22: Sorry
Pagkatapos naming manuod ay doon lang kami iniwan ng dalang nag hand cuffs sa amin. Napabuntong hininga ako. Iniwan pa ako nila kelly pagkatapos nilang kumuha ng litrato sa amin.
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko kay Kirsten
"Can we go to the student lounge? My friends are there."
Natulala ako sandali. Anong gagawin ko? Ayokong makaharap mga kaibigan niya.
"If it's okay with you, tapos mamaya ikaw naman samahan ko," sabi niya. Napalunok ako at tumango bilang sagot.
Sumakay lang kami ng bus papuntang student lounge.
"Kirsten! Woah! Who's this? Haha what happened? Jail booth? Pakulo talaga ng mga IT students," sabi ng lalaking sumalubong sa amin pagkapasok palang namin.
Nakaramdam agad ako ng hiya at ilang sa kanila. They look all cool and rich.
"Yeah."
"And with a girl?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita at nakataas pa ang isang kilay niya sa akin. Who's this? Parang lalamunin niya ako sa sama ng tingin niya.
"But do you know her? Or just another fan? Last year diba meron?"
Meron na pala dati? Umangat ang tingin ko kay Kirsten.
"But haha tumakbo ka, ngayon di ka nakatakbo?" Napalingon ako sa tumatawa sa amin. Tumakbo siya so wala? Salamat naman. Kahit last year pa 'yon at di ko pa siya kilala magseselos ako.
"Anyway, kumusta si Sir Roxas? Haha."
Sumunod lang ako sa kanya at magkatabi pa rin kami sa pagupo dahil hindi naman kami maghihiwalay. Unless kung sirain namin? O may sumira?
"Kirsten!"
Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan niya. Yung babaeng nakita ko dati. Yinakap pa niya si Kirsten sandali. Nawala rin ang ngiti niya nong makita ako.
"Who are you? And what are you doing here?" Inis niyang tanong sa akin.
"Selos siya oh."
I can't even remember her name, oh namention ba ang name niya?
"Are you okay?" Napalingon ako kay Kirsten at umiling.
"Ethyl, stop glaring at her," sabi ni Kirsten sa babae.
"Your fan? I know you, ikaw nagdala mong cupcake for Kirsten? Sa clinic?" Tanong niya sa akin. Parang papatayin nila ako dito. "I thought you don't entertain fans?"
"Ethyl."
So her name is Ethyl. I don't like her. But there's something with her eyes.
"Sorry, ito nalang saan mo gusto pumunta? I just needed to talk with them about structural performances."
Tumamgo lang ako bilang sagot. Napatingin ako kay Ethyl at nakatingin pa rin siya kay Kirsten.
The way she looks at Kirsten is familliar. She's staring at her the way I do. In love and scared. Napatingin ako kay Kirsten at seryoso lang siyang nakikipagusap sa mga kaibigan niya.
Ngayon pa nga lang na hindi ko alam kung may chance ba talaga ako, ngayon pa nga lang na umaasa lang naman akong may chance kami, nagseselos na ako at natatakot.
I can't deny the fact na maraming magkakagusto sa kanya.
Pagkatapos ay nauna na kaming lumabas may mga lakad rin ang iba pa niyang mga kaibigan. Tahimik na ako habang naglalakad kami.