08: She
Gabi na ako nakauwi dahil nakikain pa sila at naki-shopping pa. Grabe sa pagkakuripot ni Kelly sa ibang bagay pero sa damit marami siyang nabili. Napabili rin tuloy ako. Okay lang may bago na ulit akong dresses. Mapupuno talaga ang cabinet ko siguro.
Pagkatapos kong mag-shower ay kumuha ako ng notebook at ballpen. Hindi para mag-aral o magtake-notes kung hindi… magsulat tungkol lang kay Kirsten.
She plays basketball.
She's 175 cm in height, I guess or 174?
She has a twin brothers
She’s handsome and pretty at the same time.
She–
“Hey, ikaw lang?”
Napatili ako at agad kong isinara ang notebook ko. Lumingon agad ako sa likuran and Kirsten is standing in front of me while her both hands are in her pockets. Napatayo tuloy ako. Kumalma ka Mella, baka mahalata ka.
Palagi pa naman akong sinasabihan ni Kelly na namumula ako.
“Ah oo, wala sila ate Kyla baka umuwi sa kanila,” sagot ko. “O may lakad? hindi ako sigurado.”
Tumango siya tapos sinundan ko ang mga mata niya na parang sumisilip sa likuran ko.
“So anong ginagawa mo?” tanong niya bigla. Napatulala ako sandali dahil hindi naman siya palatanong sa akin o gaanong nagsasalita. Kung may kailangan lang siya o di kaya ako may tanong.
“Are you writing about me?” Nakangiti niyang tanong.
Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Teka? halata ba ako?
“Ha? excuse me?” tanong ko. Pero kinakabahan na ako, bakit iba ang presensya niya ngayon? Is she drunk?
Namumula rin kasi siya. Lumakad siya palapit sa akin kaya hindi na ako makahinga ng maayos.
"Diba, you find me attractive."
Yumuko siya at sinabi iyon sa akin.
"Ah, lasing ka siguro," sabi ko at itinulak siya ng mahina.
"Yeah, sakit ng ulo ko," sabi niya tapos umupo sa upuan niya. "Never gonna drink again." Nakangiti niyang sabi.
Palangiti pala siya kung lasing? Nakikita ko lang naman siya madalas tumawa kapag kasama mga kaibigan niya.
"Taga san ka nga pala?"
"Ah sa San Jose," sagot ko. Hindi pala siya nakikinig sa amin noon nila ate Kyla.
"Ah, I'm from the West," sabi niya. West Alvarez?
"First year?" Tanong niya. Hindi niya alam, seryoso? Sa bagay sino ba naman ako para maalala niya.
"Oo, Engineering student, Primston East University." Kinumpleto ko na agad.
"I know that we're in the same school. But why choose engineering?"
Bumalik ako sa pagkaupo. Lumabas sila kaagad ng arcade ng mga kapatid niya tapos hindi ko na siya ulit nakita sa mall. Saan kaya siya galing?
"Ah, pinili ni papa eh."
"Pinili lang ng papa mo? It's a tough course."
Pumikit ako ng mariin sandali.
"Alam ko," sagot ko.
"Well, good luck."
"Ikaw? First choice mo ba engineering?"
Lulunurin niya yata ako sa ngiti at pagtitig niya.
"Hmm yeah. Civil engineering is one of the creative careers. I believe it can lead me to a different path. Ikaw? Siguro your father is an engineer."
"Oo," sagot ko. "Sa pamilya niyo ba may engineers ba?"
"Hmm wala," sagot niya.
"So gusto mo talaga ang pinili mong field ngayon?"
"Yeah."
Pero halata naman dahil mukhang hindi naman siya stress o pagod kumpara sa akin na kakasimula ko lang.
"Ano favorite color mo?" Tanong ko bigla pagkatapos ng ilang minutong natahimik kami parehas. Pumikit ako ng mariin at bakit tinanong ko iyon?
"White. You?"
"Ah, purple," sagot ko.
"Okay."
May kinuha siya bigla sa mini fridge niya. Chuckie. Binigyan niya rin ako tapos straw. Nahiya pa akong tanggapin pero tinanggap ko naman agad.
"Salamat," sagot ko.
"Are you a sweet tooth?" Tanong niya at umiling ako.
"Ikaw?"
"Sometimes." Nakangiti niyang sagot.
Her voice is calming
Habang nakatingin ako sa kanya ngayon. Hindi ko pa siya masiyadong kilala pero siguro swerte ang magiging boyfriend niya.
I mean my heart won't be racing like this.
"May mga kaibigan ka na ba?"
"Ha huh?"
"Friends sa school."
"Ah oo, medyo marami na rin," sagot ko. Why is she so friendly today?dahil ba kasi medyo lasing siya?
--