33: Dream
“So you're also in your first year?” tanong bigla ni papa habang kumakain kami. Dito na ako kinakabahan dahil seryoso man o hindi, malalim at parang galitin talaga ang boses ni papa. Kinakabahan rin ako kay Kirsten, idea ko kasi ‘to. Alam kong mahihirapan siyang magsinungaling.
Iba na pala kapag nangyayari na. Pero kakayanin ko naman kung sakali malaman nila ngayon agad.
“Yes sir,” sagot ni Kirsten.
Pinilit ko namang kalmahin ang sarili ko. I reached for her right hand under the table. Magkatabi kasi kami tapos naharapan namin sila mama at papa.
“Ano nga pala project na gagawin niyo?” tanong bigla ni papa.
“Ah final project po namin pa para sa Contemporary world,” sagot ko. Hindi na tuloy kami makakain ng maayos.
“Parang tinatakot mo naman ang mga bata Alejandro, sa tono ng boses mo,” sabi ni mama.
“Bakit naman sila matatakot?” tanong ni papa pabalik kay mama. Huminga ako ng malalim at binitawan ko na dahan-dahan ang kamay ni Kirsten.
“Kumusta ang pagkain iha?” tanong ni mama kay Kirsten.
“Masarap po, thank you,” sagot ni Kirsten. Pero alam ko na itong mga tingin sa amin ni mama. Pakiramdam ko may nararamdaman siyang hindi tama sa amin.
“So, Kirsten, sa first semester palang, I think you already know what is the most important skill for an engineer. Is this the career you want?”
Napapikit ako ng mariin. Ito na naman si papa. Minsan nga lang ako mag-invite sa bahay.
“Bakit dito niyo pa gagawina ng project, hindi niyo ba nagawa last week? kahapon?”
“Pa during finals po kasi binigay, isa pa gusto niyong umuuwi ako sa bahay diba?”
Kasi kapag hindi ako umuuwi tumatawag sila. Simula ring hindi na kami nagpansinan ni Kirsten ay palagi na rin akong umuuwi sa bahay.
“Aalis naman po kami agad bukas,” dagdag ko pa.
“Alejandro,” pagtawag ni mama kay papa. Napakamot pa ako sa batok ko.
Alam ko talagang, alam ni papa na nagsisinungaling ako. Si mama kasi masiyadong mabait ang tingin sa akin. Maraming alam rin si papa kaya wala akong takas.
“I want to talk to you, Kirsten. alone.”
Natahimik kaming lahat sa sinabi ni papa. I looked at Kirsten and she showed no expression. Bakit kasi alone? sabi ko na eh, suicide ‘to pero hindi rin tatagal malalaman rin naman nila. Kaya ihahanda ko na mamaya ang mga gamit ko.
“Pa bakit?” tanong ko.
“Alejandro.” Nakita ko ang paghawak ni mama sa kamay ni papa.
“I just want to talk to her, to your new friend,” sabi ni papa.
Dapat ba akong hindi kabahan. Natigilan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Kirsten. Masiyado na naman ba akong nagmadali? this is wrong. Baka anong gawin niya kay Kirsten.
After lunch ay dumiretcho muna ako sa garden house namin. Nasa office sila ni papa. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Dapat hindi ko na ‘to ginagawa, gusto ko lang naman makilala niya sila mama at papa, kung kakayanin ba niya. Itutuloy pa ba niya ‘to.
Umupo lang muna ako sa bench at tinignan ang cellphone ko. Wala siyang message. Hindi rin makakahawak ng phone ‘yon. Napasapo ako sa aking noo. Kailangan ko na bang maghanda? pero ang tanong kung gugustuhin ba ni Kirsten na piliin ko siya kesa sa parents ko?