01

1.4K 32 0
                                    

01: Book

"Good morning freshmens!"

Muntik pa akong ma-late, nakalimutan kong may orientation rin pala akong sobrang aga para sa aming mga bagong estudyante. Tapos mamaya hahatiin kami para i-tour sa campus. 

Ang lawak pala ng Primston. Mas malawak kesa sa dati kong University. 

"So this is the community outreach office."

Hindi ako masiyadong nakinig sa orientation may mga pamphlets rin naman silang binigay. Tapos diretcho na agad kaming inilibot dito sa University. Sumakay rin kami ng bus na dito lang sa loob ng University mismo bumabiyahe.

Sobrang lawak kasi, yung office nga ng program namin at kung nasaan ang organization namin ay bukid pa. 

Ang advance na rin masiyado ang mga halos kagamitan dito. Mas na-amaze ako sa library nila. Sobrang lawak at open pa for 24 hours grabe. 

May sarili na ring mga stores dito na hindi na kailangang pumunta ng mga estudyante sa mga mall. Lahat yata nandito na.

"We will also give guidelines to the departments where you are assigned."

Makakalibre pala ako ng lunch ngayon dahil sa scholarship grantees orientation namin. Nakilala ko rin ang President at Vice president namin. Kahit matatanda na sila, ang gwapo nila!

Napansin ko rin halos magaganda at gwapo ang mga professors dito. Lalo na ang mga estudyante. Ang yayaman. Makikita naman sa kutis nila and the way they speak and move.

Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan agad sa mga kapwa ko scholars. 

"Saan ka na-assign?" Sabay-sabay na rin kaming kumain.

"Sa library," sagot ko kay Hershey, 2nd year student. 

"Ah good luck ah haha mabibigat mga libro don," sabi ni Nico. Tatlo naman kaming na-assign sa library kami nila Abi at Cian hindi ko nga lang kasabay kumain ngayon. 

Kinakaban na ako baka hindi ko kayanin pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Laking tulong rin nitong scholarship ko dahil wala na akong babayarang tuition. Mga ibang gastusin nalang. 

After lunch ay dumiretcho na ako sa library kasama ang secretary sa scholarship office para ma-endorse na kami. May number of hours kaming kailangang ma-render every month. Yon lang dapat ma-kumpleto namin. Kung hindi namin makaya, matatanggal kami. 

"Oh everyday dapat kung may makita kayong libro sa mga lamesa ibalik niyo agad sa shelves tapos kung walang ibang ipapagawa at walang gaanong students, pwede niyong punasan ang mga libro. Let's keep the library materials presentable for everyone."

Parang ang susuplada ng mga librarians dito. Pero okay lang suplada lang siguro pero mababait naman. May iba pa kaming task pero pangunahing task namin ay ang pagbalik ng mga libro sa tamang lagayan.

"Excuse me? Can I ask for the wifi password?"

Napalingon ako agad ako sa pamilyar na boses, si Kirsten, tama ako. Kinakausap niya ang librarian. Hinihintay ko pa kasi sila Abi para sabay na kaming mag-shelving.

"Oh, wala bang iba? Ang hina kasi," sabi niya.

"Sorry miss, maybe because it's the number of students using the internet right now."

She looks good in her uniform. Ganyan na rin ang susuotin ko next month. Kaso skirt nga lang sa akin. She's wearing slacks. 

Ang ganda rin ng katawan niya, unfair.

Ang cool pa rin niya tignan.

"Oh thank you." Sinundan ko lang siya ng tingin at bumalik siya sa mga kaklase niya siguro?

Skip a beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon