ganon ba 'yon?

Tumalikod ako at napasapo sa aking dibdib.

I went too far?

Pumikit ako ng mariin at tumakbo pabalik ng elevator at umakyat ako papuntang rooftop. Tumakbo ako paakyat ng hagdan.

Ako nga hindi ko naman inaasahang sasagot ako ng halik sa babae! Kapal ng mukha niya! Pinunasan ko ang luha ko.

Baka nadala lang kami parehas. After all, she's straight.

Umupo ako sa bench at yinakap ang sarili ko. Dapat kasi hindi ko ginawa 'yon, ako naman ang nauna. Ito na ba ang sign na I should stop.

Lahat naman ng pinipilit, nasasaktan.

Hindi ko napigilan ang hagulhol ko kahit may ibang tao dito. Bahala na. Sobrang sakit kasi.

I know compared to others, my feeling is nothing. Pero, I fell. I fell too hard. Napasapo ako sa ulo ko. Pinagaaral lang naman kasi ako dito sa City.

Hindi naman ako sinabihan na ma-in love.

So, that kiss was a mistake. It was never supposed to happen. I get it. I just needed to sink it on my mind. Na pag hindi pwede, hindi.

Isang oras ang pinalipas ko ay bumaba na ako hanggang ground floor. Bibili nalang ako ng ice cream. Sabi nila, it's therapy. It would heal me, kahit papaano.

Nang makababa ako at lumabas, because i decided to buy ice cream sa convenience store, ay nakita ko si Kirsten at may kausap siyang lalaki.

Pero nagulat ako nang halikan siya ng lalaki.

But what surprised me the most is that she kissed back.

Agad na tumulo ang luha ko na pinigilan ko na kanina. Humakbang ako paatras at nang tatalikod na sana ako para bumalik nalang sa kwarto nang parehas silang napalingon sa akin.

"Mella?"

She called my name. How dare her!

Tumalikod ako at tumakbo papuntang elevator at agad na umakyat papuntang 3rd floor. Dumiretcho agad ako sa kwarto. Kinuha ko ang maleta ko dahil gusto ko ng umalis.

Ayoko siyang kasama.

After kissing me? Magpapahalik siya ng iba? Sa lalaki pa?

"Mella, it's not what you think."

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Gusto ko talaga siyang sugurin at sampalin. Hindi ko rin inaasahan na papaiyakin ako ng isang babae, na hindi pa nagiging kami

Am i too young? Is this punishment?

"What are you doing?" Tanong niya nang mapansin niyang nagliligpit ako.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko at tumigil sa ginagawa ko. Hinarap ko siya at hindi ako umiwas ng tingin.

"At ano 'yon? Joke? Joke ang nakita ko? Kaya gusto mong kalimutan ko ang nangyari sa sky garden dahil may hahalikan kanrin palang –"

"No that was not…it was–"

Nahihirapan siyang magsalita. She's a bitch!

"Bakit hindi ka nalang nagalit kanina? Bakit hindi mo nalang ako sinampal? Bakit mo ako hinalikan?" Hindi ko na mapigilang tumaas ang boses ko.

Mabuti nalang wala pa sila ate dito.

"Bakit Kirsten? Bakit!"

Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Wag kang umiwas ng tingin! Kasi king nagalit ka nakang kanina eh di sana walang halikang nangyari, siguro hindi ganito kasakit. You know I have feelings for you, it's not that I was asking for you to like me back. Pero sana nilinaw mo nalang sa umpisa palang! Ano? Sweet ka sa lahat? Nanghahalik ka ng kahit sino?"

"I'm not like that!" Sigaw niya pabalik sa akin.

Bitch!

"Eh ano ka? Ha?"

"Do you really like me? Sigurado ka ba? Babae ako," sabi niya at mas mahinahon na ang boses niya ngayon.

"So? Anong point mo? Eh di sana nong umpisa palang nilinaw mo na diba? Hindi yung, maguguluhan pa ako, mabilis lang naman akong kausap. Hindi yung magpapaasa ka."

"Akala ko ba gusto mo lang ako?" Tanong niya na mas lalong ikinairita ko.

"Kung sakali patulan kita? Magiging masaya ba tayo? Sa huli maghihiwalay lang rin tayo, cause we'll both realized we're not enough for each other."

Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil somehow, may point siya.

"Sa huli maghahanap ka rin ng lalaki at maiiwan ako mag-isa. Tatandang mag-isa. Do you think I want to be in a relationship na trip lang? Gusto lang?"

Napapikit ako ng mariin, I can see my father through her. Mga sinabi niya kay kuya.

"I'm a girl, we will never have a normal relationship." Huli niyang sinabi.

Napayuko ako sa sinabi niya. Hindi ko alam, ang alam ko lang naman gusto ko siya at minamahal ko na siya. Siguro dahil masiyadong mabilis at ayoko ng ipilit pa.

Kung ipilit ko pa, baka katulad lang rin ng ex ko, mabilis lang rin niya akong iwan. Kaya bago pa 'to humaba, I'll stop.

"Okay, I'm sorry for liking you," sagot ko sa lahat ng sinabi niya.

"Ayos lang ba kayo?"

Narinig ko ang boses ni ate Kyla sa likuran niya. Narinig ko rin ang boses ni ate janette.

"Nag-aaway ba kayo?"

Pinunasan ko ang luha ko at umakyat na ng higaan.


Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon