40: I
"Alis na ako," sabi niya nang malapit na kami sa bahay nila mommy at daddy. From here, sasakay nalang raw siya ng bus. Gusto ko tuloy siya ihatid rin sa kanila, kaso hindi naman pwede.
"Gabi na ah, umuwi ka kaagad, at palagi kang mag-iingat," sabi ko at hinalikan siya ng mabilis sa pisngi. "Matagal ulit tayong magkikita, wag mo akong kalimutang i-chat ah."
"Promise, hindi ko kakalimutan," sagot niya at ginulo na naman ang buhok ko. Kung sana maabot ko lang rin agad ang buhok niya.
"Pumasok ka na rin sainyo, baka nakaabang na mama mo," sabi niya at parehas kaming natawa. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya habang humahakbang paatras. Gusto ko ring matitigan pa ang ganda niya.
"I love you."
Natigilan ako sandali nang sabihin niya iyon. Tapos agad siyang tumalikod at tumakbo palayo.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto nila mommy at daddy ay kumatok muna ako at dahan-dahang binuksan ang pinto.
"Ma–"
Akala ko ay yakap nila mommy at daddy ak sasalubong sa akin pero isang sampal ang natanggap ko galing kay mama.
"Ba-bakit po?" tanong ko.
Ito ang unang beses na sinampal ako ni mama. Dahil ba late akong umuwi?
"Umakyat ka kaagad, mag-uusap tayo," sabi ni mama, at napansin ko ring wala sila mommy at daddy. Hindi man ako makagalaw dahil kinakabahan ako at natatakot ako kay mama ay umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko, sa kwartong hinanda para sa akin nila mommy at daddy.
Hindi ko alam kung nandito na ba si papa.
Hinanap ko naman agad ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Kirsten.
Kirsten:
Nakasakay na ako.
Mella:
Nandito na rin ako sa loob.
Pinunasan ko ang luha ko, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya dahil ayokong isipin niya na kasalanan niya at ayokong may iisipin siya pagkatapos ng saya namin kanina. Binuksan ko naman ang message sa akin ni Kate. Kanina pa pala siya tumatawag at ngayon ko lang napansin.
Kate:
Bes, sorry.
Mella:
Ha? bkt?
Agad kong ibinalik ang cellphone ko sa bag ko nang bumukas ang pinto at nakita ko si mama.
"Bakit mo nagawa 'to?" tanong ni mama na hindi ko naintindihan.
"May nagpadala sa akin nito, mabuti nalang at sa akin hindi sa papa mo," sabi ni mama at itinapat niya ang cellphone niya sa akin. Litrato mula sa prom, it's me and Kirsten, smiling at each other.
"Sinabi rin ni Kate na may girlfriend ka? siya ba 'to?"
Sino ang nagpadala ng litratong iyan kay mama? at bakit rin sinabi ni Kate. Hindi niya magagawa 'yon.
"Balak mo pa ngang ipakilala sa kanya, siya ba itong dinala mo sa bahay?"
"Mama–"
"Mella naman anak! bakit? ha? bakit? ano ba ang kulang ko sa pagpapalaki sainyo ng kuya mo!"
"Pero ma, wala kaming ginagawang mali," sagot ko.
"Mali? Mella, this is wrong! my God! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Gusto mo bang tumulad sa kapatid mo ha?! gusto mo ba?!"
Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo sa mga mata ko. Natatakot na rin kasi ako kay mama dahil sumisigaw na siya. Ganitong ganito siya nong nalaman nila na may boyfriend si kuya.
"Gusto mo bang palayasin ka rin ng papa mo? kaya mo ba mag-isa?"
Umiling ako at hindi ko na napigilan ang hagulhol ko.
"Ano bang nangyayari sainyo? ano ba? sabihin mo sa akin anak! Balak mo pa siyang ipakilala sa best friend mo? nag-iisip ka pa ba? sasabihin ng mga tao sa akin! sa amin ng papa mo, may mga anak kaming abnormal?"
Pumikit ako ng mariin.
Kate told my mother? How could she? She's my best friend.
"Wag mo na ring itanong kung bakit sinabi sa akin ni Kate, she's also worried, she cares for you!"
Why? We did nothing wrong.
"Mella, you're only 19, you're too young."
Umiling ako.
"Mama, mabait po si Kirsten, if only you'd give her a chance–"
Nakatanggap ako ng pangalawang sampal kay mama at hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"Tumahimik ka! babae ka anak! babae ka! isa lang ang anak kong lalaki at isa lang anak kong babae!"
"Tumigil ka na Melisa." Natigilan ako ng marinig ang boses ni papa. Nandito na siya.
"Pa." Pagtawag ni mama sa kanya.
"We'll transfer her to another University. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mong pagpapalaki, at silang dalawa may sakit sa ulo." Pagkatapos ni papa sabihin iyon ay lumabas siya at sumunod sa kanya si mama.
Niyakap ko nalang ang sarili ko.
I can't tell Kirsten, dapat hindi niya malaman 'to.
Napatingin ako sa cellphone ko at agad na binuksan ang message ni Kirsten.
Kirsten:
I'm home.
Napangiti naman ako at pinunasan ang luha ko.
Mella:
mbuti nman.
Kirsten:
I'll just take a nap. I'll chat with you later. sending hugs.
Pinatay ko ang phone ko at napatingin nalang sa mga litrato naming dalawa. Alam ko namang darating ako dito, pero ang hirap pala.
Sa huli hindi ko pala alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o lalayo nalang agad ako? dahil nakakatakot pala. Hindi ko alam kung paano nakaya ni kuya mag-isa.
–