25

528 11 3
                                    

25: Excuse

"Malapit na ang prom nila 'no? Sana may magyaya sa akin as their prom date." Napatingin ako kay Kelly. Talking about the upcoming Prom night for juniors and seniors. 

"Ikaw narinig ko may nagyaya sayo?" Napalingon ako kay Kelly, akala ko si Sandra kausap niya.

"Meron ba?" Tanong ko at sinamaan lang niya ako ng tingin. 

"Ang init na!" Sigaw ni Sandra. We're here outside the University waiting for the bus. 

We're going to visit a museum located in the South for us engineering students. 

Kaya nila napagusapan ang tungkol sa magaganap na Prom night dahil may mga kasama kaming iilang seniors and Juniors to assist us. 

"Tara guys," sabi ni Kelly. Sumunod naman agad ako sa kanila. May nakabangga pa ako pero hindi ko lang pinansin, I know who because of her skin.

At kagaya nga ng sinabi ko, parang hangin lang.

"Mella here!" Napalingon ako kay Arnold at inirapan ko lang siya.

Sila Sandra at Kelly ay magkatabi na. Kaya kay Gelrose nalang ako tumabi. Nasa may pinakadulo pa kami. Dapat pala nauna kami. Ayoko dito sa hulihan.

"Good morning guys! I know you all are excited! Just a reminder don't touch anything inside and keep a safe distance sa mga nasa loob! Wag rin kayong maingay! Sumunod lang kayo sa mga ate at kuya niyo.."

Pumikit ako at isinandal ko ang aking ulo. I don't want to hear her name.

Grabe, kaya ko palang maging ganito. 

"You will see a lot of artifact documents, some blueprints, models and sketches."

Bago kami tumuloy ay nagdasal muna kami. Tapos nagsimula ng bumiyahe ang bus. Nakatuon lang ang pansin ko sa bintana, mabuti nalang binigay tong spot ni Gelrose.









 Grabe naman talaga tamang landing! After two hours ay nakarating na rin kami. Hindi pa nga natatapos ang araw ay may sugat agad ako sa tuhod. Paano ba ako bumaba?

Tanga lang?

Nakakahiya pa, alam kong tinatawanan ako nila kelly. Kakainis!

"Dear are you okay?"

Rinig kong tanong ng prof namin. Bago pa ako makatayo ay may kamay na humawak sa braso ko. But I know it's her kaya agad kong hinablot pabalik ang braso ko at lumakad na agad.

"Okay ka lang Mella? Can I take a look, mukhang may sugat ka eh," sabi ni Arnold pero hindi ko lang siya pinansin.

Nag-alala pa ang prof namin. Agaw atensyon lang ako eh 'no? Pinapaalaga pa ako sa mga seniors namin. Agad ko silang tinanggihan.

"Okay lang po ako!" Nakangiti kong sabi. "Sorry po."

I'm just wearing a white short and a simple shirt. Ako na tanga.

Nang hindi na nila ako pinansin ay napangiwi na ako. Ang sakit kasi. Napakacute ko naman talaga.

"Girl nakita mo dapat mukha mo." Natatawang sabi ni Kelly kaya agad ko silang inirapan. 

"Haha hay naku Mella," sabi ni Sandra. 

"Ito naman 'no? Bakit araw-araw ba ako tanga?" Inis kong tanong.

"Joke nga lang," sabi ni Kelly. 

"Excuse me."

Tumigil kami sa paglalakad, malapit na nga kami sa entrance. Baka mahuli pa kami ng dahil sa akin.

"Yes po?" Tanong ni kelly at sabay na kaming tatlo na humarap. Agad akong tumingin sa langit nang malaman kong si Kirsten. Damn, lakas ba ng pagkatumba ko na hindi ko napansin boses niya.

Tumalikod agad ako.

"Miss Genobana?"

Bakit apelyido ko pa? Mella lang pangalan ko eh. 

"Girl…tawag ka…"

Alam kong gusto akong tuksuhin ni Kelly pero pinipigilan lang niya. Iba kasi ako magalit. 

"Girl…"

Niyugyog pa braso ko. 

"It's your senior calling you." Rinig kong sabi niya. Ano ba kailangan niya. 

Dahan-dahan akong humarap pero hindi ako tumingin sa kanya. Pero nag-react na ako nong hawakan niya kamay ko at hinila.

Napalingon ako kayna Kelly na nakataas lang ang mga kilay, hindi din nila alam anong nangyayari. 

"Excuse me lang po ah, bakit po ba?" Tanong ko at mas natulala ako nong pumasok kami ulit sa bus. Nilingon ko naman ang driver's seat, walang tao. 

Bakit kinakabahan ako? Siguro kinakabahan ako at baka mapagalitan ako ng prof!

"Let me see."

Pumikit ako . Kunware wala akong naririnig. Pilit kong inilalayo ang tuhod ko sa kanya nong lumuhod siya, humakabang lang ako paatras.

Tumigil lang ako nong napaupo ako sa upuan dahil kakaatras ako.

"Did you did this? Para magpapansin?" Tanong niya at may halong inis pa ang tono ng boses niya.

"Ha?" Ngayon ay napatingin na ako sa kanya.

Oh those eyes! 

"Para magpapansin sa akin," sabi niya. Natawa ako ng mahina. 

Iniiwasan ko nga siya tapos nagpapansin pa.

"Hindi ko gagawing sugatin ang sarili ko 'no," sagot ko. 

"Will you please stop?"

Napaawang ang labi ko. Saan ako titigil?

"Stop getting my attention."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ako na nga itong umiiwas bakit ako pa parang may problema?

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon